Chapter 60

3.7K 112 12
                                    

This is the last chapter. The next story is Wicked.

--

Chapter 60

"A-are you serious, Dad?"

Tumungo-tungo sya sa akin. "Gusto kong pagisipan mo ito ng mabuti, Grant. Sayo namin ibibigay ang desisyon." Sabi nya sa akin.

Lumunok ako nang maramdaman na naman ang walang tigil kong luha.

"If you say yes, we'll tell Doctor Sebastian to do the operation right away." Sabi nya.

Para akong nalunod na sa ideya na may pagasa pa. Pero sa tuwing iniisip ko kung annu ang magiging kapalit ng lahat ng ito ay hindi ko maiwasang kabahan. Isang beses lang pwedeng gawin ang operasyon at maaaring tumigil ang tibok ng puso nya habang ginagawa ito. Maliit lang ang posibilidad na mabuhay sya. Sobrang liit lang. God, I don't know what to do.

"Kung sakali, ito ang unang beses na magpapaopera sya." Sabi ni Pastor David sa akin ng sinamahan nya akong magbantay dito kay Faith.

Nilingon ko sya.

"Nung bata pa si Faith, hindi pa sya pwedeng operahan. Bukod sa mahina ang puso nya. Mahina din ang katawan nya. Isa pa, ayaw din nya."

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Bumuntong-hininga sya.

"Malapit si Faith sa mga Doctor at Nurses dito. Kadalasan kasi, dito na sya nag ce-celebrate ng birthday nya."

"It must be really hard." Bulong ko.

Tumungo-tungo sya sa akin. Namumura ang mga mata nya at nagpipigil ng luha.

"I-ilang beses nya akong iniiyakan noon dahil palaging masakit ang dibdib nya. The Doctors even told her na hanggang 18 years old nalang sya. But despite of that, tinanggap nyang lahat 'yun. I know, nung mga panahong 'yun, gusto na din nyang bumitaw. Kumakapit lang sya dahil sakin. Ayaw nya akong iwanan."

Sumakit ang puso ko ng marinig ang ipit ng iyak ni Pastor David.

"H-handa na syang sumuko pero nakilala ka nya. Minahal ka nya kaya sya lumalaban. Kung hindi dahil sayo, b-baka wala na sya ngayon." Umiiyak na sabi nya.

Bumigat ang pakiramdam ko ng dahil doon. Pinagmasdan ko lang ang umiiyak na si Pastor David.

"She sacrifice a lot. She deserves to be happy." Aniya

Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na ang nararamdaman ko at ang gulo-gulo na rin ng isip ko. Gusto ko nalang sisihin ang sarili ko. Sana pala hindi ako nagsayang ng oras. Sana pala pinahalagahan ko ang bawat oras. Sana..

"Faith won't be happy if she saw you crying like that." Sabi ko at hinagod ang likuran nya para patahanin.

Naawa ako sa pagtungo ni Pastor David at pagpahid ng luha sa mga mata nya. Pigil ang iyak ko. He's getting old. Matanda na sya at kailangan din nya si Faith. Every one of us needs her. Kailangan nya pang mabuhay.

Pinauwi na muna nila Williard si Pastor David para makapagpahinga. Naiwan ako sa loob ng kwarto ni Faith. Lumakas ang tibok ng puso ko ng tignan ko sya. Lumunok ako at umupo sa upuan matapos hawakan ang kamay nya. Anu kayang nararamdaman nya ngayon? Until now, she's still sleeping. Anu kayang nasa panaginip nya? Is it a good place? Or is it a complete darkness? I don't know. She's afraid of a dark. Sana maganda ang panaginip nya.

Lumunok ako at maingay na hinalikan ang kamay nya. Tinitigan ko 'yung mabuti. Halos mamaga na ito sa mga tusok ng karayom. Oh God, this is too much! Sobra-sobra na ang paghihirap nya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon