Chapter 53

2.4K 85 11
                                    

Chapter 53

Pinagluto ko sya ng pagkain dahil sinabi nyang nagugutom na sya. Naghihintay lang sya sa akin sa may dining table at nakatunganga doon. Panay ang sulyap ko sa kanya na para bang mawawala sya sa paningin ko. Nung matapos akong magluto ay kumain narin kami. Tahimik lang sya at hindi umiimik. Nabibingi na ako sa katahimikan naming dalawa pero sa pagkakataoing ito wala naman akong magawang sabihin sa kanya.

"Salamat sa pagkain." Sabi nya sa akin.

Tumungo-tungo lang ako. "Gusto mo pumunta sa tabing dagat?"

"Ayos lang ba?"

"Bakit pagod ka ba? Kung gusto mong magpahinga puwede naman." Umiling sya.

"Hindi, ang iniisip ko ay ikaw. Alam kong pagod ka dahil sa mahabang biaje."

"I'm not tired."

"Alam kong pagod ka. Hindi mo lang sinasabi." Mahinang sabi nya.

Tumahimik ako. She's right. That's the thing about her. He sees through me. Mabuti pa sya, kilala ako. Kilalang-kilala nya ako at nakikita nya kung anu ang nasa loob ko kahit na hindi ko 'yun sabihin. Of all the people, si Faith lang ang may kayang gawin 'yun. Hindi ko alam kung paano nya 'yun ginagawa.

"I'm not tired. Hindi ako marunong mapagod Faith. Pupunta tayo sa tabing-dagat. Maganda doon dahil papalubog na ang araw." Nakangiting sabi ko.

Ngumiti lang din sya at tumungo-tungo sa akin.

"Sige." Aniya.

Lumabas kami ng bahay pagkatapos noon. Kinuha ko sa likod ng kotse 'yung itim na jacket na binili ko para sa kanya. Kaparehas ito ng suot ko ngayon. Hinila ko sya palapit sa akin para tulungan ilagay 'yung jacket. Nakangiti sya at nakatitig sa akin. Binaba ko ang tingin ko sa kanya. Ngumuso ako ng makita ang magaganda nyang mga mata.

"What?" tanung ko

"Couple Jacket?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto. Pero diba nakokornihan ka sa mga ganitong bagay?" tanung nya.

Natawa ako. Totoo 'yun. Ayaw ko naman talaga ng mga ganitong bagay. Nakokornihan ako sa tuwing nagde-demand ang mga girlfriend ni Thunder na magsuot sila ng couple t-shirt or even couple rings. I don't like that kind of shit. Sobra nga ang pangaasar ko kay Thunder noon pero hindi ko alam na gugustuhin ko pala ito ngayon.

"Akala ko gusto mo nga mga ganito?" tanung ko.

Tumungo-tungo sya.

"Then, it's okay for me. Kahit anu basta gusto mo." Sabi ko sa kanya.

Anything. Kahit na anung gusto nya ay kaya kong gawin. Kung saan sya sasaya. Kahit na masaktan ako, gagawin ko parin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung saan ko hinuhugot ang ganitong klaseng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ko sya kamahal. Hindi ko alam kung paanung nagmamahal ako ng isang taong mas mahal ko pa sa sarili ko. Kaya nga kung mawawala sya sa akin, sigurado akong mamatay din ako. Sigurado akong hindi na rin titibok ang puso ko.

Ngumiti sya at tumungo-tungo. Kahit na malapit lang ang tabing-dagat sa bahay namin ay hindi ko parin sya hinayaang maglakad. Sumakay kami ng kotse at dahan-dahan akong nagmaneho doon. Tahimik lang sya sa kinauupuan nya at napipikit. Panay ang sulyap ko sa kanya at imbis na mag-concentrate ako sa pagdri-drive ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko.

Inihinto ko ang sasakyan at kaagad syang bumaba doon. Nangiti ako ng makita ang excitement sa kanya. Kaagad nyang hinubad ang suot nyang sandals at tumakbo doon malapit sa tubig. Tawa sya nang tawa at parang batang nagtatampisaw doon. Ngumiti lang ako at sumandal sa sasakyan ko. Pinulot ko ang sandals nya at binitbit 'yun habang pinapanuod syang naglalarong parang bata doon.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz