Chapter 18

2K 77 4
                                    

Two chapters left before the present time.

____




Chapter 18


Sinabi ko kay Dillon ang lahat. Ang lahat-lahat. At hanggang sa makauwi kami sa bahay ay wala kaming imikan. Hindi sya umiimik kaya hindi nalang din ako nagsasalita. Nang makauwi kami ay kaagad akong sinalubong nang yakap ni Promise. Nagulat ako dahil kanina lang ay galit na galit pa sya sa akin pero ngayon ay umiiyak sya ngayon sa harapan ko. Panay ang sorry nya at kahit na sabihin kong kalimutan na namin ang lahat ay hindi padin sya tumitigil sa pagiyak.


Naging maayos na ang pakikitungo ni Prom sa akin magmula noon. Ganun din sina Fifth at ang iba pa, sinabi nila sa akin na kalimutan na namin ang lahat nang nangyari. Parang bulang nawala sa pagiisip nila ang lahat. Kaagad silang nakalimot bukod sa akin.


"See this?" tinuro ni Prom sa akin ang isang litrato sa kanilang photo album. Binalingan ko 'yun nang tingin. Napangiti ako nang makitang litrato pa nila itong magpipinsan nung bata pa sila, madudungis sila at nagkalat ang putik sa buo nila katawan, nasa gilid si Prom at umiiyak si Kate naman ay nakayakap sa kanya.

"Elementary 'to. Naghukay kami sa likod nang abandunadong bahay di kalayuan dito, may usap-usapan kasi na may nakatagong baul nang kayamanan doon kaya pumunta kami, kaya lang, nahuli kami nung matandang katiwala nung bahay, nagtakbuhan kami at nadapa ako kaya ako umiiyak sa picture na yan." Paliwanag nya.

Natawa ako. Natawa din sya at nilipat ang pahina nang photobook.

"Ito, si Williard to nung installation nang braces nya."

Nanlaki ang mata ko at tinitigan 'yung mabuti.

"Si Williard 'to?"

"Yeah. Hindi mo akalain no? Ang laki nyang nerd dati. Haha." Aniya.


Tinitigan kong mabuti ang kanyang picture, ang gwapo nya bata palang sya pero hindi ko akalaing once upon a time, nagsuot din pala si Williard nang braces at eyeglasses.


Bumuntong-hininga si Prom. "You know, napaka misteryoso nyang tao at napakatahimik, hindi mo akalaing habulin sya nang mga babae. Siguro, karamihan sa mga babae ganun talaga ang tipo sa lalaki." Nagkibit-balikat sya at tumayo sa kanyang kinauupuan. "I'll go get some drinks okay? Wait." Aniya at lumabas nang kwarto. Tumungo-tungo lang ako at nagpatuloy sa pag bro-browse nang photobook.


Napatigil ako nang makita ang isang litrato doon nang isang batang kilalang-kilala ko kung sino. Nakakunot ang noo nya habang nakaharap sa camera, mayroon syang suot na birthday hat na may cake sa kanyang harapan na mayroong kandilang '7' ang nakalagay. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nilipat ang pahina nang photobook na iyon. Si Grant ulit, mukhang sa huli nang photobook na ito ay puro si Grant nalang ang kuha. Nakita ko ang litrato nya habang nakasakay sa kanyang bisikleta, Malaki ang ngiti sa kanyang labi at para bang ang saya-saya nya. Nanikip ang dibdib ko, ibang-iba 'to sa nakita ko kung araw na iniwan ko sya sa tabing dagat, hindi ang nakangiting si Grant ang nakita ko kundi ang umiiyak nyang mukha.


Kumurap-kurap ako nang maginit ang aking mga mata. Muli kong nilipat ang page at nakita pa ang iilang litrato nya doon, malalaki na sila at magkakaakbay habang nasa likuran nang umuulan na snow.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now