Part 85

235K 3.6K 154
                                    

As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid's quarter.

"Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.

Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"

Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!

"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.

Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba iyon sa kanya.

"Yaya, hindi kaya multuhin ako ni Kiara kapag isinuot ko 'to?" tapos ay hindi niya mapigilang nerbyosin na sabi. Paano'y hindi pa niya isinusuot iyon, pero nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo sa katawan. Ikaw kaya ang magsuot ng damit ng patay? Susme!

"Ay sus, huwag ka nang maarte. Saka ang sabi sa 'kin ng lola ni Kiara, eh, isang beses pa lang naman niyang isinuot 'yan bago namatay. At nalabhan naman na raw."

Napalunok pa rin siya ng ilang beses. Ang asim ng kanyang mukha. Nakakaloka.

Wala kasi siyang damit na maganda at wala ring pera ngayon si Yaya Chadeng para bumili dahil nagpadala raw sa mga anak nito sa probinsya kaya ang naisip nila ay humiram na lang ng damit. Mamayang gabi na kasi ang balak nilang pagpapakita niya kay Andy. At kailangan naman na maganda rin siya. Syempre.

"Subukan mo kung kasya. Dali," excited na sabi sa kanya ni Yaya Chadeng. Palibhasa hindi ito ang magsusuot. Tss!

"Mamaya na lang po," kunwa'y sabi na lang niya kahit ang totoo ay grabe ang kaba ng dibdib niya sa damit na iyon. Itinabi niya muna. Hindi niya yata kayang isuot talaga.

"Oh, sige bahala ka." May kinapa si Yaya Chadeng sa bulsa nito. "Saka ito." Nang iabot nito iyon sa kanya ay tsani pala. Iyong pambunot ng buhok sa kili-kili.

"Para sa'n po 'to?" maang na tanong niya.

Inginuso ni Yaya Chadeng ang noo niya. Curious na kinapa niya naman iyon.

"Sa halos dalawang buwan mong pagtatago rito kumapal na ulit 'yang kilay mo. Bunutan mo."

Agad siyang nataranta. "Kung gano'n ay panget na ulit ako, Yaya Chadeng?" naiiyak niyang tanong.

"Hindi naman. Slight lang," biro ng matanda.

"Yaya?"

"Joke lang. Maganda ka pa rin. Pero mas gaganda ka pa kung bunutan mo 'yang kilay mo."

"Pero hindi po ako marunong," humaba ang nguso niyang sabi.

"Ay sus, kadalaga mong tao hindi ka marunong?"

"Kaya nga po first time ko po noong pinaka-make over ako ni Tita Angie. Wala naman kasi akong hilig sa pagpapaganda, eh."

Napangiwi na rin si Yaya Chadeng. "Parehas lang tayo."

"Hindi ka rin marunong, Yaya?"

"Ano naman ang alam ko sa mga 'yan? Pero siguro napa-practice naman 'yan." Binawi ni Yaya Chadeng ang tsani sa kamay niya at akmang bubunutan ang kilay niya. Anong lundag niyang napatayo at iwas.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon