Chapter 58

2.7K 76 9
                                    

Last 2

--


Chapter 58

"Grant! Grant!"

Minulat ko ang mga mata ko ng marinig ang boses na 'yun. Nakita ko kaagad si Faith na nakaupo sa tabi ko at nakangiti. Umupo ko sa kama at ginusot ang aking mga mata.

"Baby. You awake already?"

Tumungo-tungo sya.

"Yes. Let's go out."

"Where?"

Nakita ko ang kaagad nyang pagsimangot.

"You promised to take me to the charity today." Aniya.

Bumaling ako sa orasan at nakitang alas sais palang ng umaga.

"This early?" tanung ko.

"Yes." Nakangiting sabi nya at hinalikan ako.

Tinanggap ko ang halik nya at para bang 'yun ang nagsilbing lakas ko ngayong umaga. Tumayo ako sa kama at nagsimulang magayos na dahil gusto na nyang pumunta doon kahit na ang aga-aga pa.

Pagkatapos kong makapagayos ay sabay na kaming kumaing dalawa. Nakangiti sya at panay lang ang masid ko sa kanya. Pinapanuod ko sya at mukhang excited talaga syang pumunta doon sa charity. Umalis na din kami ng 7:30 ng umaga para bumyahe papunta sa charity. Mabilis ag biaje dahil maaga palang naman kaya bago mag alas nuwebe ay nakarating narin kami doon. Pagkarating na pagkarating namin ay nakita ko kaagad kung paanu tumakbo ang mga bata doon papunta kay Faith. Nahuling naglakad si Mother Therese. Nagmano kami sa kanya. Niyakap nya si Faith at hinalikan sa pisnge.

"Kumusta ka na?" dinig kong sabi nya.

Ngumiti si Faith. "Mabuti po." Aniya.

Sunod na bumaling si Mother Therese sa akin. Malamlam ang mga mata nya at nakangiti ang kanyang mga labi. Ngumiti din ako sa kanya at hinayaan munang makapagusap sila ni Faith.

Umupo ako sa salas at hinintay silang matapos magusap. Pinikit ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Mother Therese sa likuran ko. I really wanted to still so bad. I am really tired, these past few days, pakiramdam ko, pati katawan ko bumibigay na rin dahil sa pagod.

"Grant.."

"Mother Therese, kumusta po?" Sabi ko.

Ngumiti sya sa akin at tinanggap ang mano ko.

"Maayos naman ako. Ikaw?"

"I am fine." Sabi ko.

Tumungo-tungo sya at nilingon si Faith na nakikipagtawanan sa mga bata doon.

"Pumayat sya."

"She's very sick."

"Pumayat ka rin." Puna nya sa akin.

Ngumiti lang ako. "You seems very tired." Dugtong nya

"Hindi naman po, Mother." Ngumiti ako pero sya hindi.

"It must be really hard." Aniya.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Siguro kahit na anung gawin kong pagtanggi at pagtago ay kitang-kita parin ang nararamdaman ko. I can easily be read by people around me. Lalong-lalo na si Faith. Kahit na anung gawin kong tago sa nararamdaman ko, nalalaman nya parin.

Bumuntong-hininga ako at parehas naming pinanuod si Faith na nakikipagtawan lang doon. Sana, palagi nalang syang ganyan. Sana palagi nalang syang nakatawa. Minsan, kahit na malungkot sya, tatawa parin sya para lang hindi ako magalala.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now