"Have a sit..." naupo ako sa harap ni Mama.

May grapes sa harapan ko kaya kumuha ako ng isa bago mahiga sa sofa. Kumakain ako habang nakahiga. Nakataas pa ang kamay ko kung nasaan ang grapes. Hinihintay kong malaglag ang grapes sa bibig ko.

"Why did you call me?" Tanong ko agad matapos malunok ang kinakain.

"I want to tell you something," si abuelo ang nagsalita.

"What is it, father?" Tanong ni Mama.

"They start their move again." Pangunguna ni Abuela. "I found out that they are doing something to get my granddaughter."

"Ako na naman ang trip nila?" Napakamot ako sa noo. "Sawa na akong makipag-habulan. Iyong moves ko walang-wala na."

"What are they doing?" Tanong ni Papa.

"They want to get Darlene and I heard that if they don't get her... they'll just kill her immediately," sabi ni abuela.

Hala, bakit kasi gusto nila akong mawala? Bibigyan ko naman sila ng yaman ko basta huwag lang nila ako patayin. Kung pwede lang na ibigay ko lahat maging tahimik lang kami gagawin ko. Kaya kong ibigay lahat kung sa ikakatahimik namin.

Gusto ko na lang mabuhay ng payapa.

"But we will never let that happen," pampalubag-loob ni Abuela. "She will live." ngumiti siya pero hindi ko magawang ngumiti dahil pakiramdam ko may hindi na naman mangyayari.

Lalo na ngayon na gusto talaga nila akong mawala kaya hindi dapat kami manatiling masaya dahil anytime pwede akong mawalan ng buhay. Isang tama lang sa delikadong parte ng katawan ko, pwede akong mamatay kaya kailangan kong mag-ingat.

Ayoko pang mamatay. Lahat naman tayo ayaw mamatay dahil marami pa tayong gustong gawin sa buhay.

Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong mag-travel all over the world, grumaduate ng High School, maka-graduate ng College at makapagtapos ng degree sa pag-dodoctor, magkaroon ng stable job and life, maikasal sa taong pinakamamahal ko at mahal ako, magkaroon ng sariling pamilya na mamahalin ko.

Marami akong pangarap na kailangan matupad kaya hindi ako mamamatay. Maraming masasaktan kung sakaling mangyari 'yon.

"Darlene, you're still a Princess, remember that." sabi ni abuela kaya napabangon ako nang wala sa oras. "Even though you declined to be a Queen you still have a chance to get it. But it's your decision. You will remain a Princess no matter what."

Gano'n?

Tumango ako. "I will never forget that, Abuela," ngumiti ako.

"Remember the promise, Darlene," sabi bigla ni abuela. "Once you have a daughter she really needs to accept this."

"What..." napakamot ako sa noo.

Sana lalaki na lang ang anak ko!

Since uuwi na kami ng Pilipinas. Sinabi ko sa mga pinsan ko, sinabi naman nila na mag-ingat kami kaya napangiti ako. Sinabi ko rin kay Jacob kaya ito kasama ko na naman.

"Mare, huwag mo akong kakalimutan." Umakto siyang umiiiyak.

"Ano ba 'yan!" Napairap ako. "Hindi kita makakalimutan. Saka alam ko namang umuuwi ka ng Pilipinas."

Tumawa siya pero agad rin umayos.

"Thank you, ah," ngumiti ako.

Nangunot naman ang noo niya. "Thank you naman saan?"

"Sa ito... sa pag-sama sa akin noon hanggang ngayon at sa mga sinasabi mo noon. Noong wala akong kasama at iyong panahong pinaalis ko si Nix, e, kahit papaano naging masaya rin ako dahil sa 'yo at sa ginagawa mo. Ang effort mong pasayahin ako. Thank you, Jacob," sincere kong sinabi.

The Girl in Worst Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt