Prologue

8.2K 151 27
                                    

Prologue


"Maayos ka na ba?" hinagod ni Papa ang likuran ko bago ibinaba ang Nebulizer galing sa aking ilong. Tipid akong ngumiti at tumango-tango sa kanya.

"Opo."

"Magpagaling ka. Kailangan mong magpalakas." Tinitigan ko syang mabuti at nakita ang pagod sa kanyang mga mata. Lumunok ako at yumuko.

"Sorry Papa. I troubled you again." Sabi ko at bumaling sa orasan. Alas dos na nang madaling araw at alam kong pagod din sya. Kagagaling nya lang sa Church para sa kanilang bible study at paguwi dito marami pa syang dapat asikasuhin,

"No worries. It's okay." Hinalikan nya ang noo ko at inayos ang aking kumot.

"Call me if you need something alright?" bulong nya.


Tumungo-tungo ako sa kanya. Lumabas sya nang kwarto ko. Tumikhim ako at pinikit ang aking mga mata.


Paulit-ulit na bumabaling sa isipan ko si Mama. Halos hindi ko na ata sya matandaan. Nakatira kami sa Maynila noon at sa totoo lang, hindi na malinaw sa pagiiisip ko kung paanung napunta ako sa probinsyang ito. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang abnormal na tibok nito. Wala na akong masyadong maalala sa itsura nya basta, ang sabi ni Papa sa akin, parehas kami nang mga mata.


Isa pa sa pagkakaparehas namin ay ang aming puso. Mom and I has the same heart, parehas na mahina.


"Faith!" Lumingon ako nang madinig ang pagtawag na 'yun saking pangalan. Lumingon ako at nakita ang nurse nang aming eskwelahan. Si nurse Minda.

"Po?" hinihingal na sabi ko

"Anung po? Diba nga, sanabi na sayo na bawal ka sa sports na yan!" suway nya sa akin.

"I like this sports, Ma'am. Baka pwede? Hindi naman po ako masyadong magpapakapagod."

"Anung hindi magpapakapagod? Nakakapagod ang sports na yan. Tignan mo, hinihingal ka na naman. Mamaya nyang hihikain kana."

"Ma'am-"

"No." Tumikhim sya. "Sinabi ko na sayong di pwede. Your heart is weak, Faith. Hindi ka naman katulad nang ibang ordinaryong bata lang dyan." Aniya sa akin.


Tumikhim ako at lumingon sa mga kaklasi kong nagpapaunahan sa pagtakbo. I always like this sports. Kahit na mahina ang puso ko, gusto ko padin maglaro nito. Gusto kong tumakbo kahit na alam kong hindi pwede.


"And you just serve the Lord your God, and he shall bless your bread, and your water; and I will take sickness away from the middle of you.." Mataimtim ang pagsasalita ni Papa habang binabasa ang kanyang preach para sa linggong to.

Yumuko ako at bumulong sa nabasa ko sa aking bible.

"Exodus 23:25.." Sabi ko.

"God heals. Whether it's physical, mental, emotional or financial. There are going to be times in your life when you'll need God to heal you or a loved one, so don't be afraid to pray to God for the healing that you need. Manalig tayo sa Diyos na pagagalingin nya ang lahat nang may sakit at lahat nang nagdurusa. Pagagalingin nya ang lahat nang nananampalataya sa kanya.."


Lumunok ako nang tumingin sa akin si Papa. I know it's for me. 'yun ang paniniwalang itinatak ni Papa sa pagiisip ko. I'm going to be healed and I believe that it's possible.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now