Chapter 2

3.5K 108 4
                                    

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang araw sa buhay ko at hindi ko inaasahan na makakatungtong pa ako nang college. Bachelor of Science in Elementary Education ang kinuha ko at talagang gusto ko ang kurso na 'yun dahil sa hilig ko sa mga bata at sa pagtuturo. Hindi ko ginustong sa CCCU magaral. Nasa likod nang lahat nang ito si Mr. Hernandez na tinutulungan ako. Gusto kong tanggihan ang kanyang offer sa akin pero hindi ko magawa. Ayokong isipin nyang sinasamantala ko ang kabaitan o ang pera nya pero gustong-gusto kong makapagaral.

Aniya'y, dahil ayaw ko naman daw tanggapin ang alok nyang tulong para sa medication ko, atleast, gusto nya daw na kahit papaanu ay tulungan ako sa pagaaral. Tinanggap ko 'yun sa kondisyong kung makakatapos ako ay babayaran ko sya pabalik. Ituturing ko ang lahat nang ito na isang utang na dapat kong bayaran sa kanya. Babayaran... kung mabubuhay pa ako noon.

Madami akong pangarap sa buhay at isa na doon ang magkapamilya at magkaroon pa nang mga apo. I want to know the feeling of having kids, gustong-gusto kong mabuhay nang kompleto ako, 'yun bang sa mga napapanuood o nababasa ko sa libro.

"Faith, there are it again." Binulungan ako ni Bash at ininguso ang mga Hernandez na naglalakad sa corridor nang school. Binalingan ko sila nang tingin. I know their names, Grant Elliot, Dillon Isaac, Thunder, Williard at Fifth Martin.

Sa pagkakaalam ko ay sa CCCC sila nagaaral noon ay hindi ko alam kung bakit sila lilipat dito saming eskwelahan. Nung orientation ay nakita ko din sila. Sina Dillon at Grant ay sumali sa aming org. Dahil doon, naraming kababaihan galing sa aming department ang sumali, maging ung mga nasa kabilang building ay sumali din. Talagang hinahabol sila nang mga babae at hindi ko 'yun maintindihan. Hindi ko alam kung anung meron sa kanila ay nahuhumaling sa kanila ang mga babae dito sa CCCU dahil bukod sa maganda nilang mukha ay wala na akong makitang anupang espesyal sa kanila.

"Hayaan mo na."

"Hindi ba't sumali yan sa org? Pati ba 'yung Thunder?" tanung ni Bash sa akin.

Umiling-iling ako.

"Hindi."

"Naku, tama lang no! Wala naman yang gagawing matino doon! Mambabae lang. Sino-sino ba sa kanila ang sumali?"

"Si Dillon.. and Grant."

Nanlaki ang mata nyang nakatingin sa akin.

"Grant?"

"Oo."

Napatakip sya nang bibig. "Oh my! Sya 'yung crush ko sa kanilang lahat! Sya ang pinakagwapo diba? Eh, sya din ata ang pinakamatinik sa babae!" kumento nya.

Nagkibit-balikat lang ako at hindi na nagsalita. I know. I've been watching him since before at alam kong lahat sila ay babaero. Hindi na ata 'yun maaalis pa sa mga Hernandez, he has looks, fame, money.. hindi ko malaman kung maswerte ba syang pinanganak sa mundo 'to o talagang biniyayaan lang sya nang Diyos. He looks healty too. Kung ako sa kanya, kung malakas lang ang katawan ko katulad nang kanya. Hindi ko sasayangin 'yun sa mga walang kwentang bagay.

Ibinigay ko ang numero ko kay Dillon nang hingin nya ito sa akin. Nakita ko ang kakaibang tingin ni Grant sa akin nung araw na 'yun at nagtataka ako kung bakit.  Hindi ko alam kung bakit iwas ako sa kanya. Kapag nariyan ya ay hindi ko alam ang dapat kong gawin o ang dapat kong sabihin. Madali para sa akin ang harapin si Dillon pero si Grant ay hindi. Hindi ko alam ang pakiramdam kapag nakatingin sya sa akin. Sumasakit ang dibdib ko kapag nariyan sya sa hindi ko malamang kadahilanan. I gave my number to Dillon pero alam na alam ko kung sino ang taong nagttext sa akin ngayon. It's not Dillon, it's him. Hindi ko alam kong paanu yun nangyari, o kung paanung naramdaman nang puso ko na sya ito at hindi ko alam kung bakit pinapatulan ko padin kahit na alam kong niloloko nya ako.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now