Chapter 28

2K 75 2
                                    

Chapter 28

Parang may kung anung pumitik sa dibdib ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan nang tingin ang magandang babaeng nasa harapan ko. I don't know her but maybe, Grant did.

"My name is Rihanna." Aniya.

"R-rihanna?" tanung ko. Her name sounds familiar.

"Bakit? Hindi ba ako nakukwento ni Grant sayo?" tanung nya.

"H-hindi."

"Ah. I'm Grant's girlfriend." Aniya.

Nanlaki ang mata ko. Huh? Girlfriend? Lumunok ako. Parang naalala ko na ang lahat. Rihanna. Nung bumalik si Grant sa Central noon ay naging matunog ang pangalan ni Rihanna dahil inakala naming lahat nagirlfriend nya ito. Sya ung babaeng sinesearch nila Fifth sa facebook noon.

"I remember Grant's cousins are my friends in Facebook. They add me and ask me if I'm his girl." Tumawa sya

"What are you talking about?" singhal ni Grant sa kanya.

Ngumuso si Rihanna at humarap kay Grant.

"I hate you! I texted you na nakauwi na ako galing Province! Hindi mo manlang sinabi sa akin na umuwi kana pala dito sa Maynila. I heard you're with your cousins? You know that I miss you so much. Kung hindi pa kita nakita dito hindi kapa magpaparamdam sa akin." Aniya at humawak sa braso ni Grant.

Nanlamig ang buo kong katawan. Sumulyap ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ni Grant, they look so perfect. Para tuloy gusto kong tanungin ang sarili ko kung anung ginagawa ko dito.

Nakita ko ang pagsulyap ni Grant sa akin. Yumuko ako at nagiwas nang tingin.

"Let go. We need to go." Aniya at hinila ako palapit sa kanya. Nagulat ako nang dahil doon lalo na sa kamay nyang nakakapit saking bewang. Nakita ko kung paanu nalaglag ang tingin ni Rihanna doon. Kumunot ang noo nya at humarap sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko at lumayo kay Grant. What? I am scared again?

"What? Wait. Mamaya na. I'm about to meet up with your cousins here."

Nanlaki ang mata ni Grant.
"Cousin? Who's cousin?"

"Thunder and Fifth."

"What? How did you know them?"

"Well, it just happen that Bash is my cousin in my mother side and Thunder ask me a favour to help them together, so I'm about to meet up with them here." Aniya.

Suminghap ako. Bash is here? Oh no..

Kinagat ko ang ibabang labi ko at akmang yayayain na si Grant na umalis doon nang madinig ko ang pamilyar na boses saking likuran. Lumingon ako at parehas kaming nagkagulatan ni Bash.

"Faith?" bulalas nya sa akin.

Pumikit ako at bumuntong-hininga. Malakas ang kalabog nang dibdib ko at hindi ko na alam ang gagawin.

"Anung ginagawa mo dito? Bakit kasama mo si Grant?"

"She's his sister. Of course they'll be together." Inosenteng sabi ni Rihanna.

"Rihanna!" pigil ni Grant sa kanya.

"What?" tanung ni Bash at binalingan ako nang tingin. Tinignan ko sya. Mukhang naguluhan sya dahil sa pagsigaw ni Grant sa kanya. She didn't know anything.

Now, the situation worsen.

"Bash...." Mahinang sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo pagkatapos ay nagpabalik-balik nang tingin saming dalawa ni Grant. I know she's confused. Long ago, alam kong sinabi ni Grant sa kanila ang feeling nya para sa akin. Grant has been so vocal to them at ngayon ay malalaman nyang kapatid ako ni Grant.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now