Chapter 12

2K 83 3
                                    

Chapter 12

Lumipas ang araw at naging pasukan nang muli sa CCCU madalas ko nalang makita si Grant sa bahay at sa tingin ko ay hindi sya doon natutulog. Minsan, naiisip kong baka gabi lang syang umuuwi kaya sinasadya kong magising at kunwaring umiinom nang tubig sa kusina pero wala.. wala talaga sya. Magkatabi lang ang kwartong tinutulugan naming at palagi ko syang pinapakiramdaman sa kabila. Naninikip ang dibdib ko dahil sa kalagayan namin ngayon.

Gusto ko nalang umiwas. Gusto ko nalang umiwas dahil alam kong sa oras na pagbigyan ko ang sarili ko ay katapusan ko na. Natatakot akong hindi ko 'to mapanindigan hanggang dulo.

"Faith. Are you okay?" Nagulat ako nang makitang nasa likuran ko na sya.

"Anung ginagawa mo? Class hour-"

"You're panting."

Lumunok ako.

"Galing ako sa pagtakbo."

"I know, I saw you." Aniya. Nakita kong ang agad nyang paglapit sa akin. Natakot ako sa kalabog nang aking dibdib kaya mas pinili kong umatras nalang. Nakita ko ang pagkunot nang kanyang noo nang dahil doon. Halata ang sakit sa kanyang mga mata at hindi ko 'yun kayang tignan.

"Baby. You're pale again. I'm worried." Aniya.

God. Nanghina ang tuhod ko at tinago ang ibabang labi ko gamit aang likuran nang aking kamay. Nagiwas ako nang tingin sa kanya. Galing ako sa pagtakbo kanina at naninikip ang aking dibdib. Matagal nang sinasabi sa akin na bawal ang pagtakbo. Pero buong buhay ko. Gustong-gusto ko talaga ang tumakbo kaya habang may pagkakataon ay ginagawa ko ito.

Suminghap sya at akmang hahawakan ako pero kaagad akong natakot at tinapik ang kanyang kamay. Nakita ko ang pagkagulat nya nang dahil doon. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya nang dahil doon.

"Baby-"

"Don't call me baby."

Umiling sya at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

"You're really hurting me, Faith. Bigtime." Napapaos na sabi nya.

Suminghap ako at pinigil ang luhang nagbabadya saking mga mata. Bakit ang hirap? Bakit ang hirap-hirap? Sobrang bigat nang loob ko at pakiramdam ko anu mang oras ay malulunod na ako sa sakit. Natatakot akong dumating ang araw na mamatay ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Stay away Grant. This is bad." Hirap na sabi ko.

"W-we love each other, how can this be bad?"

"H-hindi pwede." Nanginginig na sabi ko.

"Baby please. Stay with me." pakiusap nya sa akin.

Nakita ko ang titig nya sa akin. Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na sa kaibuturan nang aking puso ko ay mahal na mahal ko sya at natatakot akong mawala sya. Natatakot ako at baka hindi ko kayanin at hindi ko ito mapanindigan. Natatakot ako at hindi ko kayanin hanggang dulo, dahil ngayon.. ramdam na ramdam ko, mahal na mahal ko sya. Gusto ko syang yakapin at halikan pero hindi pwede.. hindi na pwede.

"Let me hug you. Baby, I miss you." Pakiusap nya.

Nanginig ang kamay ko at namanhid na ang buo kong katawan. Hindi ko na magawa pang igalaw ang buo kong katawan. Gusto ko mang tumakbo at tumakas ay wala na. Hinang-hina na ako at ngayon ay wala akong magawa kundi ang tanggapin ang yakap nya sa akin.

"I miss you. I miss you so much." Paulit-ulit nyang sabi. Katulad kong paanu nya sabihin sa akin na mahal nya ako. I want to hear it again. Over and over again. Gusto kong paulit-ulit nyang sabihin sa akin na mahal nya ako, kasi ako, oo. Mahal na mahal ko sya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now