Chapter 15

2K 84 3
                                    

Chapter 15

This will be my longest ride of all. Ngayon ko lang naramdaman sa buhay ko na para bang ayaw ko nang tumigil ang pagandar nang sasakyan. My magical summer will end soon. Parang ang bilis-bilis. Hindi ako makapaniwala. Parang nung nakaraan lang, pinaplanu palang namin 'to. Parang nung nakaraan lang. Ang saya-saya pa namin. Tapos ngayon.. ito, patapos na.. malapit na..

Binalingan ko sya nang tingin nang maramdaman ang paghawak nya sa kamay kong nakapatong sa kanyang hita. Hindi sya tumingin sa akin pero nakikita ko ang pagiigting nang kanyang bagang.

"Let me hold you. Please." Bulong nya.

Hindi ako sumagot at bumaling sa bintana habang kagat-kagat ang ibabang labi ko. Pinipigilan kong hindi umiyak. Ayaw ko nang umiyak. Pulang-pula at maga ang mga mata ko dahil sa buong gabi kong pagiyak. Nakita kong ganun din sya. Bloodshot ang kanyang mga mata at halatang hindi sya natulog, ibig sabihin, hinintay nya lang ang pagdating nang umaga.

Inihinto nya ang sasakyan nang huminto ang nasa harapan namin. Napapikit ako nang maramdaman ang paghigpit nang hawak nya saking kamay. Hindi ko sya magawang lingunin dahil alam kong umiiyak sya ngayon.. Suminghot ako at natigang ang aking puso, mainit na luha ang dumaloy saking pisnge. Nanginig ang kamay ko at alam kong ramdam na ramdam nya 'yun dahil hawak nya ito.

Humigpit ang hawak ko sa kamay nya kasabay nang pagtulo nang mainit na luha saking pisnge.

"P-pwede ba akong magmakaawa ulit sayo?" Aniya

"H-hindi kasi pwede, e-eh." Basag na basag na aking boses. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. I am really breaking right now at para bang ito na ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buhay ko.

 "Do you love me?"

"Very much. V-very much."

 "Ibangga ko nalang kaya 'tong sasakyan para-"

"Grant!" suway ko sa kanya.

"Atleast, we can be together even in hell, Baby."

"Don't say that."

"Heaven or Hell, I don't mind. I don't fucking mind as long as I am with you." Aniya.

Hindi ako sumagot. Niliko nya ang sasakyan at habang papalapit kami sa pupuntahan namin ay mas lalong naninikip ang dibdib ko. Pumikit ako at sa bawat punas ko nang aking luha ay mas lalo silang nagsisituluan. Walang tigil, para bang hindi sila nauubos. Para bang hindi na sila mauubos.

"Thunder and Dillon will be here in any time, I hope masiraan sila o kaya hindi na sila dumating." Mahinang sabi nya habang naglalakad kami dito sa tabing-dagat.

 "Grant.." suway ko sa kanya.

Nakita ko kung paanu lumambot ang tingin nya sa akin.

"Fuck. Nabuhay akong nakukuha ang lahat nang gusto ko. Everything I want, Faith. I got it all, Fame, Money, Girls.. Everything. I thought, I have everything I want and I need in life, But, I am very wrong. Now, I am Grant Elliot Hernandez, but I can't have you. At ngayon, nagsisisi ako. S-sana pala, noon palang naging mas mabuti na akong tao siguro sa ngayon, hindi ako pinaparusahan nang Diyos nang ganito."

Nagangat ako nang tingin at nagkagat nang labi.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin