Pagod na akong magtanung kong bakit ako ang may ganitong sakit. Pagod na akong kwestyunin ang Diyos dahil alam kong hindi dapat, dahil alam kong hindi tama. Bago pa dumating si Grant sa buhay ko, ang buong akala ko pare-parehas nalang ang mangyayari sa akin. 'yun bang pupunta ako nang school, pagkatapos dadaan nang church, kakanta, magbi-bible study, uuwi nang bahay, tutugtog nang gitara, magbabasa nang libro, matutulog tapos paggising ko sa umaga ganun ulit.. Paulit-ulit lang.

"But you are pretty. Look at you, wala kang make-up pero ang ganda-ganda mo na. You have such a long and beautiful hair, you have fair skin, beautiful eyes, di mo na kailangang page-ffortan ang ganda mo." Ani ni Kate.

Ngumiti ako at yumuko.

"And you have a good hearts. That's probably why Grant is so in love with you." Dugtong ni Prom.

Pero ngayon ay iba na. Ibang-iba na ngayon. Noon, naisip ko, kung wala lang si Papa David baka matagal na akong patay. Si Papa David lang ang dahilan ko noon para lumaban. I am tired of my sickness, I am tired of my medicines sinabi sa akin nang doctor na baka hindi ko na kayanin kapag nag eighteen na ako kaya inaasahan ko nang mamamatay na ako sa edad na 'yun, sa tuwing matutulog ako sa gabi hindi ko maiwasang matakot, palaging sumasagi sa isip ko na panu na kapag hindi na ako magising sa umaga? Anu na kayang gagawin ko kapag bigla naman akong mamatay habang natutulog? Pero hindi.. sa tuwing magigising ako sa umaga, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ko pang ipapasalamat na buhay pa ako, o dapat ba akong malungkot o umiyak dahil buhay pa ako.

Now, I am nineteen at nandito si Grant sa tabi ko. Kung Kaylan naman gusto ko nang mabuhay para sa kanya, kung Kaylan naman nagkaroon na ako nang dahilan para lumaban, doon naman unte-unteng bumabagsak ang katawan ko. Pakiramdam ko, wala nang silbi nang mga gamut. Parang hindi na ako tinatablan noon. Parang hindi na doctor ang kailangan ko... Parang himala na.

Nung nagutom na ang mga boys sa pagkukwentuhan ay kumain nadin kami. Umakyat sandali sina Kate at Prom para magbihis na dahil nilalamig na daw sila. Kung Kaylan lumalalim na ang gabi doon naman lumumlob ang mga boys sa tubig. Nagpaiwan si Grant sa tabi ko dahil hindi pa ako tapos sa pagkain. As usual, nahuhuli na naman ako.

"Malalim sa parting doon diba?" tanung ko sa kanya habang tinuturo sina Fifth at Thunder na nagwe-wrestling sa tubig.

"Yeah. Hayaan mo sila. Marurunog yan lumangoy, and Dillon and Williard was there."

"But, they're drunk-"

"Don't mind them. Ako lang intindihin mo. Kanina ka pa, you seem distant to me." Aniya.

Nilingon ko sya nang dahil doon.

"Are you jealous again?" tanung ko.

Tumaas ang isa nyang kilay.

"Yeah? I badly need your attention, always."

Natawa ako.

"You're like a child."

"Am I?"

Tumungo-tungo ako at tumawa. Hindi sya natawa at tumitig lang sa akin. Tumigil ako nagtaka.

"Bakit?"

"Nothing. I just want to stare at you."

"Palagi naman."

"I wonder why. Para kasing pakiramdam ko kasi palagi mawawala ka sa akin." Biglang sabi nya.

Nanlaki ang mata ko nang dahil doon. Kamuntik ko nang mabitawan ang platong hawak ko. Tinitigan ko sya. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok nang puso ko sa sinabi nya.

"H-huh?"

"Wag mo akong iiwan." Bulong nya.

Tinitigan ko ang mga mata nyang nangingislap dahil sa liwanag nang buwan. Pakiramdam ko, para syang batang nagmamakaawa sa kanyang ina na wag syang iiwang magisa.

"Ikaw ang buhay ko Faith, kapag iniwan mo ako, mamamatay ako." Sabi nya.

Kinilabutan ako nang dahil doon. Parang tumatama sa puso ko ang lahat nang sinasabi nya kaya sumasakit ito. Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi, bakit wala akong masagot?

"Grant.."

"Kung alam ko lang na darating ka sa buhay ko, sana hindi nalang ako nagloko noon. Sana hindi nalang ako nahayok sa babae at bisyo. Sana mas naging mabuting tao ako para sayo. I regret everything. Masama man ang tingin nang ibang tao sa akin wala akong pakialam. Ang pinakaimportante sa akin ay ang tingin mo. Faith, we are siblings.. But, I don't care. Kapatid o hindi basta mahal kita at 'yun lang ang importante sa akin. If we found out at ilayo ka nila sakin, ipaglalaban parin kita." Bulong nya at tsaka kinuha ang kamay ko at hinalikan 'yun.

Yumuko ako nang tumulo ang luha saking mata. Ngayon, paanu ko sasabihin sa kanya ang lahat? Kapag nalaman nya, he'll be in pain again. Bakit ba kailangang palagi ko syang saktan at paulit-ulit nya akong mahalin? Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya si Grant pero gusto ko sakin lang. Gusto ko syang maging masaya kahit na puro sakit lang ang binibigay ko sa kanya.

Oh God, I need a miracle.

Niyakap nya ako at binaon sa dibdib nya. Pumikit ako at niyakap lang din sya. Dumating sina Kate at Prom at nagsasayaw sa maingay na saliw nang musika na galing sa kanyang cellphone. Nagsigawan ang mga boys sa swimming pool dahil sa kanta. Nagtatalunan sila at nagsisayawan din. Malilikot sila at magagaslaw, kaming dalawa lang ata ni Grant ang nagsasayaw nang magkayakap at mabagal.

"Ay anu ba yan! Napaka-PDA!" sigaw ni Fifth sa amin.

"Gago! Inggit ka lang!" sigaw ni Grant pabalik. Hindi ako umimik at hindi din ako nagsalita. Nakayakap lang ako sa kanya at ayaw ko syang bitawan.

"Are you sleepy?" tanung nya.

Tumungo-tungo ako. Kinuha nya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Pinagmasdan nya akong mabuti. Pumungay ang mga mata nya at pinagdikit ang mga noo namin.

"Can I sleep beside you?" tanung nya.

Tumungo-tungo ako at kumapit sa laylayan nang kanyang damit.

"You can." Bulong ko at binalingan nang tingin ang kanyang labi. Ngumuso ako at inabot 'yun. Nawalan na ako nang hiya. Nakalimutan ko na atang hindi lang kami ang tao dito.

"Baby.." bulong nya at tinanggap ang halik ko.

Isang mababaw na halik lang. Nilapat ko ang lang ang labi ko sa labi nya pero ramdam na ramdam ko kaagad ang pagkabuhay nang lahat nang systema nang katawan ko.

Tumingala si Grant at pumikit.

"Urgh! I love you when you're being clingy like this." Singhap nya.

Ngumiti ako at pinagsalop ang kamay naming dalawa.

"Let's go sleep." Bulong ko.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now