Part 71

188K 3.5K 114
                                    

"What the—" Kulang na lang ay mapamura si Andy sa isa pang request ng mommy niya. Akala niya ay tapos na ang pangungulit sa kanya ng mga ito, pero may mas malalala pa pala silang gusto nilang gawin niya ngayon.

"Sige na, Son. May mahalaga kasi akong meeting ngayon. Kailangan kong dumalo ro'n para sa mga negosyo natin."

Paano ay siya pa ang inuutusan ng mommy niya na sumundo kay Yolly. What the f*ck!

"At bakit ako?!" Nanlisik na talaga ang mga mata niya. He can't believe this! Is his mother playing a joke on him?

"Dahil wala ngang puwedeng sumundo sa kanya. Please understand that Yolly needs you right now, Son. Sige na, ha?" sumamo pa rin ni Madam Angie.

Napasinghap siya sa hangin, pagkuwa'y napatingin siya kay Yaya Chadeng niya.

"Ay, Diyos ko! Nirarayuma na naman yata ako!" Kaya lang ay bigla na parang may sumakit sa balakang ng matanda.

Hindi na mailarawan ang naging reaksyon ni Andy. Napatiim-bagang na talaga siya. Grabe sila, ha! Asan ang hustisya?! Siya ang bida rito, 'di ba?! Pero bakit ganito?!



********

"IKAW BA talaga 'yan?" Hindi pa rin makapaniwala si Leandro. Kung ilang ulit niyang pinasadahan ng tingin si Yolly ng pataas-pababa, mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo, ay hindi na mabilang.

Kiming tumango-tango si Yolly at ngumingit-ngiti ng paulit-ulit sa binata bilang sagot. Nakaupo silang magkaharap sa sofa na nag-uusap.

"Ano'ng nangyari?"

"Pina-make over ako ni Madam Angie," sagot niya.

"Sinong Madam Angie?"

"Mommy ni Andy."

"Aaahhh!"

Ngumiti ulit si Yolly sa binata. Natatawa siya sa hitsura nitong parang nakakakita at nakakarinig ng himala. "Teka ba't ka nga pala 'andito?"

Doon natigilan si Leandro at parang nahiya sa kanya. "Kasi hihingi sana ako ng sorry ulit sa nagawa ko. Sorry, Yolly, ha? Hindi ko talaga 'yon sinasadya. Sana mapatawad mo na ako."

"Ano ka ba? Kalimutan mo na 'yon." Ikinampay niya ang isang kamay para maipakitang wala na talaga iyon sa kanya.

"Talaga?"

Tumango siya nang sunod-sunod na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Kahit hindi mo naman ginawa 'yon, ganoon pa rin ang mangyayari sa amin ni Andy, kaya hayaan mo na iyon. Wala na 'yon."

"Gano'n ba. Eh, kumusta naman kayo?"

"Ayun galit na galit pa rin siya sa 'kin, pero okay lang. Tama lang naman na magalit siya sa 'kin, eh, kasi umasa naman talaga siya sa wala. Nagsinungaling naman talaga ako sa kanya."

Tumango-tango si Leandro.

"Eh, ikaw? Kumusta ka na? Saan ka na ngayon nagtatrabaho?" pag-iiba na niya sa usapan.

"Bukas pa ako papasok. Guwardya pa rin, pero isang bahay na ang babantayan ko. Hindi na school."

"Talaga? Eh, di maganda kung ganoon. Saan naman 'yon?" Masaya si Yolly para kay Leandro dahil magiging maayos ulit ang buhay nito. Para sa kanya, kasalanan niya kasi talaga kung bakit ito natanggal noon sa school nila. Kahit paano ay nabawasan na ang guilt niyang nararamdaman sa dibdib.

"Sa Camhera Village. 'Yung mga pangmayaman na mga bahay. Sana nga mabait ang maging amo ko ro'n, eh."

Biglang naubo si Yolly. Nabilaukan siya sa sariling laway niya.

"Oh, bakit? Okay ka lang?"

Nakangiwi na tumingin siya sa binata, sapagkat sa Camhera Village nakatira sina Andy. Subalit hindi na niya ito sinabi dahil baka palagi na lang iyon ang maiisip ni Leandro kapag naroroon na ito. Saka naisip niya, sa lawak ng village na iyon, tila imposible na magtagpo pa ang dalawa doon.

"Okay ka lang?" Nag-aalala pa ring lapit sa kanya ni Leandro. Lumipat ito ng upuan sa tabi niya para mahagud nito ang likod niya.

"Oo, okay lang ako," tabingi ang ngiting tugon niya sa binata. "Lord, sana naman hindi sa bahay nina Andy maggu-guwardya si Leandro, please?" pero lihim na naiusal niya.

Nagpatuloy ang kanilang usapan. Hanggang sa biglang nagulantang sila nang may malakas na bumusina sa labas ng gate ng bahay. Sunod-sunod na busina. Hindi halata na galit iyong driver.

Napatayo sila sa gulat.

"Ano 'yon?" nasambit ni Leandro.

Napakibit-balikat si Yolly. Subalit nang maisip niya kung sino ang posibleng dumating, biglang nataranta siya.

"Ang wheelchair!" hiyaw na niya ng malakas. Akmang kakaripas siya ng takbo patungo sa kanyang silid, kung saan naroroon ang wheelchair, ngunit pinigilan siya ni Leandro.

"Saan ka pupunta?"

"'Yung wheelchair!" mangiyak-ngiyak niyang sagot.

"Anong wheelchair?"

"Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo! Basta kailangan ko ngayon iyong wheelchair!"

Binitawan na siya ni Leandro, ngunit sakto namang bumukas nang malakas ang pinto. "Yolly?!" sabay rin ng malakas na boses ni Andy.

Halos lumuwa ang mga mata ni Yolly, at hindi niya alam kung ano ang biglang pumasok sa kanyang isip, "Leandro!" dahil tawag niya sa nakatalikod na binata, at bigla na lang siyang nagpakarga rito.

"Oy!" Buti na lang at maagap si Leandro. Nagulat man ay nasalo pa rin niya siya, kaya nang makita sila ni Andy, akalaing sweet na sweet silang dalawa. Parang bagong kasal na mag-asawang naglalambingan.

Umusok tuloy lalo ang ilong ni Andy sa naabutan nitong eksena ng dalawa. Nagsalubong ang dalawang kilay nito at nag-super sayan na sa matinding galit.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon