Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala para pigilan ang luha ko pero hindi 'yun nakatulong. Tuluyang bumagsak ito galing sa mga mata ko.

"B-baby. Hirap ka na ba?" tanung ko sa kanya. Dinilaan ko ang labi ko at pumikit ng mariin. "G-gusto mo na ba talagang magpahinga?" Pinunasan ko ang pisnge kong puno ng luha at muling hinalikan ang kamay nya. "Matagal ka ng lumalaban and you did w-well." Nanginginig na sabi ko.

Pinagmasdan ko ang mga luha kong nagsisibagsakan sa kamay nyang hawak-hawak ko. Dahan-dahan kong inangat ang kamay nya at maingat 'yung hinalikan.

"Baby, please don't give up yet, we still have a chance. You said you'll stay with me. H-hindi kita susukuan." Sabi ko at tumungo sa kama nya.

Nung gabing 'yun ay iniyak ko ng lahat pero para bang hindi parin nauubos ang mga luha ko. Sobrang sakit at sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Para akong sasabog sa sakit. Para akong mamamatay na sa sakit. Pakiramdam ko, wala ng mas sasakit pa dito. Wala na.

"Happy 23rd Birthday Eden Kate Xavier!" Umalingawngaw ang boses ni Promise ng pumasok ako sa loob ng kwarto ni Faith. Nagdecide na din kasi sila na dito nalang i-celebrate 'yung birthday ni Kate. They don't want to go anywhere without Faith.. so..

"Thank you! Thank you!" Malakas ang tawa ni Kate. Binati sya ng mga pinsan namin. Tinapik ni Kuya ang balikat ko habang karga-karga ang anak nyang si Zeus.

"Kuya, you look gay." Bulong ko.

Tumaas ang kilay nya sa akin. Mukhang gusto nya akong sapakin pero umalis na kaagad ako sa tabi nya. Dumiretsyo ako kay Faith at hinalikan sya sa pisnge.

"Bawal tayo maginom ngayon eh! So, kumain nalang tayong lahat!" Sabi ni Thunder at nilabas 'yung mga binali nilang pizza sa Yellow Cab.

"Kulang 'to! San 'yung mga pastas?" tanung ni Prom.

"Inaakyat pa ni Fifth. 'Yung sa Sbarro 'yung binili namin. Favorite ni Ate Faith." Sabi ni Juan Paolo.

Tumigil ako at tumingin sa paligid. Totoong puro paborito nga ni Faith ang binili nila.

Maya-maya pa ay bumukas na rin ang pintuan. Pumasok si Fifth doon dala-dala ang iba pang pagkain. Nagsaya silang lahat. Ngumingiti din ako at nakikipagbiruan pero sandaling tumitigil din ako at bumabalik ng tingin kay Faith. Hindi ko kayang maging masaya ng lumusan. If only Faith's awake, maybe I can.

Inubos ko lang ang oras ko sa pagtitig sa kanya. Pinapanuod ko ang pagtulog nya at hindi ako napapagod. Hawak ko ang kamay nya at hindi ko 'yung binibitawan. I feel sorry for my cousins because I can't be happy like them. But, I know, they can understand me.

"Grant."Nilingon ko si Mommy ng tawagin nya ang pangalan ko. Matipid na ngiti ang binigay nya sakin bago tinapik ang balikat ko.

"Kumain ka na."

"Mamaya na po Mom, hindi pa naman ako nagugutom."

"Hindi ka pa gutom? Ni, hindi pa nga kita nakikitang kumain." Sabi nya

Umiling ako. "Later, mom."

"You got thinner. Pinabayaan mo na ang katawan mo." Puna nya at tumabi sa akin.

"I doesn't matter Mom. I can gym again." Sabi ko.

Sandali syang hindi sumagot. Gabing-gabi na at pinauwi na din ang mga pinsan ko. Naiwan ako dito sa ospital ng dumating si Mommy para maglinis ng mga naiwan nilang kalat.

"Can I see the ring?" tanung nya at ninguso ang singsing na nilaro ko sa mga daliri ko. Tumungo-tungo ako at inabot 'yun sa kanya.

"This is beautiful." Napansin ko ang pagkabasag ng kanyang boses. Hindi ako sumagot. Diretsyo lang ang tingin ko sa kawalan.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon