Chapter 1

4.2K 119 2
                                    

Chapter 1

"Galing dito si Mr. Hernandez kanina, Anak. Wala ka parin bang balak na kausapin sya?" binalingan ko nang tingin si Papa habang kumakain kami. Ngumuso ako at umiling-iling.

"Wala naman po kaming dapat pagusapan, Pa."

"Tungkol doon sa inaalok nya sayo, Hanggang ngayon ba-"

"Pa, kahit na magpaampon pa po ako sa kanya para masuportahan nya ang medication ko, ganun parin po naman ang kalalabasan, mamamatay padin po ak-"

"Faith, Ayokong nagsasalita ka nang ganyan." Suway nya sa akin.

Lumunok ako at nagkagat-labi.

"Sorry po."

"Galit kaba sa kanya?" tanung ni Papa sa akin. Binalingan ko sya nang tingin nang dahil doon.

"Hindi ko po...alam.."

"Anak-"

"Pa, Alam ko pong itinuro nyo sa akin na huwag magtanim nang galit sa kapwa. Sinasapuso ko po 'yun. Pero, kasalanan po ba kung magalit ako? Dahil sya ang dahilan nang pagkamatay nang magulang ko?"

"Aksidente ang lahat."

"Alam ko po. Pero, hindi ko pa po sya kayang kausapin, Pa. Sorry po." Sabi ko at nagpatuloy saking pagkain.

Simula nung araw na sinabi sa akin ni Mr. Hernandez ang lahat at hindi ko na sya magawang harapin pa. Natatakot ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Natatakot ako dahil sa nalaman kong totoo. Hindi ko sya magawang harapin dahil hindi ko mapigilan ang galit sa puso ko. Alam kong mali, pilit kong pinipigilan ang sarili ko pero wala akong magawa. Kaya mas pinipili kong wag nalang syang makita.

Iniisip ko na kung sana ay hindi nangyari ang mga 'yun at kung sana ay hindi namatay ang mga magulang ko ay kasama ko pa sila ngayon, mas masaya siguro kung nakalakihan kong kasama rin sila bukod kay Papa. Pero hindi, namatay sila at ngayon, ni, hindi ko na maalala ang mukha nila. Ni, hindi ko nga alam kung may masasaya ba kaming ala-alang tatlo. Wala akong matandaan. Masakit 'yun sa akin. I am their child, but, I can't remember a single thing about them.

Sa tuwing sumasakit ang dibdib ko ay palagi kong iniisip na baka matuluyan na ako o na baka oras ko na. Paminsan-minsan, hindi ko na nakakayanan ang sakit at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiyak. Iniisip ko palagi kong sa paanung paraan ako mamamatay. Gusto kong mamatay nang hindi nakakaramdam nang sakit. 'yun bang hindi nalang ako magigising galing sa pagkakatulog. 'yung ganun lang. Pero hindi padin, patuloy akong pinapahirapan nang sakit kong 'to at pakiramdam ko, nasasanay na ako sa sakit.

Sa ospital ako nag eighteen dahil inatake ako nang di inaasahan. Akala ko 'yun na 'yun. Takot na takot si Papa dahil noong seven palang ako. Ang tansya nang doctor sa akin ay hanggang eighteen lang ako. Ngayon, nagbibirthday ako sa ospital at buhay padin ako.

"You lose weight again." Kumento ni Papa sa akin habang pinagmamasdan ako.

"I am always skinny Papa."

"Mas payat ka ngayon." Aniya.

Binalingan ko sya nang tingin at naawa ako sa nagaalala nyang mga mata.

"Pa." Ngumiti ako. "I'm glad I'm still alive. Remember when I was seven? The doctor told me na hanggang eighteen nalang ako. But, I am here. I am still alive."

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now