Part 27

241K 4.3K 101
                                    

"Ang mabuti pa ay umuwi ka na Cristine at sabihin mo sa mama mo ang kalagayan mo na 'yan. Dapat ay malaman 'yan ng mama mo," payo ni Aling Yolanda sa pamangkin. "Para hindi 'yung bigla na lang niya malalaman sa iba o sa ibang bagay na buntis ka," parinig din nito sa anak na si Yolly. "Mas masakit 'yon sa isang ina. Mas mabuti nang sa 'yo manggaling ang kalagayan mong 'yan."

"'Nay, naman? Sasabihin ko naman sana sa 'yo kaso naunahan mo lang ako, eh," apila ni Yolly sabay yuko ng ulo. Natamaan siya, eh. Nakaramdam na naman siya ng matinding hiya sa nanay niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?" Nagtaka tuloy si Cristine sa kanila.

Napahalukipkip si Aling Yolanda saka napabuntong-hininga. "Iyang pinsan mo. Parehas mo rin na buntis."

Anong bilog ng mga mata ni Cristine na napatingin sa katabing si Yolly. "Weh? Buntis ka? 'Di nga?"

Inirapan ni Yolly ang ina. Tsismosa talaga. Pero ano ba'ng magagawa niya sinabi na ng ina niya, eh? Tumango na lang siya sa pinsan.

"Talaga ba? Eh, sino'ng nakabuntis sa 'yo? Tao ba?" Hindi pa rin makapaniwala si Cristine. Sa isip-isip kasi nito ay wala pa ngang nanligaw kahit isa kay Yolly dahil sa hitsura nito. Tsaka NBSB pa nga ito, tapos buntis agad? As in agad-agad? Ano 'yon? Himala?

"'Yung kaklase niyo raw. Si Andy," si Aling Yolanda ang sumagot dito.

Napanganga na talaga si Cristine. Tiningnan ang pinsan mula ulo hanggang paa. Mas hindi ito makapaniwala.

"Alam mo ba ang bahay ng lalaking iyon, Cristine?! Sugurin natin! Dapat ay panagutan niya si Yolly!" ani pa ni Aling Yolanda na nanggigil na naman.

"Hindi naman kailangan gawin pa 'yon, eh!" kontra rin na naman ni Yolly sa ina. Kung siya lang ang masusunod ay desidido talaga siyang huwag nang ipaalam pa kay Andy ang kalagayan niya. Kawawa lang si Andy na makantyawan ng mga tao.

"Anong hindi kailangan na pinagsasabi mo?! Ikaw lang ang kakilala kong babae na ayaw panagutan! Nasaan ang utak mo?! Nasa talampakan mo?!" duro ng nanay niya sa kanya

"Kaya ko naman po sigurong buhayin ang anak ko kahit mag-isa lang ako. Saka alam ko na hindi rin naman ako matitiis ni Tatay. Tutulungan ako niyon. Syempre apo niya 'to, eh."

"Huwag kang tanga, Yolly!" Kaso ay dinuro siya lalo ni Aling Yolanda. Dumikit-dikit na ang hintururo nito sa kanyang noo. "Akala mo madali lang magpalaki ng anak? Sipain kita riyan, eh!"

"Nanay?!"

"Ano ba'ng nangyari bakit nabuo 'yan?" sabad ni Cristine na nagpatigil sa pagtatalo ng mag-ina. Ayaw pa rin sanang maniwala nito pero kailangan na nitong maniwala dahil sa mga reaksyon ng tiyahin.

"Noong nag-inuman tayo. Parehas kaming nalasing. Nagising na lang kami na nasa silid ko na kami, walang damit, tapos ay wala kaming maalala."

"Talaga?" Napakunot-noo si Cristine. May naalala kasi ito noong gabing 'yon. Kasi nagising siya, eh, kasi naihi siya. At oo nga, nakita niyang karga ni Andy noon si Yolly papasok sa silid. Pero nang bumalik siya sa sala pagkatapos niyang umihi ay nakita niya ulit si Andy na nakahiga na sa sofa. Tapos ay natulog din ulit siya sa lamesa dahil nahihilo pa rin siya noon.

"Insan, ayos ka lang?" untag ni Yolly sa pinsan dahil natahimik na si Cristine.

"Paanong nangyari 'yon?" sambit ni Cristine sa sarili na takang-taka pero ito rin ang sumagot sa tanong nito. "Baka nang natulog ako ulit ay bumalik si Andy sa silid at doon na nangyari 'yung hindi dapat na mangyari."

"Hoy, Insan?!" Kinalabit na ni Yolly si Cristine dahil nahulog na talaga sa malalim na pag-iisip ang pinsan.

"Huh?!" Gulat bahagya si Cristine nang magbalik ito sa sarili.

"Anyare sa 'yo?"

"Ah, wala. May naisip lang ako."

