Chapter 59

2.9K 80 18
                                    

Last one.

--


Chapter 59

"Bro, matulog ka kaya muna?" tinapik ni Dillon ang balikat ko habang nakaupo ako dito sa isang upuan sa labas ng kwarto nya. It's 7 am in the morning and we are all here sa labas, naghihintay. Nagdadasal.

"I c-can't."

"Kailangan mong magpahinga. Papatayin mo ba ang sarili mo?" Sabi nya sa akin. Hindi ako umimik. Nagigting ang panga ko at umiling-iling lang.

"Faith won't be happy if she saw you like that."

Tumulo ang luha sa mga mata ko. I want to sleep, but I can't. Natatakot ako na baka kapag pinikit ko ang mga mata ko, na baka kapag natulog ako wala na akong maabutan pag gising ko.

"K-kuya, Please take a rest." Umiiyak si Promise at kinuha ang kamay ko.

Maski si Dad ay halos hilain na ako para tumayo dito sa kinauupuan ko.

"Grant Elliot! Pinapatay mo ba ang sarili mo? I said, stand the fuck up!" Umalingawngaw ang boses ni Dad dito sa corridor ng ospital. Tumigil ang mga pinsan ko at nilingon kami. Hindi parin ako gumalaw. Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Walang tigil.

"Grant! Anak! Magiging maayos din si Faith. Please.. Wag mo naman 'to gawin sa sarili mo!" Humagulgol nang iyak si Mommy sa harapan ko.

Hindi ako kumibo. Humagulgol din ako ng iyak sa harapan nila. Malakas ang pagiyak ko at wala akong pakialam kung lingunin man ako ng lahat ng tao dito sa loob ng ospital. I woke up earlier at hindi na sya gumagalaw sa tabi ko. Nung una, ang buong akala ko natutulog lang din sya. Pero nang malaglag ang braso nya galing sa beywang ko ay kinabahan na ako. I tried waking her up pero hindi na sya dumidilat. She's pale as hell. Parang wala na talaga syang buhay. Kumalabog nang todo ang dibdib ko at kaagad ko syang sinugod dito sa ospital. Wala akong dalang kahit na anu. Just the keys of my car. Maski sapin sa paa wala ako.

"Dammit, Grant. Listen to me. Lalaban si Faith, hear me? Hindi ka nya iiwan! Ayusin mo ang sarili mo! Wag mo syang iyakan na para bang patay na sya! Gago!" sigaw ni Fifth sa akin at itinaas ang kwelyo ng damit ko.

Inawang ko ang bibig ko at hinintay ang suntok nya pero wala. I was a mess. Para bang hindi ko na kayang tignan ang sarili ko ngayon sa salamin. Hindi na ata ako 'to.

Nang lumabas ang doctor ay kaagad akong nagangat ng tingin. Parang kinalabit na baril akong sumugod sa kanya. Binalewala ko ang pagtawag sa akin ni Daddy at nang mga pinsan ko.

"How is she?" mabilis kong tanung.

Binalingan ako ng tingin nang doctor. Matagal bago sya nagsalita. His eyebrows frowned in disappointed. Ngumiwi ako at umiling-iling.

"DAMMIT! SPEAK! I AM ASKING YOU!" sigaw ko at kinuwelyuhan sya.

"Grant!" sigaw ni Daddy sa akin at hinila ako palayo doon sa doctor.

Bumuntong-hininga ung Doctor at binalingan ako ng tingin. Parang kumukuha sya ng tamang bwelo para magsalita.

"Doc, anu na po ba ang lagay nya?" kalmadong tanung ni Dad.

"I'm so sorry to tell you but she's in a really bad condition right now. She's in a worst case of her sickness. I can't almost hear her heart beating.." Aniya.

"Fuck!" dinig kong sigaw ni Dillon.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Isang malakas na pagiyak ang narinig ko kay Prom at Kate. Ako, nanatili lang nakanganga at hindi makapaniwala. Lumambot na parang basang papel ang tuhod ko. Nanginig ang mga kamay ko. Umiling-iling ako at lumapit sa doctor.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon