Chapter 24

2.5K 78 6
                                    

Chapter 24

Umayos ako nang pagkakatayo at sinundan si Grant na kunot-noong pumunta nang salas. Ngumuso ako nang uminit ang aking mukha. Nakikita ko parin kasi hanggang ngayon ang mapula nyang labi. Nang hawakan ko ang akin ay naramdaman kong mainit ito. Hindi ko lang alam kung mapula din.

Lumaki ang ngisi ni Thunder nang makita kami.

"Oh! There you are! Saan ba kayo galing? Kanina pa kaya kami nagtatawag-Ouch!" napatigil sya nang batukan sya ni Grant. Nanlaki ang mata ko at ang sunod ko nang narinig ay ang hindi magkandamayaw na murahan nila.

"Faith!" Napatingin ako kay Prom nang hilain nya ako ay yakapin. Ngumiti ako at niyakap sya pabalik. Sunod na lumapit si Kate na maiksi na naman ang buhok.

"What happen to your hair?" tanung ko.

"Well.. I kinda like it this way, so.."

"Sus. Broken kasi kaya nagpagupit." Natawa si Prom.

Ngumiti lang din ako. Naalala ko kasi ang kinuwento ni Prom sa akin na grabe ang pagsisisi ni Kate nang gupitan nya ang buhok nya noon. Kaya nagulat ako nang maiksi na ito ngayon. Narinig kong nagkulong at umiyak pa ito nang ilang araw sa loob nang kanyang kwarto. That's why Thunder is so pissed.

"Faith, Kumusta na?" Nakangisi si Thunder nang salubungin ako nang yakap.

"Ok lang." Sagot ko at niyakap din sya pabalik.

"Hell. Fuck off." Napabitaw kami sa isa't-isa nang madinig ang boses ni Grant. Kunot-noo syang binalingan ni Thunder.

"Possessive jerk. Hindi pwede kahit yakap lang?" Aniya.

Umirap lang si Grant at tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko na alam kung anung pinuputok nang butchi nya ngayon.

"Oh. What happen to your lips? Parehas kayo ni Grant! Pulang-pula, ah!" biglang tanung ni Thunder.

"Huh?"

Nakita ko ang Malaki nyang pagngisi.

"Hmm.. Anu ba talagang nangyari kanina nung wala kami, huh?"Nanlaki ang mata ko nang dahil doon.

Nang balingan nila ako nang tingin ay para bang gusto ko nalang lumubog sa lupa. Hiyang-hiya ako.

"Tsss. Stop it, Thunder." Sinapak na naman sya ni Grant.

"Ay Put- Nakakailan ka na, ah!" sigaw nya.

Nagiwas nalang ako nang tingin. Binalingan ko si Dillon na nakatingin lang sa akin. Ningitian nya ako at ningitian ko lang din sya.

"Why are you all here?" tanung ni Grant sa kanila.

Humilata si Fifth sa sofa at tumabi naman sa kanya si Williard na bagong gupit din. He looks more handsome now. Pansin na pansin ko rin ang bagong itim na hikaw sa magkabilang tenga nya. Mukhang napansin nya ang titig ko kaya nang bumaling sya nang tingin sa akin ay nagulat ako. Nakita kong umiling sya at itinaas ang gilid nang kanyang labi. Kinilabutan ako dahil sa ngisi nyang 'yun. Wha- what was that?

Binalik ko ang tingin ko kay Grant na nagsasalita.

"Lahat kayo ay umalis doon? Anung sinabi nyo?"

"Chill. Bakasyon pa naman kaya pinayagan kami. Hindi alam nila Tita na dito kami sa Maynila nagpunta, ang sinabi naming we're off to Vigan." Paliwanag ni Fifth.

"We just wanted to make sure that Faith is ok, Kuya." Singit ni Prom.

Nakita ko ang mabilis na paglipat nang mga mata ni Grant sa akin.

"Of course she is okay.." ngiti nya.

"Knowing your possessiveness bro. Baka kasi mamaya kainin mo 'tong si Faith- Hell!!!!" sigaw ni Dillon at sapakin din sya ni Grant.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now