"Baby." Nanghihinang bulong nya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinitigan syang mabuti. Your baby makes me weak Grant. I want to hold you right now.. pero..

"Grant. I'm sorry." Nilakasan ko ang aking loob.

"Faith, please. Let's talk, pagkakamali ang lahat nang ito."

"Hindi.." Umiling-iling ako. "Grant, lumabas ka nalang doon. Hindi pwedeng makita nila tayong naguusap, magpapalit lang ako nang damit, tapos lalabas din ak-"

"Fuck! I can't understand! Paanung naging ganito? Magkausap pa tayo kanina sa telepono, Tapos.. Damn!"

"M-matagal ko nang alam, Grant. I'm sorry. I-I'm sorry."

"What?"

"Noon ko pa alam na hindi ako anak ni papa. Noon ko pa alam na anak ako ni Mama sa ibang lalaki. Noon pa, Grant. Pero minahal ako ni papa na para bang tunay nyang anak. Alam kong nagkaroon nang relasyon ang mama ko at ang Daddy mo noon pa. Alam ko ang lahat. Lahat-lahat."

Umiling sya.

"H-hindi."

"I-I'm sorry. Nung kasal ni Kuya Russell, doon ko kayo unang nakita. Doon ko unang nakita si Mr. Hernandez, ang Daddy mo. Nung nakita ko sya, naisip ko kaagad ang mama ko. Nagkaroon sila nang relasyon noon. Hindi kayang magkaanak ni Papa. Noon pa, A-alam ko na.. Grant.. na magkapatid tayo.."

Tumikhim ako. I'm sorry for the lies, Baby.

"Iniwasan ko ang pagmamahal ni Dillon dahil alam kong hindi pwede pero hindi ko naiwasan ang sayo. I'm sorry, Grant. Alam kong kapatid kita pero pinatulan kita, kapatid kita pero minahal kita, kapatid kita pero gusto kitang makasama. I risk all my Faith, Grant. Tanggap ko kung sa impyerno na ang punta ko ngayon. I disobey God's will. Nakasalanan ako,pero ikaw hindi. Save yourself, Grant. I'm sorry."

"No. Faith. Hindi ito tama. Mali ito, Pagkakamali lang. I believe there is somethi-"

"Grant.. Did you hear me? I want us to stop."

"No."

"Grant, Ikamamatay ko 'to-"

"MAS IKAMAMATAY KO TO! TANG-INA FAITH! Bakit mo hinayaang mahalin kita nang ganito. Pinaglaruan mo lang ba ako?" Pumiyok ang boses nya at kitang-kita ko ang paglaglagan nang luha dito.

"I'm sorry."

"This is just a mistake-"

"This is not a mistake. Totoo ito, Grant. Matagal ko nang alam. Hear me? Niloko kita." Humikbi ako nang humikbi. "Please Grant. Itama nalang natin 'to." Pakiusap ko sa kanya.

Nakita kong tinagilid nya ang kanyang ulo at tinitigan akong mabuti. I saw pain in his eyes at wala akong magawa para doon. I want to hug him and say that everything is a lie. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko magawa. I know he's inlove with me at kung malalaman nya ang totoo ay alam kong masasaktan lang sya. If I end this now, makakalimot pa sya. Hindi pa sya ganun kahulog sa akin at makakahanap pa sya nang babaeng para sa kanya. Ayokong matali sya sa akin nang dahil lang sa may sakit ako. Though, I want to live, hindi ko parin alam kung hanggang saan o hanggang Kaylan lang ako. I don't want him to take any chances with me dahil walang kasiguraduhan ang pamamalagi ko sa mundong 'to.

I am sorry. I want him to know that I am taking all the risk because I want to live for him. Finally, I found my reason to live and that was him.

Matapos kong makapagpalit ay bumaba ako para sa hapunan. Naroon kaming lahat pero hindi bumaba si Grant. Sinundan ko nang tingin si Mrs. Hernandez nang pababa sya nang hagdan. Binalingan nya si Mr. Hernandez at kaagad itong umiling-iling.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon