"Bash, kasi-"

"Faith, let's go." Hindi na ako pinatapos na Grant.

Hinila nya ako palabas nang restaurant. Matindi ang takot sa dibdib ko. Paulit-ulit kasing tumatatak sa akin ang mga tingin ni Bash. I am so sure, she's shocked about the news. Hindi ko sinabi sa kanya. Wala akong sinasabing kahit na anu. Wala akong sinasabing naging Hernandez ako. Natatakot ako. Natatakot pa din ako. Wala namang nakaalam nito sa Central bukod sa pamilya namin at mga kamag-anak nila Grant. Pero ang mga kaibigan ko at iba pang tao doon ay wala naman alam tungkol dito. I am scared. Makakarating ito sa Central. Huhusgahan kami nang mga tao. Sinabi ko nang handa ako. Sinabi ko nang kaya ko. Pero takot padin ako.

"I'm sorry." Siminghap ni Grant habang naglalakad kami. "I didn't know that Rihanna's Bash cousin and she's not my girlfriend for God sake!" Aniya.

Hindi ako sumagot.

"I'm seriously going to kill Thunder and Fifth for this!" galit na sabi nya.

Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako.

"Baby.." Umiling sya.

Bumitaw ako sa kanya.

"Who is she?" tanung ko.

Nakita ko kung paanu gumuho ang mundo nya nang dahil sa pagbitaw ko sa kanyang kamay. Lumunok sya at ginulo ang kanyang buhok.

"Rihanna's.. my.. kinda like my ex.."

"Your car smells like her." Wala sa sariling sabi ko. Hindi ko maiwasang maisip, gaanu kadalas nya bang isinasakay si Rihanna sa sasakyan nya?

Nanlaki ang mata nya nang dahil doon. Wala syang makapang sagot kaya hindi sya sumasagot sa tanung ko. Umiling-iling ako.

"Nevermind. Let's go home."

"Baby-"
"It's okay Grant." Sabi ko at dumiretsyo na sa park kung nasaan ang kanyang sasakyan.

Akmang papasok ako doon nang madinig ko ang tawag sa likuran ko. Lumingon ako at nagulat nang makitang hinabol pala ako ni Bash. Namutla akong binabalingan sya nang tingin. Lumakad sya palapit sa akin.

"Faith." Hinihingal sya. Lumingon ako sa likuran nya at nagpasalamat na wala doon si Rihanna.

"Faith, let's go." Yaya ni Grant sa akin.

"Wait, sandali lang." pigil ni Bash sa kanya. Binitawan ko ang kamay ni Grant nang dahil doon.

"Baby.." singhap ni Grant. Nakita ko ang paglaki nang mata ni Bash.

"Baby?" naguguluhang tanung nya.

Lumunok ako at nilingon si Grant.

"M-mauna kana sa loob nang sasakyan. Susunod ako."

"But-"

"I am okay. Maguusap lang kami."

Pumikit sya at bumuntong-hininga. Tumalikod sya sa amin at binuksan ang sasakyan kahit na alam kong labag ito sa kalooban nya.

Muli kong nilingon si Bash sa harapan ko.

"The last time is saw you sa Hollywood you're with Thunder."

Tumungo-tungo ako.

"He said, ihahatid ka nya dahil hinihintay ka ni Grant. From that moment, I knew that there is something going on between the two of you." Kumurap sya at umiling. "No.. Hindi, Simula pa noong pumunta tayo sa Charity ni Mother Therese. I knew there was something..." Aniya

"Bash.."

"And then, how come? Santiago ka hindi ba? Paanung naging Hernandez ka? What's with Baby? And I'm pretty sure, you and Grant... are lovers now, right?" tanung nya.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now