Chapter 36

1.9K 65 2
                                    

'Yung sa last ko po (Chapter 35), 'Raise' po iyun at hindi 'Race'. Sorry.

-----

Chapter 36

"Faith!" Umalingawngaw ang boses ni Mr. Hernandez sa likuran ko. Hindi ko sila nilingon. Sinandal ko ang noo ko sa railings nang gate at ganun din ang ginawa ni Grant.

"Stop crying, okay?" Aniya sa akin. Tumungo-tungo ako pero kahit na ganun ay hindi parin natigil ang aking pagiyak.

"A-are you okay?" Pumiyok ang aking boses. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit tinatanung ko pa ito sa kanya. Alam ko naman, it's so obvious, he's not okay.

"I-ikaw? Are you okay? H-hindi ka naman nasaktan hindi ba?" Binalik nya ang tanung ko. Tumungo-tungo ako sa kanya. I am not hurt physically but I am so hurt emotionally. Tinitigan ko si Grant I know, he's hurt in both aspects, kitang-kita ko ang panginginig nya sa lamig at ang dumudugo nyang labi.

Dalawang bodyguard na nakapayong ang lumapit sa akin at hinila ako. Nanlaki ang mata mata ko at hindi kaagad nakapagreact.

"Dad! Dad! P-please!" pumiyok ang boses ni Grant habang kinalampag ang gate nang kanilang building.

"Eric! Open the gate! Papatayin mo ba ang anak mo sa lamig, huh?" sigaw ni Mrs. Hernandez. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan si Dillon na binalutan ako nang tuwalya.

Nanlalabo ang mata ko sa pinaghalong tubig nang ulan at tubig na sanhi nang luha.

"Dillon, please. Do something." Nanginginig na sabi ko sa kanya.

"I c-can't." bulong nya.

Nanghina ako nang dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at humawak sa laylayan nang kanyang damit.

"P-parang awa mo na.." Iyak ko. Malakas ang pagiyak ko pero mas malakas parin ang bawat sigaw ni Grant na sumasabay sa malakas na pagbuhos nang ulan.

Naramdaman ko ang paghawak ni Dillon sa akin at paghila.

"Dillon.."

"Let's go inside."

"No. No. Dillon please." Umiling-iling ako.

Wala na akong nagawa sa paghila nya sa akin sa pagkakataong ito. Hindi ko na kayang kumawala sa kanya dahil nanghihina ako. Pakiramdam ko, unte-unte nang nawawala ang lakas ko. Ang lahat nang enerhiyang meron ako ay unte-unte nang naglalaho.

Nang mapunta kami sa tapat nang elevator ay saktong lumabas doon ang kanyang mga magulang. Kumunot ang noo nilang nagpabalik-balik nang tingin sa aming dalawa.

"What's happening? Care to explain, Dillon?" tumaas ang kilay nang kanyang mommy. Binalingan ko nang tingin ang Daddy ni Dillon. Nakikita ko ang mukha ni Williard sa kanya. Sa kanilang magkakapatid ay si Williard ang pinakamukha nang kanilang Daddy. Misteryoso din ito at tahimik lang. Nang bumigat ang tingin nya sa akin ay binagsak ko ang tingin sa lapag.

"I'm sorry, Mom. Dad. Mage-explain din ako sa inyo." Ani ni Dillon

"Pauwiin mo na ang mga kapatid mo. Anu ba kasing meron dito?" Iritable ang kanyang mommy na tumingin sa akin.

"Yes, mom." Ani ni Dillon at hinila na ako papuntang elevator

Naiwan ang Mommy at Daddy nya sa labas. Bago magsara ang elevator ay nakita kong lumakad sila. Sa tingin ko ay titignan nila ang kaguluhan sa labas.

Nagbalik sa akin ang itsura ni Grant kanina. Nagbalik sa akin ang itsura nyang umiiyak habang nakikiusap sa kanyang Daddy. Bumuhos ang luha ko. Inangat ko ang dalawa kong kamay at tinakip saking mga mata. Nalaglag ang tuwalyang nakabalot sa akin sa lapag. Naramdaman kong kumilos si Dillon at ibinalik 'yun saking balikat.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now