Chapter 50

3.1K 80 12
                                    

Last ten.

-

Chapter 50

Pinilit kong itigil ang pagiyak ko nung parating na si Grant. Nakapagpalit na ako nang damit at nilinis ko na din ang sarili ko dahil ngayong gabi ang dating nila Mr and Mrs. Hernandez at sabay daw kaming magdi-dinner. Though, hindi ko alam kung sa paanung paraan ko sila haharapin, ayaw ko namang maging bastos kaya gagawin ko parin. Dumating si Grant maya-maya. Ngiti kaagad ang sinalubong nya sa akin. Halos maiyak ako nang makita ang ngiting 'yun, ngayon, paano ko sasabihin sa kanya na imposible na para sa akin ang gumaling?

"Matagal ba ako?" tanung nya.

Tumungo-tungo ako.

"Sorry." Sabi nya at hinalikan ang pisnge ko.

Pumikit ako at tinanggap ang halik na 'yun. Muling bumigat ang dibdib ko. Naiiyak ako ng maalala ang mga sinabi ni Dillon sa akin kanina, hindi ko alam kung paanu ko 'yun sasabihin sa kanya. Ayaw ko pang mawala.. Ayaw ko pang iwanan sya. Hindi ako papayag. Gusto ko pang lumaban. Ang unfair, kung Kaylan gusto ko nang mabuhay, bakit ngayon pa bumibigay ang puso ko?

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinabit ang dalawa kong braso sa leeg nya bago pa sya makalayo sa akin. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko at nawalan sya nang balance kaya kamuntikan na syang matumba sa akin. Mabuti nalang at nakahanap sya nang balanse.

"Baby, why?" Aniya.

Hindi ako sumagot. Umiling-iling lang ako habang nakayakap sa kanya nang mahigpit.

"Don't worry, wala nang pipigil sa atin. Si Rihanna, nakausap ko na sya. I was hard at first, pero pinilit kong maintindihan nya. Sinabi ko sa kanyang hindi ko talaga kayang mabuhay nang wala ka at hindi ko talaga sya kayang mahalin." Naramdaman ko ang pagangat nya sa akin at paglagay sa kanlungan nya. Ngayon, nakaupo na ako sa hita nya habang nakayakap sa leeg nya. Gusto kong yakapin sya nang mahigpit pero hindi ko kaya. Namamanhid ang buo kong katawan. Sana lang, sana lang.. sapat na ang yakap na 'to para di sya mawala sa akin.

"I told her that you're sick and you need me." bumuntong-hininga sya. "I told her that I love you more that anything else in this world. Mas mahal kita sa kahit na kanino, na mas mahal kita kaysa sa sarili ko.." bulong nya.

Naramdaman kong pinadulas nya ang kamay nya sa buhok ko.

"Lalaban ka, ipapagamot kita. Kahit magkano, kahit gaanu kamahal, basta gumaling ka lang. Kung kailangan mo nang bagong puso, pwes, kahit saang parte nang mundo hahanap ako para sayo, kung kailangan kong gumapang sa hirap para lang gumaling ka gagawin ko, basta, lumaban ka lang. 'yung lang ang kailangan mong gawin, ako ng bahala sa lahat."

Ngumiti ako.

"Mapapagod k-"

"Hindi ako mapapagod. Imposibleng mapagod ako sayo. Hinding-hindi mangyayari 'yun Faith, so please. Don't ever think of letting go of me again, dahil kahit na sabihin mo pa 'yun, hinding-hindi ako papayag."

Tumulo ang luha ko sa sinabi nya. Ngumiti ako pero patuloy ang naging pagiyak ko. Naramdaman ko ang isa nyang kamay na hinagod ang ulo ko pababa saking likod. Tumikhim sya nang masakit.

"Y-you got thinner again." Pumiyok ang kanyang boses.

"A-aren't you fond of girls who's skinny?" tanung ko.

Natawa sya pero alam kong pilit 'yun.

"Skinny or chubby, what-ever Baby, I don't care now.." bulong nya at niyakap ako ng mahigpit. Pumikit ako nang mariin nang dahil doon.

"M-masakit ba kapag niyakap kita nang ganito kahigpit?" paos na tanung nya.

Tumungo-tungo ako.

"M-masakit. Pero mas gusto ko ang sakit na 'to." Sabi ko sa kanya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now