Chapter 44

2.3K 84 7
                                    

Chapter 44

Mabilis ang lakad ko at walang lingon-lingon.Nakatakip ang isa kong kamay saking ilong habang mabilis akong lumalakadpapuntang CR. Walang tao nang makapasok ako doon. Dali-dali akong pumunta samay lababo para hugasan ang aking ilong. Tumigil na ang pagdurugo nito. Panayang punas ko habang kagat-kagat ang ibaba kong labi.

Hindi ko mapigilan ang maiyak habang ginagawa'yun. Sa mga oras na ito, malamang ay hinahanap na ako ni Fifth. Nagsisisi ako.Sana pala ay hindi nalang ako umalis at nanatili nalang doon sa labas nangclassroom nya. Hindi ko naman akalaing makikita ko si Grant doon. Angpagkakaalam ko ay graduate na sya at hindi ko lang lubos maisip na pinuntahannya ako doon.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas nadinako nang CR. Nagdadasal nalang talaga ako na hindi mahalata ni Fifth angpagiyak ko kung hindi ay baka magwala na naman 'yun.

Umakyat ako sa Fifth floor habang nakayuko.Nakakasalubong ko na ang mga estudyanteng malamang ay kakalabas lang nangkanilang classroom. Suminghap ako nang matigil ako sa paglalakad dahil mayhumawak saking braso. Nagangat ako nang tingin at nakita si Fifth na nakakunotang noong nakatingin sa akin.

"Fifth." Bulong ko.

Halos mawalan ako nang hininga. Ang akala ko,si Grant na naman.

"Oh? What happen? San ka galing?" tanung nya

Inawang ko ang bibig ko at bumaling sa ibaba.Wala akong maisip na idahilan sa kanya kaya tipid nalang akong ngumiti.

"N-nagutom ako eh. Kaya dumaan ako sacanteen." Ani ko.

Tumungo-tungo sya sa akin habang tinititiganakong mabuti.

"Let's go home?" yaya ko sa kanya.

Tumungo-tungo sya sa akin at sabay kamingnaglakad pababa.

Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyarihabang pababa kami. Paulit-ulit na nanglalaro ang lahat sa utak ko. Parangisang video na paulit-ulit na nagplaplay. Hindi ko na alam. Panay ang sulyap kosa paligid dahil natatakot akong baka naroon parin sya at hindi pa umaalis.Ngayon si Fifth ang kasama ko, magiging isang malaking gulo kong makikita naminsi Grant. Fifth is impulsive, kunteng kalabit mo lang dito manununtok na.

"Hindi ka parin uuwi sa atin?" tanung nyanang makapasok kami sa kanyang sasakyan.

Umiling-iling ako.

"Hindi na ako uuwi."

"Why?"

"I don't belong there."

Natawa sya.

"Really? You belong there. With us." Aniya atnagsimulang paandarin ang sasakyan.

Nilingon ko sya. Hindi lang akomakapaniwalang sinasabi nya ang lahat nang ito sakin ngayon.

"You're still one of us." Ulit nya.

Ngumiti ako.

"Thank you, Fifth."

"Tss. For what?"

"For everything. I hope one day, makabawi dinako sayo."

"Makakabawi ka sa akin kung magpapagalingka."

Lumunok ako.

"Fight. I don't want you to die."

Ngumiti ako.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang