Chapter 3

3K 106 6
                                    

Chapter 3

"Dinig mo yung balita? Break na daw si Grant tsaka ung girlfriend nyang taga CCCC." P.E namin nang madinig ko ang bulong-bulungan nang mga kaklasi ko habang nagsstreaching.

"Talaga? Means, single na ulit sya. Tingin mo, kung hihingin ko number nya, ibibigay nya sakin?"

"Hmmm. Let's see. Kaya lang, yung mga ganun, laging my reserba, alam mo naman, hindi 'yun nawawalan."

"Dianne ang pangalan nun diba? Super ganda kaya nun, Ang bali-balita, sobrang naging broken daw 'yun dahil sa paghihiwalay nila ni Grant, eh, first boyfriend nya ata si Grant eh."

"First broken heart? Baka naibigay na nya ang lahat. I mean, her virginity, I guess? Diba, ganun naman ang mga Hernandez? Gusto kalang naman nilang lasahan."

"Eh, kung sila ba naman ang lalasa sayo, why not diba? Kahit ata ang pinakaconservative na babae sa mukha. Bubukaka kapag sila na ang nasa harapan."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagiwas nang tingin. Pinilit na hindi makinig sa paguusap nila. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagtatake down nang notes sa mga dinidikta nang aming professor tungkol sa exercise na ginagawa namin ngayon. I can't do running katulad nang ginagawa nila, nung nagsimula palang nang klase ay napasa na ako nang Medical slip na nagsasabing prohibited ako sa mga ganung activities, though, I still need to attend Physical Education nagtatake nalang ako nang written exams kapag examination namin sa subject na ito.

Sa paglipas nang araw ay hindi ko na nakikita si Grant sa aming club. I know, he lost his interest, alam ko namang hindi sya yung tipo na magtatagal sa mga ganung activities. Madami din akong nadidinig na usap-usapan tungkol sa kanya. He's the center of controversy's everyday dahil sa dami nang mga babaeng nakakarelasyon nya dito sa aming school.

Isang araw ay nakita ko nalang ang isang 3rd year student na si Marina na dinadaluhan nang kanyang mga kaibigan. Umiiyak sya at umiiling sa binubulong sa kanya. Narito ako sa bench at nakatanaw sa kanya habang hinihintay ang paglabas ni Bash galing sa aming classroom. Ika nya ay may nakalimutan sya doon.

"Tara na!" Ilang sandali pa ay lumabas na si Bash. Ngumiti sya at humarap sa akin. Hindi ako umimik. Nakita kong sinundan nya ang tingin ko kay Marina na ngayon ay pinagtitinginan na nang mga estudyante nang dahil sa walang patid nyang pagiyak.

"Ah, si Marina! Grabe no? Kahapon pa yan ganyan."

"What happen?"

Nanlaki ang mata nya.

"What happen ka dyan! Hindi mo alam? Hello?"

Umiling ako.

"I seriously don't know."

Umirap sya sa akin. "Anu kaba, Faith. Hay naku. Lahat dito alam na ang nangyari, ikaw lang ata ang nahuhuli sa balita. Kasi, si Marina yan 'yung pinakalatest na dinate ni Grant."

Kumalabog ang dibdib ko. Grant again?

"Uh.."

"Uh..huh. Sabi nila madalas daw nakikita 'yung dalawa na lumalabas sa storage room or gym or vacant rooms. Probably having sex? Syempre, walang makapagsumbong. Wala namang evidence kasi wala namang nakakakitang magkapatong sila. Tsk, tsk." Umiling-iling sya sa akin. "Syempre, kapag nagkainteres sayo kahit isa sa mga Hernandez, ibig sabihin, katawan lang nila ang gusto mo. Dapat alam na nya 'yun." Aniya sa akin.

"Ganun ba 'yun."

"Oo. Ganun 'yun. Mga horndog yan mga yan! Hayok sa babae!" Sabi nya na tila may pinanghuhugutan."

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang