Chapter 17

2K 75 3
                                    

3 chapters left before the present time.

_________


Chapter 17

Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo nila sa akin, ayaw ko na naman din nang gulo kaya hinahayaan ko nalang. Si Prom at Kate at dinadaan-daanan lang ako palagi, kahit na minsan, pakiramdam ko, gusto na akong kausapin ni Kate ay palagi naman syang pinandidilatan nang mata ni Prom, galit talaga sya sa akin at kahit na kumakain kami sa iisang hapag-kainan lang ay hindi padin nya ako umiiyak, o kaya minsan, tumatayo sya kaagad o hindi sya kumakain. Si Williard ay palaging wala pati na si Thunder, si Fifth naman ay hindi na nagpupunta dito dahil narito ako, I know he's mad too. Si Dillon lang naman ang hindi umaalis sa tabi ko.

"Are you ready?" Nilingon ko sya nang nakita tumabi sya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinasadahan ang isang bestidang susuotin ko para sa dinner mamayang gabi.

"Hindi ko alam." Bulong ko

"Pwede pa tayong umatras, magsabi kalang. I can make it happen, Faith." Sabi nya sa akin. Umiling-iling ako nang dahil doon, ilang beses na nya akong tinatanung nyang pero iisa padin ang sagot ko, wala pading nagbabago.

"You know, I can't do that." Bulong ko.

Sa wakas ay napilit ko din si Papa na wag nang gawing engrande pa ito. Napakiusapan ko din syang kahit isang simpleng dinner nalang para sa aming pamilya. Hindi naman kailangang ipaalam sa lahat nang tao dito sa Central na magiging Hernandez na ako. Hindi ko alam, o mas magandang sabihin na ayaw kong may makaalam pa.

Tinagilid ni Dillon ang ulo nya at tinitigan akong mabuti. "You're brave, Faith. Kung ako ang pinili mo at hindi si Grant, ipaglalaban din kita kahit na magpinsan pa tayo." Aniya.

Uminit ang pisnge ko nang dahil sa sinabi nya. Nagiwas ako nang tingin dahil doon. Mabait si Dillon. Ngayon mga panahong pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Sya ang nariyan para sa akin. Hindi nya ako iniiwan, lalo na sa pagkakataong ito. Kahit na nasaktan ko sya noon, kahit na tinanggihan ko sya at si Grant ang pinili ko ay hindi padin nagbabago ang pakikitungo nya sa akin.

Nung naggabi na ay inayusan ko nalang ang aking sarili. Sinuot ko ang isang bestidang lagpas nang aking tuhod at inilugay lang ang aking buhok. Sa tingin ko ay masyadong maganda ang damit na ito para sa akin. Isang eleganteng champagne color na sleeveless ang bestida ko at lagpas lang ito nang kaunte sa tuhod. Hindi ako marunong magmakep kaya hindi nalang ako naglagay. Nahihiya tuloy ako nang bumaba ako sa garden kung nasaan ang aming dinner. Ang gaganda kasi nila Prom at Kate. Ayos na ayos sila.

"Oh, andito na pala sya." Ngumiti si Papa at sinalubong ako. Ngumiti ako sa kanya pero nahuli ko ang pagirap sa akin ni Prom. Nagkagat ako nang labi.

"Ladies and Gentlemen, my daughter.. Faith Samantha Hernandez." Ani ni Papa.

Nakita kong nagtinginan lang sina Williard at Fifth. Si Dillon lang ang pumalakpak. Ang mga magulang nila ay nakangiti lang sa akin. Ngumiti lang din ako. Malamig ang pakikitungo sa akin nang ilan at pakiramdam ko ay hindi talaga ako tanggap nang pamilyang ito. Nanliliit ako lalo na kay Prom na panay ang irap sa akin. Gandang-ganda ako sa naka-bun nyang buhok at itim na fitted dress.

"May kapatid pa pala kayo sa labas, Prom." Napalingon ako nang madinig ang boses na 'yun. Kaagad kong nasilayan ang isang matangkad at mukhang may lahing babae, sa dinig ko Kim ang pangalan nun at pinsan ito nila Prom sa Mother side.

"Ah. Oo nga eh. Lately lang din namin nalaman."

"and what with those black outfit? Nagluluksa lang?"

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now