Chapter 22

2.3K 85 3
                                    

Chapter 22

Dinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na pagtunog nang aking cellphone. Gumalaw ako nang kaunte at kaagad na naramdaman ang isang mabigat na brasong nakapatong sa bewang ko. Nang magangat ako nang tingin ay nakikita ko ang nakapikit pang si Grant habang yakap-yakap ako. Sinubukan kong alisin ang pagkakayakap nya sa akin pero hindi ko magawa. Mahigpit ang yakap nya at kahit na tulog sya ay ayaw nya padin akong pakawalan. Wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang 'yun. Pinilit kong abutin ang cellphone kong nasa ibabaw nang maliit na mesa sa gilid nang kama. Nang maabot ko 'yun ay kaagad kong sinilip kung sino ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Papa David 'yun.

"Papa David.." bulong ko.

Suminghap ako at binalingan si Grant. Alam kong hindi ko ito pwedeng sagutin nang narito si Grant sa tabi ko. Namatay ang tawag. Binalingan ko si Grant at inalis ang kamay nyang nakapatong sa bewang ko. Nang magawa ko 'yun ay kaagad akong tumayo ay pumasok sa loob nang cr. Tumunog ulit ang aking cellphone. Ilang beses. Namatay. Tutunog. Namatay. Tutunog. Pero hindi ko magawang sagutin. Hindi ko ala kung anung kinatatakot ko. Nanginginig ang kamay kong nakatitig sa cellphone ko at muling nagaabang nang panibagong tawag galing kay Papa David pero wala na. Akmang ididial ko ang kanyang numero nang mapatalon ako sa lakas nang katok galing labas.

"Faith?" Si Grant. Gising na sya.

"B-bakit?"

"Are you okay?"

"Y-yeah.. Sandali lang." sabi ko at inayos ang aking sarili. Suminghap ako at binalingan ang cellphone ko.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa salamin matapos kong maghilamos. Sobrang nakokonsensya ako at ayaw kong magalala si Papa David sa akin pero ayaw kong bumalik. Hindi ko alam kung paanu ko sasabihin sa kanya. Pinalaki nya akong ginagawa ang tama. Pinalaki nya ako habang paulit-ulit na sinasabi sa akin na sa lahat nang pagkakataon ang tama ang dapat kong gawin at dapat kong piliin. Maaaring sa mga mata nila mali ang ginagawa naming ito ni Grant, pero para sa akin, walang mali dito. Wala..

Lumabas ako nang CR pagkatapos noon. Nagangat ako nang tingin at kaagad na nakita si Grant na nakaabang sa akin. Uminit ang pisnge ko nang makitang nakanguso sya at nakatitig sa akin. Suminghap ako at pinasadahan sya nang tingin ang magulo nyang buhok, pababa sa mapupungay nyang mata, sa matangos nyang ilong pati na ung mga labi nya.. Lumunok ako. Hindi ako makapaniwalang ako ang minahal nya, hindi ako makapaniwalang pinaglalaban nya ako ngayon, hindi ako makapaniwalang narito sya ngayon... sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala.

"Baby. What's wrong?" tanung nya sa akin.

Ngumiti ako at umiling-iling.

"Come on." Aniya at naglahad nang dalawang bisig sa akin. Pumungay ang mga mata ko at kaagad na lumapit sa akin. Niyakap nya ako nang mahigpit habang nakahalik sya saking ulo.

"This is our first morning together. I am so happy." Bulong nya sa akin.

Tumungo-tungo ako. "I am happy too." Sabi ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan sya sa mata.

"Papa David called."

"Anung sabi?"

"Hindi ko nasagot.. H-hindi ko sinagot." Mahinang sabi ko.

And I hate to admit it, naiinis akong aminin sa sarili ko na pinili kong hindi nga sagutin 'yun.

"Why?"

"I am afraid. Natatakot akong sabihin nyang umuwi ako at iwanan kita." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I want us alone, Grant. I just want the two of us." Ani ko. Nakita ko ang gulat nyang mukha nang dahil sa sinabi ko. Lumunok sya at nakita ko ang pagpula nang kanyang pisnge.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now