Part 19

271K 4.8K 319
                                    

"And what do you think you're doing?!" Salubong ang dalawang kilay ni Andy na dinampot ang bote ng gatorade sa basurahan.

Takang-taka na napatingin si Yolly rito. "A-anong ginagawa mo rito?"

"Dinadalaw ka dahil ayaw ko man sana ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kamustahin ka. And this is all I can see? Really?" Masama talaga ang loob ni Andy.

Inirapan ni Yolly ang binata. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Wow! Ito nga ang hindi namamansin sa school, eh.

"Umalis ka na nga!" Hinablot niya ang bote ng gatorade tapos ay padabog na itinapon ulit iyon sa basurahan at saka mataas na humalukipkip.

Napasinghap naman sa hangin si Andy. Masama ang tingin sa kanya na dinampot ulit sa basurahan ang bote ng gatorade.

Pero hinablot din agad niya iyon at tinapon ulit. Kinuha niya ang takip ng basurahan at padabog nang tinakpan. "Huwag mo nang pulutin dahil wala nang pakinabang ang bote na 'yan sa 'kin! Wala nang halaga!"

"Talaga lang, ha?" Inalis ni Andy ang takip ng basurahan at kinuha ulit ang bote saka itinago sa likuran nito.

"Oo wala na dahil hindi ko pala tunay na kaibigan ang nagbigay niyan sa 'kin! Oportunista pala! Isang rapist!"

Namilog ang mga mata ni Andy. "What did you say?! Itong gwapo kong 'to tatawagin mo akong rapist? Baka hindi mo alam ang daming babaeng nangangarap sa akin na makatabi sa kama."

"Ewan ko sa 'yo," angil ni Yolly.

Napabuntong-hininga naman si Andy. "Look, Yolly. Hindi mo ba nakikita pumunta ako ngayon dito dahil concern ako sa 'yo, dahil kaibigan pa rin kita."

"Sabihin mo nga sa 'kin! May magkaibigan bang nag-s*x na?! Sige nga?!"

Doon natigilan si Andy. Napahimas ito ng batok. "Puwede ba kalimutan na lang natin 'yon?"

"Woooww! Andy! Virginity ko 'yung gusto mong kalimutan ko! Okay ka lang?! Sa 'yo puwede mong kalimutan 'yon pero ako hinding-hindi!"

"So, what do you want me to do? Tell me nang magawa ko para bumalik na ang maayos nating pagkakaibigan."

Sa pagkakataong iyon ay si Yolly rin ang natigilan. Ano nga ba?

"Yolly, I'm here to say sorry, and I'm here to ask if we can still reconcile. Sana maging okay na tayo ulit. Bati na tayo, please?"

"Hindi na tayo maayos pa, Andy, dahil sinira mo na. Pasalamat na lang tayo dahil kahit ilang araw lang ay naging magkaibigan tayo."

"But, Yolly..."

"Sige na. Umalis ka na't huwag ka nang babalik pa rito."

Magsasalita pa sana si Andy nang makarinig sila ng taong parang nasuka. At nang tingnan nila ay si Cristine pala iyon.

"Sorry. Sige mag-usap lang kayo," maasim ang mukhang sabi sa kanila ni Cristine na nakaupo sa tabi at nagsusuka. Dumating ito na hindi nila namamalayan at aawat sana ito sa pag-aaway nila pero bigla kasing nasuka ang dalaga.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Lapit agad si Yolly sa pinsan at hinagud-hagod ito sa likod.

"Okay lang ako. Masama lang ang pakiramdam ko. Siguro may nakain akong nakasama ng tiyan ko," namumutla ang mukhang sagot ni Cristine.

"Gusto mo magpa-checkup? I can take you to the hospital?" nag-alalang alok ng tulong din ni Andy sa kaklase.

"Hindi. Hindi na, Andy. Siguro ipahinga ko lang 'to."

"Halika. Do'n ka muna sa kuwarto ko. Masama na nga pakiramdam mo ay nagpunta ka pa kasi rito." Inalalayan ni Yolly ang pinsan.

Tumulong si Andy pero tiningnan niya ito nang masama kaya napabitaw rin agad.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon