Part 72

204K 3.8K 261
                                    

"A guard? At ano naman ang nakain mo, Delfin, at ngayon ka kumuha ng guwardya dito sa bahay?!" malakas ang boses ni Madam Angie. Kausap niya ang dating asawa sa cellphone.

"Naisip ko lang naman ang kapakanan niyo d'yan dahil nandiyan kayo ulit sa bahay ni Andy. Mabuti nang may nakabantay sa inyo dahil wala na ako r'yan," malumanay naman na paliwanag ni Sir Delfin sa dating asawa.

"Salamat, ha? Dahil may concern ka pa pala sa amin sa kabila nang pagtataksil mo sa 'kin," pero pasarkastikong sagot ng madam.

"Angie, please, try to forget about that thing and let's move on. May kasalanan ka rin naman dahil pinabayaan mo ako na asawa mo."

"D*mn you! Ako pa talaga ang sinisisi mo sa pambabae mo! Ang sabihin mo malandi ka lang talaga na matanda ka! Tuloy, pati buhay ni Andy nagkagulo-gulo na rin!"

"Heto na naman ba tayo, Angie? Tumawag lang naman ako para ipalaam sa 'yo na may darating diyan na guard na magbabantay sa inyo para safe kayo ng anak natin, hindi para mag-away na naman tayo. Gusto ko lang na makaba—"

"Ewan ko sa 'yo!" Hindi naituloy ni Sir Delfin ang sinasabi dahil pinatayan na ito ng tawag ni Madam Angie.

"Madam, si Andy na ba 'yon? Nasundo na ba niya si Yolly?" usisa ni Yaya Chadeng mula sa kusina. May dala itong mamimiryenda ng amo.

"No. Si Sir Delfin mo," nakabusangot na sagot ni Madam Angie sa noon pa ay taga-alaga ng anak. Mabigat na inilapag niya ang cellphone niya sa lamesa.

"Kumuha raw siya ng security guard dito sa bahay. Nakokonsensya rin pala ang dyablo." Kahit tanggap na kasi ni Madam Angie ang paghihiwalay nilang mag-asawa ay masakit pa rin sa kalooban niya. Hindi lang niya ipinapahalata.

"Gano'n ba, Madam. Eh, di maganda po para may kasama pa tayo rito sa bahay."

Tumirik-tirik ang mga mata ni Madam Angie. Sana pala, noon pa man, ay kumuha na siya ng security guard para hindi siya naunahan ng dating asawa. Mula noon, ayaw na sana niyang makatanggap ng anumang pabor mula sa kanyang dyablo na ex-husband.

SA BAHAY nina Yolly.

"What the hell is the meaning of this?" Halos magkadugtong ang dalawang kilay ni Andy sa nakita niyang eksena nina Leandro at Yolly.

Hindi naman mailarawan ang mukha ni Leandro. Bibitawan na sana nito si Yolly, pero mas kumapit pa kasi ang dalaga sa leeg nito at binulungan siya nito. "Huwag mo akong bibitawan, Leandro."

"Bakit? Ang bigat mo kaya," pabulong din nitong tanong kay Yolly.

Hindi na nakasagot si Yolly dahil malalaki ang hakbang na lumapit na sa kanila si Andy. Para itong toro na umuusok ang ilong sa matinding galit.

Paktay!

Badtrip na talaga si Andy. Sa isip niya'y, siya na nga 'tong nagpaunlak ng pabor ay siya pa ang makakakita ng ganitong kalandian. This is ridiculous!

"You damn rat!" Kwinelyuhan niya agad si Leandro. "Bantay salakay ka rin talaga, ano?! Nawala lang ako sa bahay na 'to ang lakas na ng loob mong pumasok dito!"

"Oy! Teka teka, Andy! Magpapaliwanag ako!" Itinulak ni Yolly si Andy. Naiipit siya, eh.

"Ano'ng sabi mo?!" Awtomatiko naman na umakyat ang dugo ni Leandro sa ulo kaya nagngalit na rin ito. Itinulak nito sa dibdib ang dibdib ni Andy.

Nagpatigasan sila ng dibdib ni Andy. Tulakan ng dibdib. Dibdib sa dibdib! Lol!

"Ano, ha?!" saka maangas nilang hamon sa isa't isa. Mata sa mata, ngipin sa ngipin na rin. Toro vs tigre na na parang mga tanga.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon