Once again, my heart broke. Oh God, look at her. Ang saya-saya nya. Ang mga maliit lang na bagay katulad nito ang nakapagpapasaya sa kanya. She didn't ask for anything big. I never heard her ask for anything big. She just want to live. She's so plain. So pure. So innocent. She have dreams. Gusto nya pa akong makasalan, she still want children, she still want to finish her studies. Sa ganitong paraan mo ba sya kukunin?

Nagbalik lang ako sa sarili ko ng makita ko syang patakbong lumalapit sa akin. Pinilit kong itago ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa pamamagitan ng ngiti. Kaagad nya akong niyakap ng makalapit sya. Binitawan ko ang sandals nyang hawak ko at niyakap din sya.

"Don't run."

"I love running."

"I know. Pero bawal sayo." Sabi ko.

Ngumiti lang sya sa sinabi ko.

"Thank you for making me this happy, Grant."

"Are you happy?"

Tumungo-tungo sya. "I am happy." Aniya.

Ngumiti ako at hinapit sya sa bewang.

"Gusto ko.. pasayahin mo rin ako." Sabi ko.

"How?"

"I want you to fight. Lumaban ka kahit na gaanu kahirap. You don't need to worry, you don't need to be afraid kasi nandito lang ako palagi sa tabi mo. I'll never leave you. Lalaban ako kasama ka at hindi kita susukuan kaya dapat ikaw rin. Dapat hindi ka rin susuko. Promise me that you'll fight for me. Na hindi mo ako iiwan kahit gaanu kasakit, kahit gaanu kahirap. Baby, hindi kita susukuan. Hindi kita bibitawan kahit na anung mangyari." Sabi ko.

Ngumiti sya at tumungo-tungo sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil alam ko na 'yun ang dapat kong panghawakan ngayon.

"L-lalaban ako. Lalaban ako para sayo." Sabi nya sa akin.

Naluha ako at niyakap sya. Kung pwede lang ibigay ko sa kanya ang lakas ko gagawin ko. Kung pwede lang hatian ko sya ng buhay ko gagawin ko. Kung nadodonate lang ang buhay, bibigyan ko sya. Kahit na mabawasan ang akin basta madagdagan lang ang kanya. Kahit na sampung taon lang. Kahit limang taon. Dalawang taon. O kahit na isang taon lang. Tang-ina! Magpapakababa na ako para sa kanya. Mamamalimos ako ng awa kung yan ang kinakailangan. Uubusin ko ang yaman ko gumaling lang sya. Kahit na saan kami makarating mapagamot lang sya gagawin ko. Hindi kami hahantong sa hiwalayan. Walang mauuna at maiiwan sa amin. Wala.

Umuwi na kami pagkatapos noon. Madilim na rin kasi at nakikita kong pagod na rin sya. Nakatulog na nga sya sa may sasakyan habang nagmamaneho ako kaya ng makarating kami sa bahay ay binuhat ko nalang sya papasok ng kwarto.

Maingat ko syang nilapag sa kama. Tulog na tulog pa rin sya. This past few days, madali na syang mapagod. Nagsimula ito nung huling labas nya sa ospital. Dati, hindi naman sya ganito kahina. Kahit na may sakit na sya nun sa puso, nagagawa parin syang tumakbo at kumilos katulad ng nakikita ko pero ngayon ay hindi na. Sa tuwing tatakbo sya kahit na sandali lang ay hinihingal na sya at kinakapos ng hininga. Sa tuwing kikilos sya kahit sandali lang ay bumabagal na ang galaw na.

Unte-unte na talaga syang nilalamon ng sakit nya. Alam ko 'yun. Matindi ang naging huling atake nya at nagkakaroon ng nang maraming komplikasyon ang sakit nya. Sobrang nadamage ang puso nya dahil sa huli nyang atake. Sinabi sa akin ni Dillon na dapat kaming magpasalamat dahil nagising pa sya nung panahong 'yun. Halos isang buwan syang tulog! Ako, halos nabaliw na kakaisip at kakaiyak nung mga panahong 'yun. Inisip ko na paanu kaya kung hindi sya nagising nun?

Umiling ako. Hindi. Hindi ko kayang isipin.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na napunta sa kanyang mukha. Paulit-ulit kong hinalikan ang maliliit nyang mga daliri at nagdasal na sana may himala. Na sana, isang araw, paggising namin wala na syang sakit. Na sana, isang araw, paggising namin maayos na ang lahat.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now