“And come to think of it Juanito, sa letter J nagsissimula ang totoong pangalan mo, at parang nakita kong may nunal ka sa dibdib. And now, I’m curious, may nunal ka din kaya sa bird? I want to see it.”  Namutla na siya dahil sa sinabi ko. He even tightened his legs na para bang kahit anong oras huhubaran ko na siya.

“Maghunus dili ka Xiara! Baka kidlatan tayo dito!” And this time naduwal na talag siya. Grabe ang pagpipigil kong tumawa.

“Come Juan, come to Mama!” At hindi ko na napigilan ang tumawa nung nagtitili siyang tumakbo paakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto niya. Tawa ako ng tawa hanggang sa sumakit ang tyan ko. Namilipit pa ako kakatawa sa sofa. Ang epic ng reaksiyon ni Grethcen.

 Pero ambisyosang Gretchen yun. Kung makareact akala niya papatulan ko siya. Kadiri!! Ewww! Baka siya pa ang magfefeeling virgin sa amin. Tse!

Tumihaya ako sa sofa para magpahinga. Hindi ko muna nilagay sa taas ang mga gamit ko. Tinatamad akong umakyat sa dati kong kwarto.  Napagod ako ng sobra sa islang yun. Nakakapgod mag isip ng mga what ifs, what could have been at mga what should be. Nakakapagod umasa! Naks!

Nung nakapagpahinga na ako ng ilang minuto, napagdesisyunan  kong umakyat sa kwarto ko. Gusto ko munang matulog ng matagal. Gusto kong namnamin ulit ang lambot ng kama. Ang bango ng unan at ang lamig ng aircon.

Napatingin ako sa nakasarang pinto ni Gretchen at napangiti ulit ako. Baliw talaga ang bading na yun. Iiling iling pa ako habang binubuksan ko ang pinto ng kwarto ko. At napatda ako sa may pinto sa nakita ko. Hindi ako agad nakareact nung makita ko ang dalawang hubad na katawan sa kama ko na halos di na natatakpan ng kumot ko. Then my eyes driifted to the clothes na nagkalat sa kung saan saan sa loob ng kwarto. May bra pa na nakasabit sa lampshade ko.

Yung ngiti ko kanina biglang nawala at umakyat talaga ang lahat ng dugo ko sa ulo!

“Gretchen!!!!!!” Buong lakas ko na sigaw.

Napabalikwas ang dalawang tao na nasa kama. Both of then disoriented!

“Saan? Saan ang sunog?” Napapikit ako nung biglang tumayo ang lalaki na walang kahit na anong saplot sa katawan. Nagpupuyos ako sa galit. Bakit nandito ang mga immoral na to sa kwarto ko?

“What happened?’ Sabi naman nung babae na nakaupo na sa kama kipkip ang kumot ko. My balnket! My precious blanket na binili ko pa sa Divisoria. Nakipagsiksikan pa ako nun kasi Christmas nung time na yun. Yun na alng ang remembrance ko sa nasunog na lugar na yun at ngayon, dinungisan nila ang kawawa kong kumot. Magbabayad sila!

“What are you doing in my room?” Sabay naming bulalas ng lalaki. Napatingin ako sa kanya at nangunot ang noo ko. Tiningnan ko siya ng mabuti. Mukhang familiar ang mukha niya hindi ko nga lang ma pinpoint kung saan ko siya nakita. And infairness nakasuot na siya ng brief at ngayon hinahagilap sa kwarto ang iba pa niyang gamit.

“Kwarto ko to!” Sabay namin ulit. Then narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Gretchen at lumabas ang bading. Tiningnan ko siya ng masama.

“Anong ginagawa niya sa kwarto ko Gretchen?” Sita ko agad sa bakla.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Where stories live. Discover now