Chapter 4

2.7K 96 3
                                    

Chapter 4

Dumating ang aming Christmas vacation. Dumami ang nagsisimba sa church para sa simbang gabi. Ganun din ang ginagawa ko. Taon-taon. Isa lang naman ang nasa isip ko. Isa lang naman ang dasal ko. Paulit-ulit kong pinagdarasal na kanya na bigyan pa ako nang mahabang buhay. Hindi ako mabuting tao, alam kong nagkakasala din ako. Marami pang taong mas nangangailangan nang tulong nya, maraming taong mas kailangan sya pero kailangan ko din sya.

Excited kaming dalawa ni Papa para sa pasko. Magdidinner kaming dalawa pero hindi ko naman inaasahang sa ospital ako magpapasko ngayong taon. Inatake ako kagabi nang hika at sumasakit na naman ang aking dibdib. Hindi ko sinabi kay Papa dahil ayaw ko syang magalala sa akin, pero nang hindi ko na nakayanan ay wala na akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

"Sinabi ko na sayong hindi pwedeng magpagod nang sobra. Kaya nya nirerequire kitang mag-home base study nalang." Ani nang doctor sa akin. Inaalalayan sya nang nurse habang inilalagay ang nebulizer saking ilong hanggang bibig.

Binalingan ko si Papa na nakatayo doon at pinaanuod akong may sakit sa mga mata. Tumulo ang luha ko papuntang pisnge habang umiiling-iling sa kanya.

Pinipilit kong magsalita pero hindi ko kaya. Mahina ako pagdating sa mga ganitong pagkakataon at mabigat ang aking katawan sa tuwing magigising ako galit sa mahabang pagkakatulog. Masaki tang mga turok nang karayom at hindi ko gusto ang amoy nang ospital. Hindi na yata ako masasanay dito.

Nung New year lang ako naging maayos at nakalabas nang ospital. Natuloy ang planu

namin ni Papa na magdinner para salubungin ang bagong taon. Nagpasalamat kami dahil sa isa pang taon na binigay sa akin nang Diyos. Nagpasalamat kami dahil isang taon na naman ang lumipas at buhay pa ako.

Dillon:

Happy new year, Faith!

Ngumiti ako nang dahil sa text sa akin ni Dillon. Nireplyan ko sya agad.

Ako:

Happy New Year din, Kumusta naman ang bagong taon mo?

Dillon:

Sobrang saya. We're here sa roofdeck. Nagsasaya My cousins are drunk. Lalo na si Grant, he's kissing Williard ass now. Ha-ha. Ikaw? How's your new year's goin?

Natawa ako sa kanyang reply sa akin. Agad ko syang nireplyan na maayos naman ang pagsalubong namin nang bagong taon. Simple lang pero payapa. Bumuntong-hininga ako at iniscan ang aking cellphone matapos kong i-send ang aking reply. What am I waiting for? Naghihintay ba akong magtext sya sa akin at batiin ako?

Simula ata nung hinatid nya ako dito sa bahay ay hindi na ako mapalagay. Alam kong maling isipin sya. Alam kong maling mapanaginipan sya sa gabi, alam kong maling gustuhin kong itext nya ako palag, Alam kong mali 'tong nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Iniisip ko sya palagi at ayaw ko nang ganito. Nakakatakot. Nakakapanghina.

Sa pagtext-text naming dalawa kay Dillon ay nasabi ko na sa kanya ang planu kong event para sa mga bata sa charity'ng sinusportahan ko. Ang sabi nya sa akin ay sobrang willing naman syang tumulong. Natuwa naman ako doon. Dahil madalas, kaming dalawa lang ni Papa ang pumupunta sa charity pero sa ngayon, sa tingin ko ay madami na kami.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now