Chapter 39

2.2K 80 4
                                    

Chapter 39

Mabilis ang hininga ko habang sinusundan nang tingin si Dillon na namumutla at nakasilip sa maliit na salamin nitong kwarto. Naglaro ang mga ko sa doctor at nurse na naglalagay at nagtuturok sa akin nang masasakit na karayom. Pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Para bang ilang beses na akong nakarating sa lugar na ito noon. Para bang ilang beses na akong nalagi dito.

Huminga ako sa nebulizer na inilagay nila sa aking ilong. Mayroong sinasabi ang doctor pero hindi 'yun malinaw sa akin at hindi ko 'yun maintindihan. Nakatitig lang ako sa kanya at nang mapansin nyang hindi ko maintindihan ay nag hand gesture sya sa akin na huminga. Ginawa ko naman ang sinasabi nya.

Matinding antok ang naramdaman ko pagkatapos noon kaya wala akong nagawa kundi ang ipikit na ang aking mga mata. Nawala na ang sakit saking dibdib at para bang kalmado na ako ngayon.

Libo-libong ala-ala ang nagbalik sa akin. Ala-ala nung bata pa ako, ala-ala ni Papa David,ala-ala nang mga magulang ko, ala-ala nung nakilala ko si Grant, ala-ala nung minahal ko si Grant, nung sinaktan ko sya, nung iniwan ko sya, nung nalaman nya ang totoo, nung iniwan nya ako.. Lahat-lahat.

Kahit sa panaginip ay naaalala ko sya. Ilang araw na ba ang lumipas? Hindi ko alam. Isang linggo palang pero pakiramdam ko taon na. Pinanghahawakan ko ang salitang babalik sya sa akin pero parang nawawalan na ako nang pagasa. Isang linggo na at matapos kong makita ang video na 'yun ay mas lalong nawala ang pagasang meron ako.

Miss ko na sya. Miss na miss ko na sya. Para na akong mababaliw. Hindi ko matagalan na wala sya sa tabi ko. Parang mas lalo akong nanghihina pag wala sya. Parang di ko kaya. Hinahanap ko ang bawat haplos nya, ang mga titig nya, ang yakap nya at halik. Lahat-lahat. I miss him. I miss him so much.

"Faiths needs to wake up, she's been sleeping for about.. uhm, two days already.."

"The doctor said she's okay and they found out that she's not taking her medicine anymore. Hindi ko alam kung Kaylan pa pero hula ko simula ito nung nasa Maynila sila ni Grant."

"Fuck. I'm seriously going to kill the man!"

"Grant is still nowhere. Nung nagtanung-tanung kami, wala naman kamag-anak si Rihanna dito sa Central nor, friends. So probably, nasa maynila sya ngayon. Are you sure the video was recent?"

"Yeah. It is. Naclarify ko yun sa isa sa mga kaibigan nila. Malamang sa Maynila nga ito. That fucking asshole!"

"Chill. He's just hurt."

"At si Faith? Hindi ba mas masakit sa kanya ang lahat nang ito?"

I feels weird dahil naririnig ko ang usapan nila pero hindi ko naman magawang gumising. Gusto kong magtanung at gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at wala namang lumalabas na salita mula dito.

Sa umaga, mararamdaman kong may humahalik sa pisnge ko at bumabati sa akin nang 'magandang umaga' sa gabi, nararamdaman kong palaging may nakahawak sa kamay ko, nararamdaman kong may nagpupunas sa noo ko, still can feel them. I am still alive.

"Faith, please wake up."

Ilang beses kong naririnig ang bulong na 'yun sa tenga ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang dumilat. Kahit na tulog ako ay nararamdaman ko ang sakit. Naririnig ko ang boses nilang lahat. Nararamdaman ko ang presensya nilang lahat, ang mga hawak at haplos nila sa akin, Ang mga yakap at halik nila, pero hindi ko maramdaman ang kay Grant.. Hindi..

Naisip ko, gigising lang ba ako kapag nariyan na si Grant? Paanu kong hindi sya dumating? Paanu kong wala na talaga? Paanu kong hindi na sya bumalik? Libo-libong tanung ang naglalaro sa utak ko ngayon pero wala akong malaman na kahit na anung sagot. Kahit na pigain ko na ang utak ko, wala talaga.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora