Epilogue

7.2K 254 58
                                    

We made it! Thank you very much!

--

Epilogue:

This is an open letter to the girl I love most in this world.

I don't really know how to do this and this is the very first time I wrote a letter. But, let's start from here: I am Grant Elliot Hernandez. I was born in this sphere bearing the name I never asked for. I am a Hernandez. I don't know if I'm lucky because I have this name or not. Well, maybe I am. I grew up in this world getting all the things that I wanted. I never experience having nothing. I live an easy and comfortable life. I've never imagined myself drowning, crying and tearing apart. I never experienced to beg maybe that's why I don't know and I don't pray. People tend to pray and asked God for help, for guidance and when they want something in life, but I don't need that. I can get what I want in just a snap. That was me years ago. Talking about how much I changed and who made me changed? I can only think of one important person. HER.

"Grant!" Nilingon ko ang pinsang kong si Dillon ng tawagin nya ang aking pangalan. Kumaway sya sa akin at ininguso ang babaeng akbay-akbay ni Thunder. Malikot ang daliri ng pinsan ko habang tini-trace ang likuran nung seksing babaeng 'yun. Ngumiti ako pagkatapos ay pinasadahan ang basa kong buhok gamit ang kanan kong kamay.

Nang lumapit ako kay Dillon ay kaagad nya akong inakbayan.

"Naunahan ka. Sabi ko naman kasi sayo, eh." Bulong nya.

Umiling ako. "Hayaan mo, ayoko nga kasi sa mga Chinese." Kumento ko.

Tumikhim lang si Dillon at umiling-iling. Bumusangot ako. Kung gusto nya 'yung babae ay dapat sya nalang ang pumorma doon at hindi 'yung ako ang pinagtutulakan nya.

"Bakit ba? Maganda naman ah. Tsaka seksi."

"Basta. Ayoko."

"It is all about traditions and stuff?" Natawa sya. "Wow. Easy dude, it's not like you're going to be serious." Umiling-iling sya.

Sumimangot ako pagkatapos at binalingan sya ng tingin. Anung tingin nya sa akin? Habang buhay gustong maging ganito? Syempre, one day, gusto ko ding maging seryoso, kaya lang sa ngayon, habang bata pa ako gusto ko munang magpakasaya. Tsaka na ako magseseryoso kapag sawa na ako sa pagloloko.

Humiwalay na ako kay Dillon pagkatapos nun at pinagkakaabalahan nalang ang cellphone ko habang pinapanuod ang kapatid ko kasama ang ilan ko pang pinsan na naliligo doon sa dagat. Sumimangot ako ng matanaw ko mula dito ang kulay neon pink na bikini ni Promise. Sinabi kong wag magsuot ng ganyan pero hindi naman sya nakinig sa akin. It's no use kaya hinayaan ko nalang.

Iba-ibang babae ang lumabas sa notification ko. Lahat sila fling ko lang naman. Wala naman akong makapang pwedeng seryosohin sa kanila. Kahit gusto ko, siguro, hindi pa talaga ngayon. Nung naggabi ay bumalik na sa villas ang mga pinsan ko. Nagnonood sila ng movie sa isang kwarto doon sa tutulugan namin. Hindi ako interesado kaya kahit gabi na ay magdecide akong maglakad-lakad nalang dito sa tabing dagat.

"Shit." Bulong ko pagkatapos ay binalingan nang tingin ang tsinelas kong nalagyan ng buhangin. Yumuko ako at kinuha 'yun para ipagpag. Nakakita ako ng mga pang nakahinto sa harapan ko. Kumunot ang noo ko pagkatapos ay nagangat ng tingin. Nakita ko 'yung Chinese na babaeng akbay-akbay ni Thunder kanina. Ngumiti sya sa akin at nawala 'yung mata nya. Ngumiti lang din ako.

"Hi." Mahinhing sabi nya.

"Hello?" Alanganin kong sagot pagkatapos ay pinasadahan ng tingin 'yung manipis nyang loose t-shirt. Nakabikini lang sya sa loob nun. Really? At this hour?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now