Dahil sa matagal kong pagkakaabsent sa school ay kinailangan ko na ding bumawi sa klase. Pumasok ako nang maglunes at nanghingi nang hand-outs para sa mga lessons na namiss ko.

"Faith, buti pumasok kana. Ayos na pakiramdam mo?" tanung nya sa akin.

Nilingon ko sya at tumungo-tungo. "Oo. Salamat, Jane."

"Buti naman no! Hinahanap ka kasi ni Grant."

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. "Si Grant?"

"Oo. Eh, may laban ata sila sa CCCC tapos kada daan ko sa gym, praktis nila. Palagi nya akong tinatanung kung pumasok kana." Aniya.

Kumalabog ang dibdib ko nang dahil doon.

"B..bakit daw?"

Nagkibit-balikat sya.

"Di ko na natanung eh. Basta, sinabi ko may sakit ka, ayun."

Tumungo-tungo lang ako at nagkagat nang labi. Tumikhim ako nang makaramdam nang sayaw sa kaibuturan nang aking puso. Nababagabag na ang utak ko at nagsisimula ko nang tanungin ang sarili ko kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Normal bang maging masaya nang ganito nang dahil lang sa hinahanap ka nang isang tao?

Lumipas ang mga araw. Madalas kong nakikita si Grant kasama ang mga pinsan nya sa kung saan-saang sulok nang University. Ni, hindi sya nalilingat sa akin. Hindi ko alam kung anung iniexpect ko dito, pero nalulungkot naman ako ngayon sa tuwing magkakasalubong kami at dadaanan nya lang ako. Si Dillon ang palagi kong nakakasama. Madalas syang nakikiseat-In sa aming klase, minsan nga ay sumasabay na din sya sa akin sa pagkain. Wala namang problema sa akin 'yun. Kaya lang minsan, may nasasabi na ang iba.

"Nanliligaw sayo si Dillon?" Nagulat ako sa tanung ni Bash sa akin habang narito kami sa org room at inaayos ko ang aking gitara.

"Huh? Hindi ah!"

"Eh, pumoporma?"

Umiling ako. "Hindi din."

"We? Halata namang may gusto sayo 'yun." Nagkibit-balikat sya. Tinigil ko ang ginagawa ko at binalingan sya nang tingin.

"Magkaibigan lang kami ni Dillon. Mabait sya kaya nakakasundo ko sya."

"Kahit na Hernandez sya?"

"Oo. Mabait syang Hernandez."

"Eh, 'yung iba , hindi?" tanung nya sa akin. Nilingon sya nang dahil doon.

"H-hindi ko alam. Hindi ko naman sila nakakasalamuha."

"Si Grant. Nakakasalamuha naman natin 'yun ah."

Lumunok ako.

"Uh, uhm."

"For me, si Grant ang mas gusto ko. I mean, Dillon is okay. Mabait sya. Pero si Grant kasi, iba 'yung pagkabait. 'yung tipong hindi nya pinapahalata pero deep inside, nagcacare sya sayo. Tsaka straight to the point sya tsaka may sense of rumor. Who wouldn't fall inlove with him anyway?" Aniya.

Binalingan ko sya nang tingin nang dahil sa kanyang sinabi. Inawang ko ang bibig ko at tila may sasabihin nang madinig kong pumihit ang pinto at may pumasok dito. Ngumiti ako nang makitang si Dillon 'yun, pero napalitan 'yun nang pagkalabog nang aking dibdib nang makita ko kung sino ang lalaking nasa likuran nya.

Tumigil ako. Tumikhim at nagiwas nag tingin.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now