"Salamat Dillon. Umuwi kana para makapagpahinga ka na rin."

Kumunot ang noo nya sakin. "Magiging ayos kalang ba?"

Tumungo-tungo ako.

"Kayong dalawa lang ni Prom ang narito. I think I should sleep here to-"

"Hindi na kailangan Dillon. Kaya mo na ang sarili ko. Isa pa, nasa iisang building lang naman tayo."

"I'm still worried." Kinagat nya ang ibabang labi nya. Suminghap ako at tinitigan sya.

"Ayos lang ako."

"I know you're not, Faith. You're not good in lying." Aniya at inilahad ang kanyang kamay. Nakita kong inabot nya ang aking pisnge at pinunasan 'yun.

"Magang-maga ang mga mata mo. I don't like it when you cry, Faith at alam ko, kung narito si Grant, hindi nya rin gugustuhing nakikitang umiiyak ka nang ganyan." Aniya.

Suminghap ako at yumuko. Paulit-ulit kong sinasabing maayos ako kahit na hindi naman. Niloloko ko na ang lahat. Pati ang sarili ko niloloko ko na din.

Gabi na kaya pumasok na ako saking kwarto at naupo sa kama. Sobrang bigat nang puso ko at talagang ramdam na ramdam ko ang sakit sa kaibuturan nito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ata ako nakaramdam nang ganitong klaseng sakit. Para akong mahahati sa gitna. I almost heard my heart scattered into pieces. Ganun ako kawasak ngayon.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito. Kaagad ko itong dinampot nang makitang si Papa David ko ang tumatawag. Sinagot ko 'yun.

"Papa..."

"Faith.. Anak.." Kaagad na tumulo ang luha ko nadinig ko palang ang kanyang boses. Papa, what happen? You didn't teach me that love can be this painful.

"Nakabalik kana? Kumusta ang bakasyon mo anak?" tanung nya.

Tinikom ko nang madiin ang aking bibig.

"Ma-maayos naman po, Pa." Ani ko.

"May nangyari ba? Kasama mong umuwi si Grant?" tanung nya.

Inawang ko ang bibig ko at gustong sumagot pero hindi ko magawa. Bago nangyari ang bakasyon na 'to ay sinabi ko kay Papa ang totoo. Totoong nagpaalam ako sa kanya na si Grant ang kasama ko. Halos magmakaawa na ako dahil hindi nya ako pinayagan nung una. Pero sinabi ko sa kanyang, maaring ito na ang huling beses kaya gusto kong sumama. Gusto ko syang makasama.

"Anak? Kasama mo ba si Grant?" tanung nya ulit.

Tinakpan ko ang bibig ko nang lumakas ang aking paghikbi.

"Hin..hindi po, P-pa." Nanginginig na sabi ko.

Tumahimik sya sa kabilang linya. Maski ako ay walang nasabi. Napuno nang pagiyak ko ang buong kwarto at sising-sisi man ako ngayon alam kong wala na akong magagawa. Nahihirapan na ako pero hindi ko padin magawang itigil ang aking pagiyak. Hindi sya mawala sa isip ko, kapag pinipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko sya, sa bawat kilos ko ay naroon sya. Parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong mababaliw.

"Anung nangyari?" tanung ni Papa.

"Tinulak ko sya palayo. S-sinaktan ko si Grant, Pa." Hagulgol ko.

Nanginginig ang kamay ko at walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Para na akong mamatay sa sakit. Parang hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Kaya ko ang lahat.. Kaya kung tiisin ang hirap, ang paninikip nang dibdib ko, ang hirap sa paghinga sa tuwing inaatake ako, pero ang ganitong klaseng sakit... hindi ko alam kung kaya ko.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now