"Huwag mong isipin masyado 'yang kalagayan mo. Sigurado matatanggap din 'yan ng mama mo. Basta sabihin mo na agad sa kanya 'yan," si Aling Yolanda kay Cristine.

"Natatakot talaga ako, Tita, eh." Muntik na namang mapangawa ng iyak si Cristine.

"Eh, normal lang na matakot ka dahil sino ba namang ina ang hindi magagalit sa anak na nagpabuntis nang wala sa oras?"

Nagkatinginan ang mag-pinsan. Kapwa na-guilty.

Ginagap ni Yolly ang isang kamay ni Cristine. "Kaya natin 'to, Insan," pagkuwa'y pampalakas-loob niya rito at sa sarili niya na rin. "Bukas sabay na tayo pumasok sa school."

"Pero para ano pa?"

"Cristine, kailangang makatapos pa rin tayo ng pag-aaral. Para sa magiging anak natin."

"Tama si Yolly. Pumasok pa rin kayo," sang-ayon ni Aling Yolanda sa sinabi ni Yolly. Buti na lang at nakakaisip pa rin pala nang maayos ang anak.

"Pero, 'Nay, puwede bang huwag na muna nating sabihin ito kay Andy?"

"Bakit ba ayaw mong ipaalam ito sa kanya? Siya ang ama kaya dapat niyang malaman. Ginawa niya 'to kaya dapat niyang panagutan."

"Ayoko naman na masira ang buhay niya dahil lang dito. Tapusin muna natin ang semester na ito. Naisip ko kasi baka mawawalan na siya ng ganang pumasok dahil sa kahihiyaan kapag ipaalam natin ngayon 'to. Hindi ka ba makukonsensya, 'Nay, kung masisira ang pag-aaral niya dahil lang sa hindi tayo nakapaghintay? Ilang buwan na lang naman na, eh."

Napaisip si Aling Yolanda. Hindi ito nakaimik agad. "Oh, siya sige. Pero oras na matapos ang semester na ito ay ipangako mo sa 'kin na sasabihin mo na sa kanya 'yan."

Nakahinga nang maluwag si Yolly na tumango. "Salamat po, 'Nay."

SAMANTALA sa school ay hindi mapakali si Andy. Itinutuktok niya ang ballpen sa desk habang panay ang sulyap niya sa wallclock sa kanilang classroom. Naiinip na siya. Naiinip na siya dahil wala pa rin si Yolly.

Magsisimula na ang klase pero wala pa rin ang dalaga. Ano'ng nangyari kaya ro'n? Dati naman ay si Yolly ang pinakamaaga na pumapasok.

"Andy, can we talk?" Lapit ni Cindy sa kanya na bagong dating. Galit ang mukha ng dalaga.

Bulungan ang mga kaklase nila. Gyera na naman ang mga nasa isip ng lahat. Alam na kasi nilang lahat na si Cindy ang magiging future fiancée daw niya dahil ipinagkalat na ng dalagang transferee na sila ay pinagkakasundo na ng mga magulang nila.

" I would like us to discuss what I witnessed yesterday. Gusto kong maliwanagan, Andy," sabi pa ni Cindy nang hindi siya agad umimik.

Napilitan si Andy na tingalian ang dalagang papansin na naman. "What is it?"

Tumingin muna si Cindy sa mga kaklase upang alamin kung madami ang makakarinig sa pag-uusap nila. At lihim silang nagngisian ni Karen nang makita nilang medyo madami naman. Sapat na sila para sa balak nilang dalawa.

"I saw you and Yolly together yesterday. Ano'ng ipinakain niya sa 'yo at pinuntahan mo siya sa bahay nila?"

"Oo nga. Nakita ko rin 'yon. Yumakap pa sa 'yo ang babaeng pangit na iyon," segunda agad ni Karen. Plano nila iyon kagabi pa. Sayang lang at hindi pala yata papasok ang pangit na Yolly na iyon. Mas maganda sana ang palabas nila.

Awtomatiko na nagsalubong ang dalawang kilay ni Andy. Ang sama na ng tingin niya sa dalawang dalaga. Alam niya agad ang plano ng dalawa; ang pahiyain siya at si Yolly.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga kaklase nila.

"Ew, turn off naman. Nagpapayakap siya sa nerd at ugly frog na babaeng 'yon?" dinig niya na bulong ng isa nilang kaklase.

"Sayang lang ang guwapo niya kung papatol siya sa babaeng 'yon," sabi pa ng isa.

"Kadiri naman," maarteng sabi rin ng isa.

Mga gunggong! sa isip-isip naman ni Andy. Napatiim-bagang na siya.

Biglang lapit din ang hindi makapaniwalang si Patrick sa kanya. "Is that true, Dude? Kung gano'n ay si Yolly pala ang lagi mong kasama na sinasabi mo?"

Lalong na-shock ang lahat sa sinabi pang iyon ni Patrick.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon