Chapter 26

2.1K 81 1
                                    

Chapter 26

Lalapit ako sa kanya nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Prom at Kate na nakalublob sa swimming pool. Nagalangan ako lalo nang makita ko ang agaran pagsimangot ni Grant.

"Halika na dito, Faith. Palagi ka nalang nakadikit kay Grant!" sigaw ni Prom.

"Talagang palagi syang didikit sa akin. She's my girl!" sigaw ni Grant pabalik.

"Ang possessive naman!" Ani ni Fifth.

Nadinig ko ang malakas na tawa ni Fifth kaya pinamulahan ako nang mukha. Hindi talaga ako sanay nang ganito. Masaya ako dahil tanggap na nila kami, pero hindi na ata talaga ako masasanay sa mga ganitong bagay. Nahihiya parin kasi ako sa kanila. Isa pa, hindi ko alam kung anung ikikilos ko sa tuwing nariyan sila at naadikit ako kay Grant. He's so clingy. Ngayong legal na kami sa kanila, hindi na sya nagpipigil at palagi nan yang pinapakita ang kanyang possessiveness. Sumimangot ako at piniling lumapit nalang kila Prom. Nadinig ko ang tikhim nya sa malayo.

"Well, thanks guys." Sarcastic nyang sabi.

Nilingon ko sya. Napangiti ako dahil para syang batang nagtatantrums.

"Kakashower ko lang. Di na ako magbabasa and it's cold." Sabi ko at umupo sa gilid nang pool. Ung paa ko lang ang nilublob ko sa tubig.

"Parang pumayat ka lalo." Sabi ni Kate nang lapitan ako at pagmasdang mabuti.

Tinignan ko lang din sya at sobrang ganda sa kanyang bright red na swim suit. Nagaalala sya sa kanyang buhok pero sa tingin ko ay bagay na bagay naman ito sa kanya. Maliit ang mukha nya kaya bagay sa kanya ang lahat nang klaseng gupit.

"Tingin mo?" tanung ko at pinagmasdan ang aking braso.

"Uhm. Yeah. Alam mo, feeling ko, magpataba kalang nang kunte magpapaalipin na talaga si Grant sayo." Dugtong nya.

Uminit ang pisnge ko nang dahil doon. Sa tingin ko nga ay masyado akong payat. Isa Kate ay may magandang katawan katulad ni Prom. Malaman sila pero hindi mataba, sila ung seksi pero hindi payat. Ang gaganda kasi nang hubog nang katawan nila, probably because of gym? Nung doon pa ako sa kanila nakatira ay palagi ko rin silang nakikitang tumatakbo sa loob nang subdivision tuwing umaga. They're conscious about their looks, always. Ang alam ko nga, ung mga ganun ang tipo ni Grant sa babae kaya hindi ko alam kung bakit sya hulog na hulog sa akin eh kabaliktaran ako nang lahat nang 'yun.

"Oo nga. Maganda ang height mo. Medyo may dibdib ka naman tsaka pwet. I work out mo lang yan kailangan mo lang magkalaman nang kaunte.." Ani naman ni Prom. "Have you tried gym?" tanung nya.

Umiling-iling ako.

"Or can you come with us every morning.. jogging." Ani naman ni Kate.

"Kahit na gusto ko hindi naman pwede." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti nalang ako. Nagiba ang ekspresyon nang mukha ni Prom at Kate. Parehas silang tumingin sa akin na para bang nahahabag. Ayaw ko nang ganun. Ayaw kong kaawaan nila ako. Mukhang masaya nga ang pumunta sa gym, mukhang masaya ngang sumamang tumakbo kasama sila, mukhang masaya ngang pagpawisan nang todo. Pero, kahit na kaylan hindi ko naman pwedeng gawin 'yun.

"Pero you did sports diba? I heard, tumatakbo ka sa CCCC?" tanung ni Prom

Tumungo-tungo ako.

"Oo. Pero hindi ako sumasali sa mga competition kahit na gusto nang coach ko na isali ako. Kapag kasi hinihingan na ako nang medical record wala akong magandang maipakita. Malalaman lang nila ang sakit ko." Sabi ko. "Music is the only thing left in me, kapag wala 'yun di ko na talaga alam gagawin ko. And... Grant." Dugtong ko sa kanila.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now