Chapter 52

2.6K 81 10
                                    

Chapter 52

Lumipas ang araw at naging mabuti naman ang kalagayan nya. Regular ang check-up nya at ngayon ay sapat na ang lakas nya para makalakad. Pinagmamasdan ko lang sya at pinapanood palagi. She seems normal. Kapag tinignan mo sya. Parang wala syang sakit. Parang normal lang din sya na babae. Parang katulad ni Promise at Kate.

"Kami naman. Patingin." Inabot ni Promise sa kamay ni Fifth ang copy ng ultrasound ng baby ni Ate Cory. Dinumog 'yun ni Kate at Faith. Nakita ko kung paanu mangislap ang mga mata nya habang nakatingin doon.

"Oh my Gosh! Ang liit-liit pa nya. Di pa natin alam ang gender. Sana naman babae." Ani ni Kate.

"Hindi! Sana lalaki. Kung babae, magiging maarte lang yan tulad ninyo ni Kate." Ani ni Fifth.

"Wow ha? At kung lalaki? Babaero lang at pasaway katulad nyong mga boys? Tse!" ani naman ni Prom.

"Syempre, ituturo na namin sa kanya ang tuwid na daan. Hindi sya tutulad sa amin. Kasing hinhin yan ni Juan Paolo." Kumento naman ni Thunder na binubully na naman ang kapatid nya.

Inirapan lang sya ni Kate at Promise.

Nakita ko ang pagtawa ni Faith. Though, hindi ko alam kung totoo ba 'yun. She's laughting pero mabilis ang pagpapalit ng kanyang ekspresyon. Halimbawa, tatawa sya pero bigla syang tatalikod at kakagat sa kanyang labi o ngunguso. Alam ko, pinipilit nya lang tumawa kahit na hindi naman talaga sya masaya. Ayaw nya lang talagang magalala ang mga tao sa paligid nya.

"Lalaki o babae, walang problema sa akin. Kahit anung ibigay sa amin ni Kuya Russell nyo." Nakangiti si Ate Cory habang hinahawakan ang kanyang tiyan

"Aw. Oo nga, kahit anu pu-pwede. Sa wakas, magkakapamangkin na rin tayo. Mabuti nalang at nagkababy na kayo ni Kuya. Sino kayang susunod na ikakasal at magkakababy dito?" tanung ni Promise.

"Baka si Fifth." Ani ni Thunder.

"Gago!" Aniya.

"Ah. Si Grant. Si Grant na ang susunod." Ani naman ni Ate Cory sabay tingin sa amin ni Faith. Nagangat nang tingin si Faith sa akin. Nang magtagpo ang mata namin ay tumakbong parang tanga ang puso ko. Dammit.

"Oo nga naman! Baka si Grant na rin ang susunod!" Kanchaw pa ni Kate

Umirap ako sa kanila. Si Faith ay nakangiti lang at hindi nagsasalita. Ngumuso ako at binalingan sya nang tingin. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Getting married? Will she freak out kapag tinanung ko sya tungkol sa bagay na yan? Would she consider getting married at twenty? P-papayag ka kaya syang magpakasal sa akin?

"Akalain mo 'yun. Hindi ako makapaniwalang matagal bago kayo nakabuo." Nagbalik ako sa ulirat dahil sa biro ni Thunder.

Nakita ko ang pagpula ng mukha ni Ate Cory kaya nasapak sya ni Williard. Ngumiti lang ako at umiling-iling. Pasalamat sya nasa office ni Daddy si Kuya Russell kung hindi baka hindi lang sapak ang natanggap nya.

"Syempre ninang at ninong kaming lahat kapag lumabas yan. Diba Faith?" Nilingon sya ni Promise. Ngumiti lang sya at tumungo-tungo.

"Pitong buwan nalang naman ang hihintayin natin bago lumabas yan. Mabilis nalang ang seven months!" Ani ni Kate.

"Aabot pa ba ako nun?" Natawa sya.

Tumahimik kaming lahat. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Kinagat nya ang ibabang labi nya at yumuko nalang.

"Sorry." bulong nya.

Tumawa si Promise at nagbago nang topic para mawala ang awkwardness.

Nilingon ako ni Faith at tipid na ningitian. Nakikita kong natutubig ang kanyang mga mata. Baby, ilang beses ko bang sasabihin sayo na sabihin mo sakin lahat ng nararamdaman mo? She's smiling but I know, deep inside her sobrang lungkot nya at gusto nyang umiyak. That's so cruel.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now