Chapter 6

2.5K 90 0
                                    

Chapter 6

"Grant, anung gusto mo?" Sandali kong sinulyapan si Grant at nakitang nilalagyan na ni Clara nang pagkain ang kanyang plato.

"Thanks." Dinig kong sabi nya. Lumunok ako at nagiwas nang tingin dahil ayokong mahalata nyang tinititigan ko sya.

"Faith. Kumain ka nang madami. Gutom ka diba?" Nilingon ko si Dillon at nakitang sya naman ang naglalagay nang pagkain sa pinggan ko.

"Ah, di naman masyado Dillon. Kumain naman ako sa Mcdo kanina."

"Still. Kaunte lang ang kinain mo. Here." Aniya at nagpatuloy nalang sa paglagay nang pagkain sa plato ko. Hinayaan ko nalang sya dahil alam ko namang hindi sya titigil kahit na pigilan ko.

"Tataba ako niyan." Natawa ako.

Ngumisi din sya. "Mas gusto ko nga 'yun. Maganda ka parin naman kahit na maging chubby ka." Aniya.

Tumigil ako at ilang na ngumiti sa kanya nang marinig ko ang kalangsing nang nahulog na kubyertos.

"Ops." Nagangat ako nang tingin kay Grant nang dahil doon. Nakakunot ang noo nya at diretsyo ang tingin sa akin. I know, alam kong sinadya nya 'yun.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinundan ang pagtaas baba nang kanyang kilay. Nang makitang kong tinitipa nya ang kanyang cellphone ay may kung anus a loob ko na nagtutulak na kunin din ang akin.

Grant:

Behave Faith and please, don't bite your lip.

Uminit ang pisnge ko at agad na tumibok nang malakas ang aking puso. Binitawan ko sa pagkakagat ang labi ko at suminghap. Muli ko syang sinulyapan. Kahit na sandali lang 'yun at alam na alam ko padin na nasa akin ngayon ang buong attensyon nya. Why is he doing that?

Maingay ang ilan dahil sa walang sawa nilang pagkukwentuhan at ako ay tahimik lang na kumakain. I know he's watching at dahil doon ay hindi ako makagalaw nang maayos. Hindi ko alam kung bakit kailangang bantayan nya ako nang ganyan o kung bakit kaylangan nya akong titigan nang ganyan.

"So, anung gagawin ngayon?" tanung ni Thunder habang sumasandal sa upuan.

"Pahinga nang unte, tapos maya-maya doon tayo sa study room nang mga bata. Dala natin ung mga coloring books at mga supplies diba? Tapos nun, pahinga na. Bukas nang umaga sasabay tayo sa kanila sa almusal tapos tuturuan ulit natin sila, Games tapos bago tayo umuwi ibibigay natin ung mga laruan at libro na nabili gamit 'yun mga nakalap nating pera." Ani ni Sarah

Tumungo-tungo ang ilang at sumangayon naman. Prior to this event. Gumawa na kami nang schedule nang mga gagawin para hindi kami mahirapan at accomplish namin lahat nang dapat gawin nang hindi nahihirapan. I want everything to be organize. Minsan lang ako nakakapunta dito kaya gusto kong sulitin na.

"Oh, Grant. Gutom kapa?" nadinig ko ang boses ni Dillon. Nagtaka ako kung anu ang ibig nyang sabihin kay Grant sa tanung nya 'yun pero naintindihan ko lang ang lahat nang makitang naglalakad sya patungo sa akin.

"Kung ganyan ka kabagal kumain maiiwanan ka." Aniya. Tinignan ko lang sya. Paanu akong makakakain nang maayos kung palagi kang nanunuod?

"Mabagal talaga ako kumain." Mahinang sabi ko. Suminghap ako at humigpit ang hawak saking kubyertos.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon