Chapter 16

1.9K 71 3
                                    

Chapter 16

Isang malakas na sampal ang sinalubong sa akin ni Prom saktong pagtungtong ko sa kanilang bahay. Namuo ang luha sa mga mata ko habang nakatabingi ang aking pisnge at nakahawak ako saking pisnge. Masakit at malakas ang kanyang sampal at halos ikabingin ko 'yun.

"Nakakadiri ka! Hayop!" sigaw nya. Gigil na gigil sya sa akin at nang akmang susugurin nya muli ako ay naramdaman ko na ang pagharang ni Dillon sa harapan ko. Hinila nya ako at kaagad na tinago sa kanyang likuran.

"Promise Ann stop it!" sigaw nya. Tumigil si Prom at binalingan sya nang tingin

"What? Kakampihan mo yan? Salot yan! Gross! Nakakadiri-"

"I SAID SHUT THE FUCK UP!" sigaw ni Dillon.

Tumahimik si Prom at samantalang ako naman ay natigilan nang dahil sa pagsigaw ni Dillon. Gulat na gulat ako nang dahil doon, ngayon ko lang ata sya narinig na sumigaw nang ganito.

"Dillon. T-tama na." Nanginig ang aking boses.

Umiling-iling si Dillon at hindi ako pinakinggan.

"Wala kang karapatang saktan si Faith. Wala syang ginagawang kasalanan sayo-"

"What? Wala? Are you blind or something? Hindi mo ba nakita ung mga nangyari? Oh my God! Ok lang ba sayo 'yun? Hindi kaba nandidiri? Pinatulan nya si Kuya kahit alam nyang kapatid nya ito!" Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Wala kang alam, Prom." Ani ni Thunder sa likuran namin.

Bumaling ang tingin doon ni Prom kay Thunder. Winaksi nya ang mga hibla nang buhok sa kanyang mukha. Nakita ko ang luha saking mga mata.

"Bakit? May iba pa ba? May dapat paba akong malaman? Huh? Meron pa ba?" tanung nya.

Nilingon ko si Thunder at umiling-iling sa kanya. Hindi na kailangang malaman ni Prom ang mga ito dahil tapos na. Wala na si Grant. Umalis na sya at alam kong matindi ang galit nya sa akin ngayon. Mas lalo lang mapupuot si Prom sa akin kung magpapatuloy pa ang paguusap na ito. Ayaw ko nang ganun. Ayaw ko na nang gulo.

"I can't believe you. I really can't believe you! Nakikita mo ba ang nangyayari ha? You ruined everything! Sinira mo lahat! Lahat-lahat! Alam mo, ang laki nang tiwala at paghanga ko sayo eh! I thought you are the most perfect girl I've known in my life, pero hindi pala! Shit! Hindi pala! You fool us!"

"H-hindi sa ganun Prom-"

"What the hell? Hindi! Sige nga! Ipaliwanag mo sakin ang lahat! Damn! Ipaliwanag mo lahat nang nangyari nang maitindihan ko! Ipaliwanag mo kung anung pumasok dyan sa utak mo at pinatulan mo ang sarili mong kapatid, huh?" sigaw nya.

Lumunok ako at umiling-iling. I can't. I...I can't.

Natawa sya. "See? Kita nyo na? Wala syang masabi. Wala syang masabi dahil totoo! Nilandi nya si Kuya! Nilandi nya kay-"

"FUCKING STOP IT, PROMISE!" sigaw ni Thunder. Tumigil sya at tumingin sa akin.

"Damn you!" Aniya at shaka ako tinalikuran.

Nanghina ako at napaupo sa lapag nang dahil doon. Umiyak ako nang umiyak dahil sa gulo nang pangyayari. Ngayon, hindi ko na alam kung mababalik pa sa normal ang lahat.

Wala ang ilan ngayon dahil nasa kanya-kanya na nilang bahay. Umuwi nadin si Thunder dahil pagod na din sya. Binalingan ko si Dillon nang tingin nang nasa tapat na ako nang aking kwarto.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now