Chapter 33

2K 63 8
                                    

Chapter 33

Nakatulog ako sa kanlungan ni Grant nang gabing 'yun. Nang magising ako nang umaga ay nadinig ko na ang ilang beses na pagbubunganga ni Prom dahil ngayong tanghali ang alis nila pero tulog parin si Fifth. Ilang bses na nila yun ginigising pero hindi naman bumabangon. Ayaw naman nila itong iwan. Madaling araw na pala kasi sila natapos sa pagiinuman dahil dumating pa si Thunder nang bandang alas onse nang gabi, mukhang nawala sa isip nila na alis nila ngayon at napasarap ang inuman nila. Talagang tinodo ni Thunder ang pagcecelebrate. Mukhang sila na kasi ulit ni Bash.

"Oh, anu na ngayon? Edi hindi na tayo makakauwi nyan?" Sigaw ni Prom.

Binalingan ko si Williard na nagkakamot nang ulo.

"Mag travel by land nalang kaya tayo?" suhestyon nya.

Kaagad na tumaas ang kilay ni Prom.

"Excuse me? Wala kaya tayong dalang sasakyan! Are you telling me to ride a public vehicle?" banas na banas na tanung nya.

Umiling-iling nalang si Williard. Ayaw na talaga nilang sumabat kapag nagbunganga na si Prom.

"Malalate na tayo, Prom. Hayaan mo na. Hindi naman tayo kasya sa sasakyan ni Grant, eh." Nagkibit-balikat si Kate.

"Hindi talaga pwede, shaka kailangan din ni Kuya nang sasakyan dito." Aniya.

"Kaya nga, ok din naman sumakay nalang nang bus, atleast makakahabol pa tayo. Sayang naman ung mga tix natin." Aniya.

Umirap si Prom at binagsak ang lahat nang gamit nya sa lapag.

"Hay naku naman talaga! Anu pa nga bang magagawa natin? Eh, tulog pa 'yung kulugo sa itaas!" Inis na inis na sabi nya at sumalampak sa sofa.

"Si Thunder?" tanung ni Grant habang nagsasalin nang fresh milk sa baso.

"Kaninang 5 pa umalis dito papunta kila Bash. Sabay sila eh." Ani ni Kate.

"Kita mo? Bakit sya nagising nang maaga? Bakit 'yung iba hindi? Nakakaurat naman! Pasukan na kaya sa susunod na araw, isa pa. Ngayon ang uwi nila Mommy! Magtataka 'yun at wala pa tayo!" sigaw nya.

"Calm down, Prom." Natatawang sabi ni Grant.

"What the, Kuya! How can I calm down? Anung sasabihin ko kila mommy at wala pa kami doon?" Aniya.

"Sabihin mong nadelay ang flight nyo."

"Madali kasi para sayo yan! Ako ang may pakulo nito kaya ako ang mapapagalitan." Sigaw nya.

Umiling-iling ako at hindi na nagsalita dahil mainit na ang ulo ni Promise. Tumayo ako at pumunta sa dining table kung saan nakaupo na si Grant. Nagangat sya nang tingin nang makita akong palapit sa kanya. Hindi ko alam kung paanung nakatulog ako kagabi, ang huli kong naaalala we're just kissing and then, ayun..

"You left me hanging last night, so cruel Baby." Mahinang sabi nya. Nagangat ako nang tingin sa kanya nang dahil doon. Uminit ang pisnge ko nang pasadahan nang tingin ang kanyang dibdib. Wala kasi syang suot na t-shirt ngayon. Ngumiti sya habang nakaipit sa pagitan nang kanyang labi ang toasted na tinapay. Nagiwas kaagad ako nang tingin.

"S-stop flirting, Grant. Mainit ang ulo ni Prom."

"She's always been like that. Kawawa ang magiging boyfriend nyan." Natawa sya.

"Bakit? May boyfriend ba sya?"

"I bet wala. She's afraid cause' she knows I'm going to break that assholes neck if meron." banta at uminom nung milk na nasa basa nya.

"We can't help it. Prom is pretty and kind. Marami magkakagusto sa kanya." Sabi ko.

Tumingin lang sya sa akin at hindi na sumagot. Somehow, naaalala ko sa kanya si Prom. Parehas na parehas kasi sila nang ilong at labi. Mas mapungay lang ang mga mata ni Grant dahil sa makapal nyang pilik-mata at magandang kilay, samantalang si Prom nalang ay nakakaingganyo ang seductive nyang mata at malinis na nakapormang kilay.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now