Chapter 40

2.6K 82 7
                                    

Chapter 40

Hindi naman mahaba ang biaje pero pakiramdam ko ang tagal-tagal namin bago makarating. Mahina ang pagpapatakbo nang driver nang sasakyan at nakikita ko na ang paghikab ni Kate sa gilid naming maybe she's still sleepy. Sobrang aga naman kasi nilang pumunta sa ospital at hindi na kami nakakain.

"Ate, I'm hungry. Kain kaya muna tayo?" Ani ni Juan Paolo.

Nilingon sya ni Kate na nasa front seat.

"Wag na. Matatagal tayo."

"Drive thru nalang." Ani naman ni Promise.

"Jollibee lang ang pinakamalapit dito. Is that okay?" Tanung ni Kate kay JP. Ngumuti naman ito at tumungo-tungo.

'Yun na nga ang ginawa namin. Nagdrive thru muna kami sa Jollibee para lang pagbigyan si Juan Paolo dahil gutom na daw talaga sya. Ang aga naman kasi nilang dumating sa ospital kanina. Nang abutan nila ako doon ay saktong tapos na akong magayos. Hindi na kami nakakain doon at siguro ay hindi din sila nakakain nang almusal sa bahay. Excited na rin kasi akong umuwi. Halos magiisang linggo na ako sa ospital at sobrang nababagot na ako doon. Mabuti nga ay hindi sila nagsasawang dalawin ako.

Inabot sa akin ni Promise ang isang burger pero tinaggihan ko 'yun.

"Hindi ka pa kumakain."

"I don't feel like eating Prom."

"Ate, you should eat. You're so skinny and pale." Nagaalalang sabi ni Juan Paolo.

Binalingan ko sya nang tingin.

"I am always pale JP."

"The first time I saw you, hindi ko akalain na pwede paring maging maganda ang isang babae kahit na maputla sya. I mean, you don't wear make-up and you're so plain. Pero gandang-ganda ako sayo. I wonder kung anung itsura mo kapag nagayos ka." Aniya kasabay nang pagpula nang kanyang pisnge.

"Naku! You should see her with dress, too! The best!" singit ni Prom at nagthumbs up pa.

"Dress?"

"Yup! White dress!" excited na sabi nya.

Ngumiti lang ako at hindi na sumingit sa usapan nila. Sa kasagsagan nang biaje ay kung saan-saan na napunta ang usapan. Nakikinig lang ako sa kanila at hindi na nakisingit pa. Nakatanaw lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga sasakyan na kasabayan namin.

Hindi ko maiwasang maalala ang lahat nang nangyari. Ang sabi nila Prom, tulog ako nang halos dalawang araw. Pero kahit na ganun, nasa isip ko parin si Grant. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha nya, ung mga ala-ala namin sa Maynila, ung mga ngiti nya, mga halik at yakap, pati na ung pagtalikod nya sa akin at kung paanu nya halikan si Rihanna sa video na 'yun.

"Faith.."

Nilingon ko si Prom nang kalabitin ako.

"Huh?"

"Nung natutulog ka, anung nakikita mo? I mean, anung mga napapanaginipan mo? Kasi, you've been sleeping for two days."

"Hm." Nagisip ako sandali. "Naririnig ko kayo."

Nanlaki ang mata nya.

"What? Really?" Ani ni Kate.

Tumungo-tungo ako.

"Siguro ang weird and it's a bit creepy pero totoo, naririnig ko ang mga boses nyo pero hindi ko magawang sumagot. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. It's like something is holding me back para gumising." Sabi ko.

"Natakot ka ba?" tanung ni JP.

"I am really afraid. Ilang beses ko nang naranasan 'yun and I am fully aware na habang tulog ako, Malaki ang posibilidad na huminto ang tibok nang puso ko." Sabi ko.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now