"It's okay. I can drive naman." Sabi ko at binalingan si Grant. Naglahad ako nang kamay sa kanya. "I can drive, you two can talk here. Where's the key?" tanung ko sa kanya. Nakita ko kung paanu kumunot ang noo nya sa sinabi ko, hindi nawala ang titig nya sa akin. Hindi sya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko na naiirita sya. Ilang segundo na pero nanatiling nakabitin ang kamay ko sa ere. Binaba ko ang kamay ko nang dahil doon.

"T-then, magtataxi nalang kami ni Bash-"

"What the hell?" Biglang sabi ni Grant. Nagulat ako nang dahil doon.

"Y-you guys can talk her-"

"Bakit kami maguusap?" singhal nya habang titig na titig sa akin. Natigilan ako at napatingin kay Bash at Rihanna na pinapanuod lang ako. Grant's too obvious.

"Grant-"

"Kumportable ka ba talagang ipamigay ako sa iba, huh?" may hinanakit na sabi nya.

Nalaglag ang panga ko nang dahil doon. Binalingan ko nang tingin si Bash at nakitang nanlalaki ang mga mata nya. Natakot akong tignan ang ekspresyon ni Rihanna kaya yumuko ako at hindi na nagsalita.

"Let's go." Sabi ni Grant at kinuha ang kamay ko.

Hinila nya ako palabas nang restaurant na yun at nang lumingon ako ay kasunod na namin si Bash at ang nakakunot-noong si Rihanna.

"Get in the car." Utos ni Grant. Wala na akong nagawa. Pumasok si Bash sa likuran at akmang tatabi ako sa kanya nang tawagin ako ni Grant.

"You sit here. Beside me." Aniya at nagtaas nang kilay. Tumigil si Rihanna. Nakahawak na kasi sya sa pintuan nang front seat.

"What?" Angal nya.

Bumaling ako kay Grant. " D-dito nalang ako sa tabi ni Bash-"

"Faith Samantha, I said you.sit.here.beside.me." Matigas ang tono ni Grant. Lumunok ako.

"Rian, come on." Ani ni Bash.

Nahuli ko ang pagirap ni Rihanna.

"Sino bang girlfriend dito?" Angal nyaat padabog na binuksan ang likuran para tumabi kay Bash. Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa unahan dahil 'yun ang gusto ni Grant.

Sa biaje ay dinig na dinig ko ang panay na pagbuntong-hininga ni Rihanna. I know, she's really pissed right now. Naiinis sya dahil binabaliwala sya ni Grant. Ramdam na ramdam ko 'yun. She care so much at alam kong hindi naman sya magkakaganyan kung wala namang malalim na naging ugnayan sa pagitan nila noon. Somehow naaawa ako sa kanya. I don't like this awkwardness, I don't like when she's around, I don't like when she's clinging so much to Grant pero ayaw ko rin naman nang ganito. Somehow, naaawa ako sa kanya. Grant's treating here like trashed.

Nang maramdaman ko ang pagvibrate ang cellphone ko ay kaagad kong inilabas 'yun. Nakita ko ang text ni Promise doon.

Promise:

Are you near?

Ako:

Yeah. Malapit na. Get ready.

Tinago ko ang cellphone ko pagkatapos ay binalingan nang tingin si Grant na kanina pa hindi nagsasalita. He looks pissed too, nakakunot ang kanyang noo at diretsyong nakatingin lang sa kalsada. I think he's mad at me.

"Grant, slow down." Sabi ko nang mapansing bumibilis ang aming takbo.

Hindi sya sumagot. He still pissed, alam ko 'yun. I don't want him pissed. Lumingon ako sa likuran at kinagat ang aking labi. Rihanna's busy with her phone at si Bash naman ay nakatingin sa bintana.

Suminghap ako at pinatong ang kamay ko sa kamay nya. Naramdaman ko kung paanu sya nagreact nang dahil doon.

"Please, don't get mad. Slow down." Bulong ko sa kanya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now