Nasa huling litrato na ako nang tumulo ang luha saking mga mata. Alam kong kailangan ko nang punasan 'yun bago pa dumating si Prom pero hindi ko magawa. Nanigas ako at natitigilan habang nakatingin sa litrato nang nakangiti at masayang-masaya. Parang kutsilyong sumasaksak sa akin ang lahat, para nahahati ang puso ko sa gitna, bakit ang sakit-sakit sakin na makita ang nakangiti nyang mukha? Ang sakit-sakit at para ba akong mahahati sa gitna.


"Faith, Ito na 'yung drinks-" Natigilan si Prom nang makita ako. Kaagad kong sinara ang photobook at inilagay saking tabi. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at hinarap sya. Ngumiti ako sa kanya kahit na nakikita ko ang nakakunot nyang noo at ang mapanuring titig nya sa akin. Bumuntong-hininga ako. I am tired, pagod na akong magpanggap na para bang wala lang, pagod na akong magpanggap na nakalimutan ko nang lahat, dahil ang totoo, hindi.. ang  totoo ay hindi ko magawang lumimot. Hindi ko kaya..

"Uhm, A-antok na ako, Una na ako sa kwarto ko ha?" Sabi ko at kaagad na tumayo sa kanyang kama.


Nagmamadali akong umalis at hindi ko na sya magawa pang lingunin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pumasok saking kwarto. Kaagad na nasituluan ang luha sa mga mata ko. Walang tigil. Parang hindi nauubos. Hindi ko alam kung saan sila galing, minsan, pakiramdam ko, ang mga luhang 'to ay galing sa puso ko. Mahina ang puso ko pero nagagawa nyang magdala nang ganito karami at ganito katinding sakit.


Napalingon ako sa pintuan nang madinig ang ilang ulit na pagkatok doon.


"Faith? Faith ayos kalang?" Si Prom 'yun.


Suminghap ako at nagtalukbong nang kumot dahil gusto kong akalain nyang tulog na ako. Dahil kapag nalaman nyang umiiyak ako ngayon nang dahil sa kapatid nya, panigurado, she'll hate me again.


"Sleepwell, Faith." 'yun ang huli kong nadinig bago nawala ang ingay nang katok ni Prom. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo sa kama. Nang magring ang cellphone ko ay kaagad ko 'yung binalingan nang tingin. Nanlaki ang mata ko nang makitang pangalan ni Grant ang nasa screen. Nanginig ang kamay ko at hindi makapaniwala.


Kumalabog nang sobra ang dibdib ko nang damputin ko 'yun.


"Hello?" Napaos ang aking boses. Walang nagsalita sa kabilang linya at puro buntong-hininga lang ang nadidinig ko.

"Hello?" ulit ko, umaasang sasagot sya.

"Uhm. So-sorry. Napindot lang." Aniya at kaagad ding binaba ang tawag. Napaawang ang bibig ko at tinitigan lang ang aking cellphone. Hinawakan ko ang dibdib kong matindi ang kalabog.


Ilang araw pa ang nagdaan at naging maayos na ang lahat. Nalalapit na ang bakasyon sa CCCC at ang graduation pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Grant. Hindi ko alam kung may plano pa sya, pakiramdam ko kasi, wala na syang balak umuwi pa dito.


"Here." Inabot sa akin ni Dillon ang gamut na dapat kong inumin ngayong araw.

"Thank you, Dillon."

"Nagdadala ako nang sobra, in case na makalimutan mo 'yung sayo." Aniya.

Ngumiti ako at tumungo-tungo. Dillon is still the same. Hindi pa din sya nagbabago at palagi lang narito para sa akin. Tinupad nya ang gusto kong mangyari, nanatiling lihim ang sakit ko sa iba, wala syang pinagsasabihan na kahit na sino.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now