Nag-angat ako ng tingin at si Phoenix. "Wait lang... masakit ang paa ko. Naapakan ni Laureen kanina." Ngumuso ako. "Ang sakit."

"You can't walk?"

Tumango ako. Bigla ko namang naramdaman na binuhat niya ako into bridal style. Humawak ako sa kanya bago ihilig ang ulo sa dibdib niya. Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog ako pero alam ko may mga pinagsasabi pa ako hindi ko lang maalala.

Kingina ang dami ko na namang nainom. Sobrang sakit ng ulo ko. Iyong ulo ko parang binibiyak sa sakit.

Paalis na sana ako sa kama nang may taong humawak sa braso ko at hinila palapit sa kaniya. Mahigpit ang yakap niya sa akin, naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko kaya nakiliti ako.

But wait... amoy na 'to ni Velasquez, ha?

Pinatong niya ang baba sa balikat ko.

Nilingon ko ang taong nasa tabi ko at si Phoenix nga. Humalik siya sa pisngi ko nang tumama ang mukha ko sa labi niya.

"Bakit ka nandito, ha?" gulat na tanong ko kay Phoenix na, natulak ko siya nang wala sa oras bago tumayo.

"Why?" tanong niya.

"Hoy, nasaan ako?" Nagsalubong ang kilay ko. "Saka, ikaw, anong ginagawa ko-mo dito?"

"Excuse me? This is my condo." Sagot niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at hindi 'to condo!

"Hindi 'to condo! Huwag mo nga akong niloloko."

Nahiga lang siya at tumingin sa akin.

"What's with the irritated voice?" Aniya. "And by the way, we are at the beach resort, I want to talk to you, baby. You agreed, right?"

Hindi kami masyado nakapag-talk dahil naging busy ako kaya ang sabi ko next time.

"Oo! Pero ang gusto kong malaman kung anong ginagawa ko rito? Baka gusto mong batukan kita? Anong ginagawa ko rito?"

"You said you want to be with me so I did. I take you to this beautiful place like we always do. Girlfriend naman kita 'di ba?" Tumayo siya para lapitan ako.

Aba nga naman.

"Hindi mo ako girlfriend," umatras ako pero lumapit lang ang hayop.

Natigil naman siya bago tumango. "Right... You're not my girlfriend because you're my wife." Akma niyang hahawakan ang palapulsuhan ko pero tinaas ko kaagad ang kamay ko.

"Saka, anong sinasabi mong gusto kitang makasama? Mema ka. Saka, baka hinahanap ako ni Mama,' sabi ko.

"I forgot that you have a slight amnesia after you get drunk. Yesterday, you were freaking drunk and you lost your consciousness-."

"Tapos tinake-advantage mo ang kawalan ko ng malay!" putol ko sa sinasabi niya.

"You're the one who said that you want me and you to be together so I did. I took you to my beach resort here in Siargao."

"Siargao?!" gulat kong tanong.

Tumango siya. "Yeah, we are here at Siargao. Niyaya pa nga kitang umuwi sa bahay niyo but you said no."

"Hindi 'yan totoo. Liar ka, Velasquez. Liar," umiling-iling ako.

"You agreed that we can talk also."

"Mag-uusap lang kailangan sa beach resort pa? At hindi mo ako asawa o girlfriend." Ang feeling nito.

"I want to claim you as my wife because you're gonna be my wife sooner or later," sabi niya na parang desidido na siya sa desisyon niyang 'yon.

"Iuwi mo na ako, Phoenix."

The Girl in Worst Section (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat