Chapter 37

2.1K 73 13
                                    

Chapter 37

Mabagal ang naging pagkilos ko. Humarap ako sa salamin at naiiyak na sinusuklay ang aking buhok. Kung anu man ang kahihinatnan nito ay kaylangan kong maging matapang at kailangan kong magpakatatag. Sana lang pagkatapos nang lahat nang malalaman ni Grant ngayong gabi ay tanggapin nya parin ako.

"Faith.." nadinig ko ang katok ni Dillon saking kwarto.

Binalingan ko 'yun nang tingin.
"Bumaba kana. They're all here." Aniya.

Lumunok ako at tumayo saking kinauupuan. Naglakad ako papuntang pintuan at tinulak 'yun. Nakayuko ako at nang balingan ko nang tingin si Dillon ay nakita kong pinagmamasdan nya akong mabuti.

"Tara na?" tanung nya.

Hindi ako ngumiti at dahan-dahan lang na tumungo-tungo. Lumabas ako nang pintuan at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad kami pababa nang hagdan ay panay na ang panginginig nang aking kamay. Pinagsalop ko 'yun at pinaglaruan para pigilan pero hindi ko magawa. Pati tuhod ko pakiramdam ko nanghihina na. Natatakot akong bigla nalang akong mahulog dito dahil bumibigay ang mga tuhod ko.

"Are you okay? You look really really pale." Kumento ni Dillon sa gilid ko.

Hindi ko sya nilingon at tumungo-tungo lang.

"Kuya, tingin mo ayos lang bang magusap tayo nang ganito gayung wala sina Kuya Roderick at Elizabeth?" Nauna kong nadinig ang boses ni Tito Rooney.

"We can't do anything about it. It's not like mapapauwi natin sila dito in just a snap." Napansin ko ang paos na boses ni Mr. Hernandez.

Abala ata sila sa paguusap-usap kaya hindi na nila napansin na narito na kami ni Dillon. Kunwaring umubo si Dillon sa gilid ko kaya naagaw namin ang attensyon nila. Bumaling silang lahat sa amin. Alam ko 'yun kahit na nakayuko ako.

"She's here." Bulong ni Tita Vina.

Nakayuko ako at natatakot akong magangat nang tingin sa kanila pero ginawa ko padin. Naunang hinanap nang mata ko si Grant at nakitang nakaupo sya sa sofa sa tabi ni Prom at ang nakayukong si Thunder, naka-itim na t-shirt lang sya at brown na pants. Nakatingin sya sa akin at malalim ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung nakatulog ba sya o naghintay lang sya na dumating ang sandaling ito.

Si Prom ay nasa kabilang upuan katabi ni Kate at ang kararating lang din na si Juan Paolo. Nakahawak sya sa kamay nang kanyang Ate na ngayon ay nagsisimula nang humikbi.

"Stop crying, Kate." Puna sa kanya nang kanyang daddy.

Pero sa kabila nun ay hindi parin sya tumigil. Bumaling sya sa akin at nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Nahahabag ako isipin ko palang na marami na silang nagawa para sa akin at ito pa ang nangyari.

Sa likod nang inuupuan nya ay naruon naman ang humihikab na si Kuya Russell pero wala dito ang asawa nyang asawa na si Ate Cory. Ibig sabihin, sumama din pala sya pauwi dito sa Central.

"Faith, you sit here." Utos sa akin ni Mrs. Hernandez.

Tumungo-tungo ako at umupo sa upuan na nilaan nya para sa akin. Sumunod si Dillon at tumayo sa gilid ko. Pakiramdam ko nasa akin ang mata nang lahat. Inawang ko ang bibig ko pero hindi ko alam kung anu ba ang dapat kong magsalita o kung may dapat ba akong sabihin. Pakiramdam ko kasi, kung bubuksan ko ang bibig ko ay mas lalala lang ang mga pangyayari.

Singhap ni Fifth ang nauna kong narinig.

"Now, let's start para matapos na." iritable nyang sabi.

"Fifth!" sinuway kaagad sya nang kapatid na si Williard.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Mas doble na ata ang nararamdaman kong kaba ngayon.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now