Part 51

204K 3.4K 86
                                    

"Hello po, Tito Delfin." Yakap at beso agad si Cindy nang makapasok siya sa silid ng ospital ng daddy ni Andy. Nabalitann niya kahapon ang nangyari kaya dumalaw siya agad.

"Cindy, ikaw pala."

"How are you, Tito?"

"I'm fine, hija. Don't worry."

"Sorry for what happened, Tito. Kung hindi ko sana sinabi 'yong tungkol kay Yolly sa 'yo, eh, sana hin—"

Hindi naituloy ni Cindy ang sinasabi dahil sumenyas si Sir Delfin. "Hija, it's okay. You don't need to apologize. Actually, I want to thank you for it."

Nakusot bahagya ang makinis na mukha ng dalaga. "What do you mean, Tito?"

"Kasi dahil sa mga sinabi mo ay nakita ko ang totoong ugali ng babaeng 'yon, hija."

Nagliwanag ang mukha ni Cindy. Sa isip niya ay kung gano'n ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Siguro ay may nakita si Sir Delfin na masamang ugali si Yolly. That b*tch Yolly! Buti nga sa kanya!

"So, what can you say about her, Tito? Tama ako, 'di ba? She's ugly and—" Naputol ulit ang sasabihin ni Cindy dahil um-interrupt agad si Sir Delfin.

"Don't say that to her, Cindy. Mabait siyang bata. The opposite of what you're saying."

Ang lakas ng naibulalas na, "What?!" ni Cindy. Agad na na-upset siya dahil hindi iyon ang inaasahan niya. Akala niya ay kakampi na niya ang daddy ni Andy.

"Mabait siya dahil kung masama siyang babae ay hindi sana niya ako tutulungan noong na-mild heart attack ako kahapon."

"No, Tito! You're wrong! I'm pretty sure she's just putting on a show!" Nanggigil na sa inis si Cindy. Nakuyom niya ang dalawang palad niya. Buwisit talaga ang babaeng 'yon!

"No, Cindy, dahil hindi pa niya ako kilala that time kaya alam ko na mabuti ang kalooban niya. Now I know why Andy likes her so much. It's because she's a different kind of woman. She's a unique woman."

Naningkit ang mga mata ni Cindy. Tumaas-baba rin ang dibdib niya. Nabwisit na siyang talaga. Bwisit na bwisit kaya walang anu-ano siyang tumalikod na at nilisan ang silid na iyon.

Sa labas ay galit na galit siyang napamura. "Damn you, Yolly! M*matay ka na sana!"

Nawala na ang pagiging class niya. Hindi siya papayag na lahat na lang ay mapunta kay Yolly. Si Andy! Tapos si Tita Angie niya at ngayon ay si Tito Delfin niya! Hindi siya magpapatalo! Babawiin niya sila!

Natigil lang si Cindy sa pagngingitngit nang may lumampas sa kanya na bulto ng isang lalaki na pamilyar sa kanya. Napatitig siya sa lalaki. At nang makilala ay muli siyang napangisi at nabuhayan ng loob.

Well, may chance pa pala siya para sirain ang dalawa.

Nagmadali ang dalaga na humakbang at hinabol ang lalaking iyon.

"Excuse me," agaw-pansin niya rito.

Lumingon ang lalaking may hawak ng envelope. "Yes?"

"I'm Cindy, don't you remember? Kasi ako hindi kailanman kita makakalimutan," ngiting-ngiting sabi niya.

Napakunot-noo ang lalaki na minukhaan ang dalaga at napa-"Ah!" na ito nang makilala na siya. "Isa ka sa mga studyante sa Sanchi College na pinagtrabahuan ko noon, 'di ba? Sorry hindi kita nakilala agad. Iba kasi hitsura niyo kapag hindi kayo naka-uniform."

"Yeah, same with you. You look great ngayong hindi nakapang-guard. Anyway, what's your name again?"

"Ako si Leandro. Bakit mo pala ako tinawag?"

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon