Chapter 21

2.3K 82 4
                                    

Chapter 21

Dinilat ko ang mga mata ko nang makaramdam nang mumunting halik saking sintido. Naagad kong nakita si Grant sa tabi ko at nakangiti sa akin. Umayos ako nang pagkakaupo at ngumiti din.

"We're here." Aniya.

Ngumuso ako at sumilip sa bintana. Nakita kong narito na nga kami sa NAIA Airport.

"Ang bilis." Bulong ko.

"That's because you were sleeping the whole time." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Bumaling ako sa kanya nang dahil doon. Madaling araw na at hindi ako makapaniwalang narito na nga kami sa Maynila ngayon. Kanina lang ay nasa bahay lang kami. Kausap ko pa sina Prom at inamin ko pa sa kanila ang lahat tungkol sa sakit ko, umiyak ako at sobra at nagmakaawa sa kanila, tapos ngayon ay narito na kami ni Grant sa Maynila. Hindi ako makapaniwala. We really did run..

Ilang sandali pa ay tinanggal na namin ang aming seatbelt at kinuha na ang aming mga gamit para makababa na. Akay-akay ako ni Grant at mahigpit ang pagkakahawak nya saking kamay. Ngumuso ako at tinitigan 'yun. It's not like I'm going to run, anyway.

"Kuya Russell and Ate Cory will going to fetch us." Aniya habang naglalakad kami.

Tumungo-tungo ako at huminto sa paglalakad. Lumingon sya sakin nang dahil doon.

"Grant, I need to pee." Bulong ko at tinuro ang ladies room na narito. Ngumiti sya at tumungo-tungo.

"Alright, I'll wait here. You go ahead." Aniya.

Tumungo-tungo ako sa kanya at pumasok na sa loob.

Madami nang babae doon nang mapasok ako. Magaganda ang bihis nang ilan at naka aviators pa, ang ilan naman ay naglalagay nang lipstick, iba-iba, may taga ibang lahi pa at ang ilan naman ay galing atang probinsya dahil sa mga lenggwaheng hindi ko maintindihan.

Pumasok ako sa isang cubicle doon at inilabas ang aking cellphone. Nanginig ako nang makita ang ilang text doon galing kila Prom at iba pa.

Prom:

Please, be careful. Nakarating na kayo?

Dillon:

Tell me kapag mag problema, in case Tito cut Grants cards, tell him that he can use mine.

Thunder:

I am worried, be careful of Grant.

Ngumiti ako nang dahil sa text nyang 'yun. Suminghap ako at hinanap ang numero ni Papa David sa aking cellphone. Akmang itetext ko sya nang matigilan ako. It's 2:30 and he probably sleeping right now. Madalas ay iniisip nyang nasa bahay ako at natutulog din. He don't know that I am here, with Grant. Suminghap ako at kinagat ang aking ibabang labi. I know, he'll be hurt because of my decision but I can't let go of Grant now. I just can't.

Isa pang iniisip ko ay ang mga magulang ni Grant. I know, they'll freak out kapag nalaman nilang nawala ako at si Grant. Hindi ko alam kung anung iisipin nila sa oras na malaman nila ang relasyon naming dalawa nang anak nila. They'll find it dirty kahit na alam nilang kasinungaling lang ang lahat-lahat tungkol sa pagpapalit ko nang apelyido.

Nang lumabas ako nang cubicle ay bulung-bulungan na ang nadidinig ko. Humarap ako nang salamin at tinignan ang itsura ko. Hanggang ngayon ay mapula parin ang aking mga mata. Marahim dahil 'to sa pagiyak ko kanina. Akmang aalis na ako nang di sinasadyang madinig ko ang paguusap nang dalawang babaeng naroon.

"May gwapo sa labas. Naghihintay. He must be waiting for someone." Ani nung isa.

"Parang model, or artista? Something?" Sagot naman nung kasama nya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now