“Pero Lola…” Sabad ulit ni Jhudiel. Pero hindi ulti siya pinasalita ng Lola niya.

“Wala ng pero pero…hindi ako mamamatay hanggat di kayo nagkakaanak!” Puno ng conviction na sabi ng Lola nila. Napatingin ulit ako kay Jhudiel at nakatingin pa din siya sa akin. Tinaasan ko ng kilay.

“Hahayaan niyo ba akong maghirap pa ng matagal sa mundong ibabaw?” Napangiwi ako nung marinig ko yun. So sa pagkakabuntis ko nakasalalay ang buhay niya? Utang na loob naman. 

“Lola, di mo na kailangang maghirap. Kita mo naman may apo ka na sa amin ni Ana. Wag mo nang hintayin yung kina Jhudiel, baka abutin tayo ng dekada. Pwedeng pwede ka ng magpahinga… Aray! Ana!” Binalingan nito ang babaeng buntis na bumatok sa kanya na mukhang asawa nito. Maganda ang babae at obvious na under nito ang lalaki.

“Ikaw! Kung makapagsalita ka, parang gusto mo ng mawala si Grandma sa mundo. Gusto mo talagang mawalan ako ng kakampi ano?” Hinampas ulit nung Ana ang asawa niya.

“Sinasaktan mo ako sa harap ng pamilya ko!” Reklamo nito kay Ana pero pinandilatan lang siya nito. AT wala na siyang nagawa kundi ang harapan ang iba niyang pinsan.  “ At kayo naman, kapag sinasaktan ako ni Ana, tumalikod kayo. Mahiya naman kayo sa amin.”  

“Ang ingay mo Raphael. Lalong sumasama ang pakiramdam ko.” Sabi ni Lola. “Si Michael…nasaan…”Hinanap pa ng matanda ang hinahanap niyang Michael.

“Wala pa po akong asawa Lola.” Biglang sagot naman nung Michael. Sa totoo lang, sabihin niyo nga sa akin? Laji ba sila ng mga pogi?  

“Anong wala? Nabasa ko sa CNN na nag asawa ka na last year.  Saan ang asawa mo? Hindi ako matatahimik hangga’t di ko siya nakikita. Ipakita mo siya sa akin.”

“Patay tayo dyan.” Narinig kong sabi nung Raphael.

“Lola…” Mag aapila pa sana yung Michael pero pinandilatan ito ng matanda. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit ang mga malalaki at nagpopogiang mga lalaking ito ay sunod sunuran sa isang matanda. Hindi naman sa wala akong respeto sa mga matatanda, pero wala ba silang mga sariling desisyon?

“No buts Michael. I want to see your wife.” Nakita kong sumama ang tingin ni Michael

“Wala tol, saligang batas eh!” Bulong ni Gabriel kay Michael. Oo, andito si Gabriel . Nagtanguan pa nga kami kanina.

“Ikaw Gabriel…” Napalingon ang matanda kay Gabriel at doon ko na lang napansin na naging magiliw ang tingin nito. Ahh, may favoritism. Peor hindi ko maintindihan kung bakit naging si Gabriel ang paborito niya.

“ I love you, Lola…” Ahhh Kaya naman pala. Sipsip.

“Magkano ang boundary ng taxi na minamaneho mo?” Napahagalpak ng tawa ang iba niyang pinsan.  Tiningnan ng masama ni Gabriel ang mga to.

“1500 Lola. Pero bakit sa kanila lovelife sa akin taxi ang tinanong mo?” Siguro ayaw din ng lola niya ang malaman ang tungkol sa mga two-nights stand niya.

“Dahil alam ko naman na faithful ka kay Maria Clara. Pero apo, baliw ka ba? Sana tinuloy mo na lang ang pagpapakamatay mo sa Mt. Everest kaysa sa pagtataxi driver.” I heard laughter again. AT napatingin ako kay Jhudiel na namumula na ata sa kakatawa. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan.

Hays…

Bakit nga ba bumubuntong hininga ako? Dyahe naman.

Tapos akob naman ang namula nung lumingon siya sa akin at kumindat. Napanganga pa ako. What the hell!

“Ikaw naman Raziel, kung hindi mo makakalimutan ang pari, magmadre ka nalang.” Baling nito sa kaisa isang babaeng pinsan nila. Sumimangot ito.

“Lola.!Wag  mong sabihin di ka mamamatay kung di ako magmamadre. Okay lang. Have a long life. Go  forth and multiply. Hindi nakita bibilhan ng monay na may sausage sa loob kahit kailan.”  Pabarang na sagot nito sa matanda.

“Eh di wag! Kala mo naman pag nakapagsalita ka, ikaw ang supplier nun.” Hindi ko alam kung matatawa ako pero tama bang patulan ng matanda ang bata?

Hindi ko napigilan at napangiti ako.

“Kayong mga bata kayo, kayo ang dahilan ng maagang kamatayan ko. Ng dahil sa inyo kaya ako nagkaganito. Kaya lumala ang kondisyon ko. Pero pinapangako ko, hindi ako mamamatay hanggat hindi natutupad ang kagustuhan ko. Lalo na sa inyo Jhudiel. Gusto ko next year may apo na ako.” Napatingin ulit siya sa amin. Ano daw? Next year?

“Lola, November na ngayon! Hindi naman yun kayang madaliin.” Sagot niya sa matanda. AT may plano talaga siyang sundin ang lola niya?

“Sinabi ko bang Janaury next year? Pwede namang after nine months. Hihintayin ko ang magiging apo ko sa inyo.” Sabi pa ng matanda na may pinalidad. Pinagpapawisan ako ng malapot sa mga naririnig lalo na nung inakbayan ako ni Jhudiel. May ganung drama? May paakbay akbay pa siya?

“Sige, na magpapahinga na ako. Magsilayas na kayo sa harapan ko.” Pagtataboy niya sa aming lahat at siguro atat na talagang lumabas ang lahat sa kwartong yun kasi nag uunahan pa silang lumabas. Tinulak pa nga ni Gabriel si Michael para makalabas ito kaagad.

“What’s the hurry Gab?” Tanong nung Michael.

“Kailangan kong makaboundary. Babush!” At halos lundagin na niya ang hagdan.

“Tol, bilis bilis mo ang paggawa ng anak. Sayo nakasalalay ang lahat.” Sabi naman nung Raphael kay Jude na nasa tabi na pala namin at katabi din ang asawa niya.

“Oo na! Maghintay ka.” Napatingin ako bigla kay Jhudiel. Pumayag? Narinig niyo yun ? Pumayag siya? Ni hindi ako tinanong. Aba! Makikita mo mamaya.

Pumunta na kaming lahat sa dining room kasi magkakainan na raw. Natutuwa ako sa closeness ng magpipinsan na to. Close sila na parang hindi naman kasi palaging nagbabangayan. Pero kahit ganun makikita mo ang concern nila sa isa’t isa pati na rin ang respeto.

Katabi ko si Jhudiel at si Raziel sa dining table nung kumakain na kami.

“Ano ang sakit ni Lola? Ganun na ba siya kalala?” Tanong ko kay Raziel na busy sa pagdila ng spoon. I don’t know what is so amusing about licking it.

“Wag mong pansinin yun. OA lang si Grandma. NagkaLBM lang siyan kasi nasobrahan ng ginataan kahapon.” What the hell!

“Ahhh.. kaya pala nanghihina.” Sabi ko na lang. Wag niyong sabihing, napabilang ako sa pamilya ng mga baliw!  

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Where stories live. Discover now