Chapter 42

2.3K 74 8
                                    

Chapter 42

Narealized ko na lahat pala kami ay natigilan sa sinabi ni Grant. Pero mas nayanig ata ang mundo ko kaysa sa kanila dahil literal ang nararamdaman kong sakit hindi lang sa puso ko kundi sa buo kong katawan.

"You're really an asshole." Matigas na sabi ni Dillon.

Hindi ko na narinig pa ang pagimik ni Grant. Hindi ko rin sya magawang tignan ngayon. Sobrang nasasaktan ako at hindi makapaniwala na talagang tinapos na nya ang lahat sa aming dalawa.

"I'll take your word from now on, Grant. You said it yourself, you don't care anymore. You know that I've always been waiting for her. It's my turn now. I hope you don't regret this." Sabi ni Dillon at kinuha ang kamay ko.

Nagulat ako nang dahil doon kaya nagangat ako nang tingin sa kanya. Nakita kong nagiigting ang bagang nya habang nakatingin kay Grant.

"Fine! Fine! Do what you want!" singhap ni Grant at nilagabog 'yung table. Napatakip si Rihanna sa kanyang bibig nang dahil sa gulat. Binalingan ko nang tingin si Grant. Napatingin din sya sa akin at nakita ko ang nababagabag nyang mga mata. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inisip na baka nga ito na ang huli. Masisisi ko ba sya? Hindi. At alam kong hindi din ako pwedeng magreklamo.

"Kuya! Anu ba!" Ani ni Prom.

"Totoo naman, ah! This is all you want right? Una palang naman ito na ang gusto mo, kaya mo nga kami sinumbong hindi ba? You freaking want her because you're an asshole! Now, tell me, masisisi nyo ba ako? You all lied to me! Ako ang nagmukhang tanga dito!" tumaas ang kanyang boses.

"Hindi ka namin pinagmukhang tanga, we hide the truth because-"

"Because of what? Sige! Sabihin nyo sa akin kung bakit! Sabihin nyo sa akin kung paanung nagawa nyong ilihim sa akin ang lahat. Pinagkaisahan nyo ako at hindi ko matanggap 'yun! Changing names for money-"

"Fuck it! This is not all about money!" Tumayo si Dillon at dinuro si Grant.

"Then, what? You keep on telling me that she's sick but look at her! She's damn strong-"

"Fuck you!" mura ni Dillon sa kanya.

Hinawakan ko ang braso ni Dillon para pigilan sya. Ayoko nang gulo.

"T-tama na." Ani ko.

Nadinig ko ang sarkastikong ngisi ni Grant. Tumingin ako sa kanya nang dahil doon. Namumula ang mga mata nya at kanina ko pa nakikita ang pagyukom nya nang kanyang palad.

"Now, I'm starting to think that your love is a lie too." Mahinang sabi nya pero dinig ko padin.

"Wag mong kwestyunin ang.." tumigil ako at nagkagat-labi.

"What, Faith? Did you enjoyed seeing me going out of my mind? Did you enjoyed seeing me getting hurt? Huh? Well, that's great, I've given you a good show. I hope you're happy." Sabi nya.

Para akong sinaksak sa puso nang dahil doon. Hindi ko matanggap ang lahat nang sinasabi nya at lahat nang paratang nya sa akin. Hindi ko matanggap na ganito ang tingin nya sa akin.

"Ok then." Tumungo-tungo ako sa kanya. Nakita ko ang paglunok nya at pagsinghap. "I'll remember what you said, Grant. You are free now. Be happy." Sabi ko. Nakita ko ang paglaki nang mata nya nang dahil doon. Inawang nya ang kanyang bibig at tila may gusto pang sabihin pero nagiwas na ako nang tingin sa kanya.

Nagulat ako sa sarili dahil nasabi ko 'yun nang hindi pumipiyok. Hindi na ako magpapaliwanag dahil pagod na ako. Sarado ang isip nya sa mga eksplenasyon ko at para bang wala na akong ibang choice ngayon kundi ang tanggapin na mawawala na talaga sya sa akin.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon