Chapter 7

2.6K 94 2
                                    

Chapter 7

Minsan, gusto ko nalang mapagisa dahil sa sama nang nararamdaman ko. Hindi ko gustong parehas kami nang nararamdaman sa isa't-isa. Hindi ko gustong naguguluhan ako ngayon at hindi matahimik ang aking puso. Minsan, gusto kong nasa tabi nya at minsan ay parang ayaw ko din. Gulong-gulo ako. It is dangerous to be near him lalo na ngayong ganito ang pakiramdam ko, lalo na ngayong may dinaramdam ako. Lalo na ngayong alam kong magiging mali ito.

Mali ito. Maling-mali. Dahil habang tumatagal, nararamdaman kong mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo akong nagguguluhan.. at mas lalo akong nagseselos.

"Aw!" Napatayo kami nang marinig ang tili ni Clara kung saan. Sunod kong nakita si Sarah na tumatakbo palapit kay Grant.

"Pinulukat sya. Grant, tulog naman!" Aniya.

"Grant!" sumigaw pa si Bash.

"What the hell happen?" Nadinig ko ang boses ni Dillon sa tabi ko pero hindi ko na sya pinansin pa. Sinundan ko nang tingin si Grant na patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Clara. Lumunok ako nang makita ang pagbuhat nya dito. Dumadaing si Clara sa sakit at nakikita ko 'yun sa kanyang mukha. Kumapit sya sa leeg ni Grant at sumasakit ang aking puso.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi pwedeng mainis ako nang ganito. Hindi ito tama. Pinupulikat si Clara at tumutulong lang si Grant. Pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang isipin na sana pinulikat nalang din ako. Na sana lumangoy din ako sa dagat kahit na alam kong hindi ako marunong then, Grant will be there. I want him to hold me in his arms too.

Ayokong maging selfish. Ayoko, pero hindi ko mapigilang isipin. Hindi ko mapigilang maramdaman ang ganito. Mali bang hilingin ko n asana pwede kaming dalawa? I want my sickness to go away para pwede ko syang mahalin nang hindi natatakot. Para pwede ko syang makasama nang hindi ako nangangamba at nagtatanung kung hanggang Kaylan.

Binitawan ni Grant si Clara pero si Clara ay hindi bumitaw sa pagkakakapit sa kanyang leeg.

"Aray, ang sakit!" Daing nito.

"Let go so I can see." Bulong ni Grant. "Here?" tanung nya.

Kumunot ang noo ko. I hate this! I hate.. this!

"Oo. Dyan. A-aray!" she moaned. Nakita ko ang pagpikit ni Grant.

Nagpatuloy ang sakit na nararamdaman ko at nang magangat sya nang tingin sa para tignan si Thunder ay natagpo ang tingin naming dalawa. Nakita kong napaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ako. Gusto kong umiwas nang tingin at gusto kong lumayo pero hindi ko magawa. Hindi ko mabitawan ang titig nya.

Nang lumalim ang titig nya sa akin ay hindi ko malaman kung nababasa nya ba ang kaibuturan nang aking puso. Kung nararamdaman nya ba ang nararamdaman ko. Kung alam nya ba ang nasa isip ko. I wish I can tell him everything. I wish I can tell him everything.. everything.. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang lahat nang kinatatakutan ko. Ang lahat nang pangamba ko. Pero hindi pwede.

Nang mas lulalim na ang gabi ay may bon fire na sa aming harapan. Nakaupo lang ako sa buhanginan at hinayaan ang malamig na hangin dumadampi sa balat ko. I am cold but, I don't mind. Pinagmamasdan ko lang sina Ken, Jaylord at Dillon na nagiihaw nang kung anu-anu.

"The Fuck, Dill! It's burnt!"

"Edi wag mong kainin! Tss!" sigaw ni Dill sa kanya kay Thunder nang magreklamo ito sa kanyang niluluto. Ngumiti ako pero agad na napawi 'yun nang makita ko kung sino ang umupo saking tabi.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora